echos lang

426 20 9
                                    

wala po itong kinalaman sa story..naisingit ko lang..di ko po ito original na story, kinwento lang ng kuya ko sakin but then I want to share it with you so eto..pinalitan ko lng ng characters para mas ma feel nyo..

enjoy!

----

Bumabagyo. Napaka lakas ng pagbubos ng ulan na hindi mo alam kung may maililigtas pa bang buhay kung maabutan ka nito sa gitna ng kalsada.

Laking pasalamat ni Lyn dahil kahit paano ay naisakay sya ng isang truck pauwi dahil kung hindi ay baka tinangay na sya ng hangin at baka inanod na rin ng ulan.

Sumisipol ang matandang driver at parang wala lang kahit na madilim ang kalsada at hindi na nila maaninag ang daan. Si Lyn naman ay nangangatog sa ginaw at natatakot dahil sa talim ng kidlat habang nagdadasal na sana ay wala rin namang gawing masama sa kanya ang driver.

Maya-maya ay huminto ang truck. Itatanong sana nya sa driver kung bakit pero naunahan na sya nitong magpaliwanag.
"may matanda, mukhang walang masakyan."

pagkatapos ay dali dali na nyang itong pina akyat sa truck at tatlo na silang bumiyahe ng tahimik.

pero dahil sa dulas ng daan at bilis ng pagmamaneho ng driver ay hindi sinasadyang dumausdos ang gulong ng truck, napuno ng nakabibinging sigaw ang paligid at nagpaikot ikot sila hanggang bumunggo sa malaking puno.

pare-pareho silang agaw buhay at naramdaman nilang lumabas ang kaluluwa nila mula sa kanilang katawan.

"Bwaaahahahahaha!!!" nakangingilong tawa ng isang nilalang na nakilala agad nilang si Satanas.

"I-ikaw ba...a-ang susundo sa amin? dadalhin mo ba kami s i-impyerno?" takot na tanong driver.
Ngumisi si Satanas at saka sumagot.

"kayong tatlo ngayon ay nag aagaw buhay." sabay silang napatingin at nakita nila ang walang malay nilang katawan. "gayunpaman, may chance pa rin kayo na mabuhay pa."

"pano? sabihin mo kung paano?!" sigaw kaagad ng matandang lalaki na isinakay nila kanina.

kinamot kamot pa muna ni satanas ang baba nya bago nagsalita.
"isa isa kayong magtatanong sa akin, at pag hindi ko ito nasagot ay maaari nang bumalik ang kaluluwa nyo sa katawan nyo."

pumayag na lang ang tatlo dahil wala naman silang choice at mas mainam na ito kesa ang kunin sila ni Satanas ng walang laban.

"ako ang mauna!" sigaw ng matandang sinakay nila. Sa di malamang dahilan ay natawa si Satanas at lalo namang natakot si Lyn at ang driver.
"Kailan ako naordinahan bilang isang pari?" nagulat sila Lyn at ang driver. Pari pala ito. Malamang ay hindi ito alam ni Satanas.

tumawa ng malakas si Satanas sabay sagot "Ika-lima ng Enero taong 1985!" lumaki ang mga mata ng pari sa pagkagulat. Lalo na ng ilabas na ni Satanas ang karit na hiniram pa nya kay Kamatayan at isinabit doon ang leeg ng pari, sumigaw ito at naglaho na papunta sa impyerno.

Lalo namang nangatog ang driver. Maaaring alam talaga iyon ni Satanas dahil ayaw nila na may nagsisilbi sa Diyos. Sa isip isip nito.

"Ako naman! Ako ang sunod!" walang gatol nitong sabi. Muling ngumisi si Satanas.
"Kailan ko nakuha ang una kong lisensya?" natatawang tanong ng driver. Sa isip nya ay hindi ito mahuhulaan ni Satanas.

"Hmm..mahirap na tanong." bulong ni Satanas na napakamot pa sa ulo. "Aha! Ika dalawamput isa ng Nobyembre taong 1970!"

muli ay nakawit ng karit ang kaluluwa ng kawawang driver.

Halos panawan na ng ulirat si Lyn kahit kaluluwa lang sya dahil sa takot. Pero maigi syang nag isip ng paraan.

"Satanas! Bago kita tanungin, ikuha mo muna ako ng bond paper at lapis!" lakas loob na sigaw ni Lyn.

gago tong batang to ah. Sa isip ni Satanas, pero sumunod pa rin ito dahil alam naman nitong makukuha pa rin nito ang kaluluwa ni Lyn.

matapos ang ilang sandali ay nakabalik na ito at may dala ng bond paper at lapis.

Matapos nitong iabot sa kanya ang mga hiningi nya ay binutas butas nya ito gamit ang lapis.

Nagtataka man si Satanas ay naghintay na lang din ito.

Matapos butasin ni Lyn ang papel ng ilang ulit ay inupuan nya ito.

Nagtaka si Satanas ng sandaling malukot ang mukha ni Lyn at mabilis ding ngumiti pagkatapos.
Tumayo si Lyn at itinaas ng buong yabang ang papel.

"Kung talagang magaling ka, saang butas ako umutot??!!!"

napanganga si Satanas sa pagkagulat at di malaman ang isasagot. Nagalit sya pero dahil iyon ang kasunduan ay kailangan nyang sumunod. Padabog nyang hinablot at papel at tinitgan iyong mabuti hanggang sa ituro nito ang pang walong butas.
"Dito!!! dito ka umutot!!" inilabas na ni Satanas ang karit nito ng bigla itong awatin ni Lyn.

"Nagkakamali ka! Hindi mo pwedeng kunin ang kaluluwa ko dahil nagkakamali ka!!"

napanganga si Satanas para magsalita pero naunahan na sya ni Lyn.

"Tinanong ko kung saang butas ako ako umutot!"
dahan dahan ng lumapit si Lyn sa katawan nya para humanda sa pagpasok.

"At syempre sa puwet ako umutot!"
napasigaw na lamang si Satanas sa galit dahil wala na syang nagawa pa para kunin ang kaluluwa ni Lyn.

the end.



----


I have an on going story entitled ABANDONED, it's a mystery thriller just check it out!


æ

THE DEVIL'S PRAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon