RECAP PO MUNA TAYO ^___^

1K 26 4
                                    

 

So, Just a little recap for you guys. From Book 1 - A Day in Hell’s last chapter.

___

Hindi ko nararamdaman kung humihinga pa ako. Mahapdi ang mga mata ko sa pagpipilit kong dumilat.

Maputi ang paligid.

Or rather, mausok…

Malabo ang lahat. Hindi ko makita ng maayos.

Naramdaman kong may humawak sa braso ko, naaninag ko ang nakababata kong kapatid.

“Ate? Ate! Kuya! Tawagin nyo ang doctor nagising na si Ate!” tuwang tuwang sabi ni Mara. Nakikita ko sya pero napakalabo. Nahihilo pa ako. Napahawak ako sa ulo at nakapa ko ang bendang nakabalot doon.

I heard footsteps rushing inside. Naramdaman kong may mga humahawak sa akin.

Ano bang nangyayari?

Bakit parang nagkakagulo sila?

 

“Her vitals are okay now. Let’s thank God for bringing her back.” Sabi ng isang pamilyar na boses. Pero dahil malabo pa ang paningin ko ay di ko masigurado.

Then again…

 everything went black.

***

THE DEVIL'S PRAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon