XII.
Naramdaman kong lumulutang ako. Pero hindi katulad ng sa paglipad.
Paglutang na para akong nasa tubig. Lamang ay nakakahinga ako ng maayos.
Bigla ang pagdilat ng mata ko nang narinig kong isang pamilyar na boses.
"Lyn! Go and findHarry! Tumatakbo ang oras mo!"
Si Michelle?
Kailangan ko nga palang bumalik!
Anumang kaligayahan ang nararamdaman sa ngayon ay may buhay pa rin na naghihintay sa akin sa totoong mundo.
I have to find Harry.
And we will go back. Together.
The moment na naisip ko ang pagbalik ay ang bigla ring paghatak sa akin ng kung anong pwersa paibaba at tanging matinis na pagsigaw na lamang ang nagawa ko.
Saka ako biglang iniluwa sa isang lugar at pabagsak na napahiga.
"Anak ng... pitong hudas." Bulong ko habang hawak ko ang balakang ko at dahan-dahang tumayo. "Masakit yun ha."
Teka. I felt... pain?
I thought I was not supposed to feel pain dahil wala naman ang pisikal na katawan ko dito? Does it mean na, kung anuman ang mangyari sakin dito ay ganun din ang mangyayari sa pisikal kong katawan?
Pero nawala na rin sa isipan ko ang bagay na iyon ng masilayan ko ang paligid.
Mukha syang normal. Walang kakaiba di katulad ng inaasahan ko. Pero madilim. Parang gabi. Tumingala ako at natawa sa saril kung bakit ba naisipan ko pang icheck ang langit. Syempre walang moon dito. Silly me.
Wala, para lang akong nasa gitna ng parang. Ng bukid. Kung ano ang nagsisilbing liwanag dito ay hindi ko na inabalang isipin pa.
Naglakad ako hanggang sa may makita akong napakalaki at napaka taas na gate.
Wala naman akong ibang pwedeng puntahan bukod dun dahil nang tingnan ko ang magkabilang gilid ay hindi ko matanaw kung hanggang saan ito nagtatapos. Malinaw na nanganaghulugang sakop ng gate na ito ang buong lugar.
Pero bakit kaya may gate pa?
Nasaan ba ako exactly?
Habang papalapit ako sa bukana ng malaking tarangkahan ay bumibigat din ang pakiramdam ko. Like I was not supposed to be here. Katulad sa dalawang magnet facing the same poles ay parang pilit akong iniluluwa palabas at hindi ako pinahihintulutang pumasok.
Pero mas nanaig ang kagustuhan kong makita si Harry.
Alam kong nasa loob sya.
Nararamdaman ko.
Pinilt kong dumapa dahil pag tumayo ako ay hahagis ako palayo mula roon. Halos gumagapang na ako sa pagpupumilt na makalapit. Sa bawat pag gapang ko ay kumakapit ako sa mga batong nakabukol. Mas mahirap pa itong ginagawa ko kesa sa wall climbing at pati paghinga ko ay halos mapatid na rin.
Malapit na ako sa napakataas na bakal ng nakabukas na gate. Itinaas ko ang kamay ko at pilit kong inabot yun para hindi ako biglang tumulak palayo at magsimula ulit sa pag gapang. Naramdaman na ng dulo ng daliri ko ang malamig na bakal.
Kaunti na lang.
Kaunti pa.
Kailangan kong... makakapit doon.
Pakiramdam ko ay naglabasan lahat ng ugat ko dahil sa pagpupumilit kong abutin iyon. Maliit lang ang awang ng gate at natatakot ako na bigla iyong sumara kung kailan ako nasa pagitan niyon.
Nang makakapit na ang kamay ko sa malalaking rehas ay buong pwersa ko ng hinila ang katawan ko hanggang sa makapasok ako sa loob.
"God, please help me."
Hindi birong lakas ang ibinuhos ko pero nang makapasok na ako ay bigla na ring nawala ang pwersa na nagtutulak sa akin palabas. Habol ko ang paghinga na napahiga ako at hindi agad nakatayo. Ipinahinga ko sandali ang mga braso ko na namitig sa sakit.
Nang makaramdam ako ng kaunting kaginhawaan ay saka na lamang ako tumayo at nagpasya nang magpatuloy.
Pero... ano itong nakikita ko?
Una ay parang kulay gray na usok hanggang sa unti-unti iyong nabuo. At naging mataas na... bakod ulit?
You must be kidding me. Bakod sa loob ng bakod? Really?
Pero wala itong gate?
Pota. Saan ako dadaan?
Marahas ang ginawa kong pagbuga ng hangin.
"Harry, nasaan ka ba? Nandito na ako." Bulong ko, umaasang totoo yung sinabi ni Satur na naririnig ako ni Harry.
Nagbilang ako sa isip ko habang naghihintay ng maaring maging sagot ni Harry.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
"Ay Punyeta Harry! Nasaan ka ba?!" sigaw ko, ayoko namang maghintay at magbilang na lang dito noh.
Pero may narinig kaagad akong---
"Lyn..."
"LYN..."
Totoo bang narrinig ko yun? O ilusyon ko lang?
"Harry?"
"LYN!"
Umaasa akong si Harry iyon pero hindi ko masigurado dahil parang bulong lang ang naririninig ko. Bulong na umaalingawngaw sa pandinig ko.
"H-Harry?"
"LLLYYYNN! Naririnig mo ba ako?" Si Harry nga, bahagya kong nakagat ang pang ibaba kong labi dahil sa kagalakan. Nakasilip ako ng pag-asa.
"Hindi. Hindi kita naririnig."
"Hindi mo ko naririnig?"
Ay. Tanga talaga itong si Harry.
"Nasaan ka ba?"
Gusto ko pa sana sya sabihan na ang engot nya kaso naalala kong may oras nga pala kaming hinahabol.
"Lyn, I can't tell you exactly."
Naglakad ako papunta sa kaliwa ko dahil dun ko narinig na nanggagaling ang boses nya.
Sa pag diretso ko ng lakad ay may nakita na akong daanan.
"Medyo madilim kasi dito."
Patuloy lang sa pagsasalita si Harry at patuloy ko lang ding sinusundan ang pinanggagalingan ng boses nya.
"Basta ang alam ko lang kasi..."
Pagpasok ko sa nakita kong lagusan ay naghalo ang kaba at pagkabahala sakin ng marealize ko kung ano ang papasukin ko para makita si Harry.
Para itong isang malaking maze!
"...nandito ako ngayon..."
Ano pwedeng makitya ko sa bawat maling liko na magagawa ko? Ano ang pwedeng nagtatago sa bawat madilim na sulok na dadaanan ko?
"...Sa purgatoryo."
To be continued...