dedicated ito kay exoticJehnnaRonan ..hehe..salamat sa pamamalita sa mga friends mo nung book 1..haha! super thanks!!!!
---------------
I.
TWO MONTHS LATER…
Wala akong nakikita kundi puro kadiliman.
Tinalasan ko ang pandinig ko at pakiramdam dahil ito lang ang pwede kong asahan sa ngayon.
Gaya ng dati ay may naririnig na naman akong impit na pag-iyak.
Iyak na parang…
Natatakot.
Halata na pinipilit nyang pigilin ang pag-iyak nya.
Nilakasan ko na ang loob ko, kahit hindi ko nakikita ang nilalakaran ko ay humakbang ako papunta sa pinanggagalingan ng iyak na yon.
Baka matigil na ang lahat kapag kinausap ko na kung sinuman ang umiiyak na iyon.
“S-sino yan?” alanganing tanong ko. “Baka… Matulungan kita.”
Biglang huminto ang pag-iyak dahil sa sinabi ko. Sana tama ang ginawa ko.
Nagulat ako ng bigla akong makaramdam ng malamig na humawak sa kamay ko. Napatalon ako sa gulat at tumingin sa kaliwang kamay ko kung saan nararamdaman kong nakahawak ang malamig na kamay. Humigpit ang pagkakahawak nito sa akin at bago ko pa man maialis ang kamay ko ay narinig ko ulit ang boses nya.
“Lyn… tulungan mo ko!”
Ang boses na yon!
Kung hindi ako nagkakamali…
.
.
“H-Harry?”
.
.
“LYN! WAKE UP!” muntik pa akong mapasigaw sa pagkabigla sa sumundot sa tagiliran ko.
“M-Mich?” I asked. Nalito ako.
“Sssshhh… What do you think you’re doing?” Marahas na bulong nya at palihim na luminga sa paligid. I followed her gaze and I was shocked.
Pota! Nasa classroom nga pala kami. “Ngayon ka pa nga lang nakakahabol sa lessons natin, natutulog ka naman! Baka this time hindi ka na pagbigyan ng mga prof natin na kumuha ng special exams!” There she goes again, masyadong seryoso. Minsan nagtataka din ako kung paano kami naging mag bestfriend. We’re so different in many ways.