FINALE

390 22 6
                                    


I also posted the last chapter just an hour ago so please make sure you didn't skip it.. ^___^

-----

FINALE:

Everything was then followed by a blinding light.

My heart is aching.

And my soul is bleeding.

I failed.

Oh God I'm sorry I failed.

---

Huni lang ng malakas na hangin ang tanging naririnig ko.

Payapa ang paligid.

Mula sa sa kinauupuan ko sa tuktok ng borol kung saan lagi kaming nakatambay ni Michelle ay tanaw ko ang asul na kalangitan na dinisenyuhan ng iba't ibang hugis ng ulap.

Walang upuan sa borol na ito kaya katulad ng dati ay nakaupo lang ako sa madamong lupa. Nakataas ang magka krus kong mga tuhod at nakakapit ako doon habang nakatingala sa langit at sinasabayan lang ang pag ihip ng hangin.

Ipinikit ko ang mga mata ko para pakinggan ang pagaspas ng mga dahon at hinayaang tangayin ng hangin ang mahaba kong buhok sa kung saan-saang direksyon.

Hindi ko namalayan ng kumawala sa dibdib ko ang isang malalim na buntong hinga.

"I told you wala kang pagkakamali sa mga nangyari." Nagulat ako sa baritonong na boses sa likuran ko.

Satur.

"Kanina ka pa?" tanong ko at pilit na ngumiti.

"No. Kadarating ko lang." Hindi ko na inisip kung totoo bang kadarating nya lang o kanina pa sya sa likuran ko.

Naupo sya sa tabi ko at tumingin din sa mga ulap.

Matagal na kaming nasa ganong posisyon lang. Halos nakalimutan kong may katabi nga pala ako ng muli syang magsalita.

"You don't have to feel guilty."

"I know." Malungkot na sabi ko. "Marami lang talagang naglalaro sa isip ko after ng mga nangyari."

Nung nagising ako noon pagkatapos ng nagyari ay iyak ako ng iyak. Lalo pa nung makita kong nanatili lang na nakahiga ang katawan ni Harry di kalayuan sa kinahihigaan ko at di kumikilos..

Hindi na nagawa pang makapasok noon ni Satanas sa katawang lupa ni Harry. Pero hindi iyon sapat para tumigil ako sa pag-iyak.

I was there to save him but it turned out the other way.

"Alam mong magagalit sayo si Harry pag ganyan ka." Nawala ako sa pag iisip dahil sa biro ni Satur sabay siko sa akin na naging dahilan naman para matawa na rin ako.

"Yeah. He has that attitude." Biro ko na rin.

Sabay kaming napalingon sa likuran namin ng makarinig kami ng iritadong boses pagkatapos ng kalabugan ng kung anong nabagsak.

"Mich! Here!" tawag ko kay Michelle para makita nya kung nasaan kami. Bahagya lang syang tumango at patuloy sa pagbulong ng kung anu-ano.

Pagtingin ko sa likuran nya ay nalaman ko kung ano ang dahilan ng pagkainis nya.

"Sorry. Sorry." Tarantang bulong din ni Harry habang isa-isang pinupulot ang mga nagka hulog na mga canned softdrinks.

Yeah. Si Harry.

Narinig ko ang pagtawa ni Satur bago sya tumayo para tulungan ito sa mga bitbit na pagkain. Nanatili naman ako sa pagkaupo at nakangiting pinagmasdan sila habang nag aasaran at inihahanda ang mga pagkain.

THE DEVIL'S PRAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon