IX.
Patuloy ako sa pagtakbo.
This time ay hindi na ako nag aksaya ng oras na lumingon pa sa likuran ko.
Ang nasa isip ko lamang ay dapat akong magmadali.
Binagalan ko ang ginagawa kong pagtakbo ng maramdaman kong hindi na sementado ang kalsadang tinatapakan ko. Saka ko napansin na mas dikit-dikit na rin ang mga puno sa paligid.
Malapit na ako.
Habol ko ang paghinga ko habang nakatingin sa liwanag na natatanaw ko. Liwanag na nanggagaling sa malaking hospital.
Halos hilain ko na ang mga paa ko sa sobrang pagod.
Sandali muna akong napatitig sa hospital nung eksaktong nasa harap na ako.
Paano ko ilalabas si Harry?
Kailangan ko syang makita. Kailangan kong masiguro na ayos lang sya. At doon na lang ako mag-iisip ng paraan paano kami makakalabas.
Hindi ko na alam kung ano ang itsura ko nang umabot na ako sa lobby ng hospital at magpunta sa information counter, pero mukhang nakilala pa nila ako.
"Ma'am Evelyn Zamora?" bati sa akin ng magandang nurse.
Pinakita kong kalmado ako kahit pagod na pagod na ako sa ginawa kong pagtakbo. Bahagya ko munang hinawi ang buhok sa gilid mukha ko na nabasa ng pawis saka ako ngumiti.
"Oh thank God you remembered me. Hindi ko kasi nadala ung IDs ko eh." Nung nakaraang punta ko kasi ay tatlong valid ID pa ang hiningi nila sa akin kasabay ng pag fill up ng iba pang mga forms.
"O kakailanganin ko pa rin mag present ng ID ulit bago makita ang kaibigan ko?"
Ngumiti lang ang nurse sa akin bilang sagot. "Okay na po yun ma'am since may file na po kami ng information about you."
Ngumiti ako sa kanya.
Pero shit.
May file sila about sa akin! At pag nawala si Harry ay madali lang sa kanila na matunton ako.
"Uhhmm. Ma'am?" napatingin ako ulit sa kanya. "Are you here to check him out na po?"
What? Tiningnan ko lang sya para sa iba pa nyang sasabihin.
May kinuha syang isang envelope at hinugot doon ang isang folder na maraming nakaipit na papeles.
"Pasensya na po Ma'am kasi nung naka alis na kayo last time saka namin ni review yung Statement of Consent ni Mr. Harison Villanueva nung time na magpa admit sya dito, na isang Evelyn Zamora lang po ang pu'pwedeng maglabas sa kanya dito." Nagsimula syang basahin ang mga nakasulat doon.
I was stunned by what she said.
Si Harry mismo ang nagpa admit dito?