Epilogue

8.5K 100 2
                                    

A Mari Usque Ad Mare

Ang mga salitang iyan ang nagturo sakin na hindi maling lumaban para sa pag-ibig.
Na kahit gaano pa kahirap, kalayo at ka-imposible dapat hindi sumusuko, tawirin ko man ang kabilang ibayo ng mundo dahil ang mahalaga ay naging maligaya ako.

Tama nga ang kasabihang, Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Wala nga naman kasing mangyayari kung wala kang gagawing paraan hindi ba?

Oo nga pala, simula nung naayos na ang gusot sa pagitan namin ni Jeydon ay nagsimula na kami ng bagong buhay.

Bumalik kami dito sa mansyon, nagkaroon na kami ng mini garden at pet house kung saan naroon si Cholo ang alaga naming aso. Lumaki naman ang espasyo ng playground dahil after ilang years simula nang magka-ayos kami ay nadagdagan ng dalawa ang anak namin.

Sina Juliene at Arfiel na ngayon ay nasa edad 14 na at si Deejay naman ay edad 24 na. 10 years old na kasi sya nung pinanganak ko ang kambal. Di naman kasi namin inexpect ni Jeydon na madagdagan ang pamilya dahil pareho kaming busy noon. So kung susumahin, 21 years ang nadagdag sa buhay ko. Hay ang tanda ko na!

Nakuha nila ang genes ng Daddy nila kaya ayun, kambal. Hehe. And speaking of kambal, dinala nga pala sa isang institusyon si Jayden upang mas maalagaan ito. At ang balita ko malapit na itong lumabas. Siguro naman ay okay na sya. Sa kabila kaso ng lahat ay kapatid pa rin siya ng asawa ko. Though di ko pa rin sya napapatawad sa pagtatangka nyang patayin kami ng anak ko noon. Di naman kasi ganoon kadaling kalimutan iyon.

You ready? Mukha ng isang mainiping lalaki ang nalingunan ko. Medyo nakakunot na ang noo nya, hay why so gwapo pa rin? Ni hindi man lang nabawasan during aging years! Mali-late na tayo, and yet hindi ka pa pala nakabihis?

Jusko, oo nga pala! Nakalimutan ko na may lakad kami, death anniversary kasi ngayon ni Dad, sa kasamaang palad ay pumanaw na sya makalipas ng mahabang taon sa comatose stage dahil sa pagkakabaril sa kanya ni Jayden noon. Tapos dadaan pa kami sa coutorier para i-pick up yung mga pinatahi naming mga damit dahil sa susunod na araw na namin iyon gagamitin.

Sorry sorry! Mabilis lang 'to hehe. Nagmamadaling isinuot ko na ang damit na kanina pa nakapatong sa kama.

Tch. Buti nalang talaga mahal kita. Aniya saka nakasimangot na lumapit at pinigil ako sa akmang pagbihis saka hinagkan sa noo.

Shet, how to be him po ba? Sya lang ang ganyan, nakasimangot na't lahat lahat nakukuha pa ring maging sweet. Kaya tuloy paulit ulit akong naiinlove sa kanya eh!

He really makes me feel special whenever he is kissing my forehead. Feeling ko sobrang ganda ko haha char!

Make sure you'll be ready after five minutes okay? Pagkatapos niyon ay tumalikod na ito at naglakad palabas ng kwarto.

Grabe, paano naman ako magiging ready after five minutes kung pinahinto na naman nya ang mundo ko?

Ang unfair talaga nun!

Matapos ng ilang sandali ay nakagayak na ako, pagkababa palang ng hagdan ay sinalubong na ako ni Deejay habang yung kambal busy sa mga gadgets, ang laki na ng anak ko. Binata at gwapo pa. Mana sa Daddy nya. Jusko mas matangkad pa sya sakin!

Hey Mom! Aniya sabay halik sa pisngi ko habang hawak niya ang kamay ng mahal nya. Nginitian naman ako ni Gia at bumati rin.

Oo at isang malaking tsek! May mahal na nga ang anak ko at baka ilang buwan nalang ay magiging lola na ang inyong lingkod.

Parang kelan lang, kalaro ko pa sya, kasayaw sa mall, kasabay sa pagkain, pagligo at minsan sa pagtulog, ngayon iba na ang kasabay nya. Iba na ang pinaglalaanan ng oras na dating akin lang.

Operation: Seducing My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon