XV.

319 19 2
                                    


XV.


Isa lang ang naiisip kong sagot sa mga pangyayari.

Wala akong nakikitang kakaiba dahil hindi pa naman ako patay.

At maaaring karugtong din non, ay hindi rin ako kailangan pang husgahan. So that explains kung bakit malayo ang narating ko kanina na wala akong nakikitang kakaiba, dahil wala namang dapat ibigay sa aking pagsubok.

Pero si Harry, may pagsubok sya sa lugar na ito kahit hindi pa naman sya patay.

Ang tanging paliwanag na maibibigay ko rito ay dahil sa nag-aagaw buhay na sya.

Kumbaga ay comatose ang katawan nya, at nandito ang kaluluwa nya ngayon. Kung makakalabas kami ng maayos ay magkakaroon pa sya ng chance na mabuhay ulit.

Pero kung hindi... kung hindi ay sa impyerno na sya?

Kaya pala kailangan ko talaga syang sunduin. Para makita nya ang totoong daan palabas.

Kailangan ko nang magmadali.

Baka maubos na ang oras namin.

Iginalaw ko ang tuhod ko at napangiti ako ng maramdaman kong hindi na iyon ganon kasakit.

Tumayo ako at tiningnan ng masama si Gino.

"Ano sa tingin mo???" sigaw ko sa kanya. "Mukha ba akong natatakot?! Ha?! Mukha ba akong natatakot sayo??"

Mukhang effective ang acting ko dahil nakita kong nagulat sya. Pero agad ding nawala iyon sa mukha nya at napalitan ng galit.

Mabilis nya akong sinugod at iyon naman ang inaasahan ko.

Mas malaki sa akin si Gino kaya hindi magiging sapat ang lakas ko lang. Kailangan kong gamitin ang lakas nya laban sa kanya.

Halos lumilipad sya ng sugurin nya ako at napangiti naman ako.

Nang malapit na malapit na sya sakin ay mabilis akong umiwas. At sa isang iglap ay nahawakan ko ang likuran nya at buong pwersa syang isinubsob sa lupa. Wala na syang nagawa para kontrahin pa iyon dahil sa bilis ng pangyayari.

Sinamantala ko ang pagkakataon na nakadapa sya, agad kong hinawakan ang dalawa nyang kamay at hinila iyon pataas. Pumwesto ako sa likuran nya saka sya pinagsisipa sa gulugod.

Hindi ako tumigil hanggang sa makaramdam ako ng pagod.

Akala ko pag demoyo ay matigas ang katawan. Well, swerte ko dahil hindi pa sya ganap na demonyo. Sapat para mabigyan ko sya ng danyos sa katawan nya.

Humihingal ako pagkatapos. Bahagya rin ang pangangatog ng mga tuhod ko. Hindi ko pa nasubukang mambugbog ng kaibigan. I mean dating kaibigan.

Napatalon ako sa gulat ng bahagya syang kumilos at unti-unting tumihaya paharap.

Ako ang papatayin nya nya pag di pa ako nakaalis agad dito.

Tinadyakan ko sya ng isa pa sa tagiliran saka ako mabilis na tumakbo palayo.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras para lingunin sya. Pero habang tumatakbo ako palayo ay naririnig ko ang ungol nya na naghatid ng kilabot sa buo kong katawan.


---


Wala akong ideya kung saan ako pupunta. O kung saan ako dapat na lumiko. Basta tumakbo lang ako ng tumakbo. Advantage ko na rin na wala pala akong makikitang kung anuman dito.

THE DEVIL'S PRAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon