XIV.
Halos kaladkarin na nya ako at ilang beses na rin akong muntikang masubsob dahil sa bilis ng takbo namin. Hindi ko magawang kumawala sa napakahigpit na hawak nya at hindi ko rin makita ang mukha nya dahil nakatalikod lang sya sa akin habang hinihila nya ako.
"Sino ka ba? Bitawan mo ko!" ilang ulit ko nang naisigaw sa kanya pero ni isang lingon ay hindi nya ginawa.
Kaliwa. Kaliwa. Kanan. Kaliwa.
Nakailang ikot at liko na rin kami.
Tinandaan ko ang bawat likong gagawin namin para kung sakali man ay hindi ako maliligaw pabalik. Pero hindi ko inaasahan ng bigla akong matisod at, kasabay ng pagkakadapa ko ang pagkakalaglag din sa isip ko ng minemorya kong direksyon.
Dahil doon ay napilitan ang kung sinumang iyon na bitawan ako dahil hindi naman nya ako pwedeng hilain ng nakahiga ako.
"Aray ha." Hindi ko masabi ng maayos ang mga salitang iyan dahil sa sobrang sakit ng tuhod ko.
"Sorry." Nakita kong inilahad nya ang kamay nya para tulungan akong makatayo. Wala naman akong magagawa kundi ang tanggapin iyon dahil alam kong hindi ko makakayang tumayo mag isa dahil parang umikot yata ang tuhod ko sa sobrang sakit.
Habang inaalalayan nya ako ay pilit kong tinitingnan kung sino ba sya. At doon ko narealize na---
"Gino?"
"Ikaw nga ba yan?" tanong ko ulit ng hindi ako makarinig agad ng sagot mula sa kanya.
"O-oo. Ako to. P-pasensya na. H-hindi mo pala ako nakilala?"
"Obvious ba? Kanina pa ako tanong ng tanong di ba?" halos pasigaw na sabi ko at padabog na pinalis ang kamay nya.
Hinilot hilot ko ang tuhod ko na namaga yata. Di ko maiwasang mapatingin sa kanya dahil nanatili lang syang tahimik at nakayuko.
"Sorry." Naguilty naman ako bigla. Lalo na ng maalala kong sya nga pala ang kasama ko nung ilabas ko si Harry. Akala ko, nakauwi sya ng safe?
"Gino, bakit ka ba... nandito?" sana ay sumagot sya. Natatakot akong isipin na kaya sya nandito ay dahil na naman sa kagagawan ko.
Dahan-dahan syang nag-angat ng mukha. At kahit na madilim ay sapat na ang tumatamang liwanag sa mukha nya para makita kong
"G-Gino?! A-ang mga m-mata mo!" magkandautal na sabi ko.
"Hindi mo pa rin ba naiintindihan? Ha Lyn?" basag ang boses na sagot nya sa akin.
Nakatitig pa rin ako sa mga mata nya. Napaka pula niyon. Mapula hindi dahil sa galit. Kundi dahil...
"Gino... l-lumuluha ka ng... d-dugo!" Hindi ko mailabas sa bibig ko ang mga salitang gusto ko pang sabihin dahil sa sobrang takot.
"Hindi mo pa rin ba naintindihaaan????? Haaaa?!!!" Sigaw nya sa mukha ko. Naramdaman ko ang galit na lumalabas sa kanya.
At sa sobrang takot ay napaupo ako at hindi makakilos. Nangangatog ang buong katawan ko.
"I-I'm sorry. S-sorry. Sorry." Sabi ko sa napakahinang tinig. Sinubukan kong tumayo para makalayo sa kanya pero hindi ko magawa dahil sa pamamaga ng tuhod ko.
He laughed sarcastically.
So, galit nga sya sa akin? Ako na naman ba ang dahilan kung bakit may isa na namang taong napahamak?