V.

461 22 0
                                    

salamat po sa mga sumoporta sa book 1 na "A Day In Hell" hanggang dito sa book 2 *heart heart* ...

masaya ako super duper talaga.. ^___^

anyway, pasensya na kung medyo maiksi itong chapter na ito kasi malapit na ang suspense part..pero sana maenjoy nyo parin..

tnx!!! æ

------

V.

Hindi ko na alam kung paano o ano pa ang mga nangyari pagkatapos. Isa lang ang malinaw sa akin, mali ako ng pinagkatiwalaang tao.

Ayaw nilang tulungan ko si Harry. At hahayaan na lang nilang makuha sya ng kadiliman.

Kung anuman ang dahilan nila, mali pa rin iyon.

Duwag sila.

Gagawin nila ang lahat mapigilan lang ako sa pagtulong kay Harry. Kasama rin ba doon ang saktan ako?

Unti-unti ko nang napagtatagni-tagni ang lahat. Nung nakausap ko si Gino kanina ay bigla syang natakot, at walang ibang taong naroon maliban kay satur.

Si Satur, pwede kayang…?

I have believed him. But then..

Ang pagbuntong hinga na lang ang nagawa ko para maialis ang bigat ng dibdib ko.

Nakita ko na lang ang sarili kong nakikipag usap ulit kay Gino. Sa ngayon ay wala na akong ibang pwedeng mahingan ng tulong maliban sa kanya.

“A-ang totoo nyan, hindi ko rin alam ang d-dapat mong gawin.” Nakayukong sabi ni Gino. Nakasuot pa rin ang hood nya at natatakpan ang mukha nya kaya hindi ko mabasa ang ekspresyon nya.

“Si Ernie. Ikaw ba ang nag-alay sa kanya?” Napapiksi sya sa sinabi ko pero nanatili lang syang nakayuko. Sapat na ang katahimikan nya para malaman kong ‘oo’ ang sagot nya.

Nakakapikon. Akala ko sya na makaktulong sa akin pero halos ayaw naman nyang magsalita.

“Ano ba? Matutulungan mo ba ko?” iritang sabi ko. Doon ay bigla syang nag-angat ng mukha at tumingin sa mata ko.

“Hindi.”

Napatiim bagang ako sa sinabi nya at pinipigil ko ang sarili kong maupakan sya.

“Wala ka namang kailangang ipaghingi ng tulong.” Halos pabulong na sabi nya.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nyang iyon.

“Ang humihingi ng tulong yung may mga problema.” Mahinang sabi nya at parang nag-iingat na may makarinig.

THE DEVIL'S PRAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon