VIII.
Ang mga mata nya. Nagsimula nang tumulo ang kanina pa namumuong mga luha sa mga mata nya.
At don ako nakaramdam ng kakaibang kilabot.
Dahil ang kaharap ko ngayon ay walang iba...
Kundi ang sarili ko.
Lalo akong nanigas sa pagkakaupo ko. Namanhid ang buo kong katawan sa nakita ko.
Halos maputol ang hininga ko nang bigla nyang hinawakan ang magkabila kong balikat at inilapit ang mukha nya sa akin.
Saka sya sumigaw sa tapat ng mukha ko. Napapikit ako pero ramdam ko ang hangin na tumatama sa mukha ko at bahagyang nilipad ang buhok ko.
Nagpasalamat na lang ako na wala pa ring lumalabas na boses mula sa kanya dahil alam kong mas higit ang hilakbot na mararamdaman ko kung sakali.
Dahil ngayon pa lang na wala syang boses ay halos manginig na pati buto ko sa sobrang takot.
Nang maramdaman ko ang pagtigil nya ay saka ako dumilat kahit natatakot ako sa maaari kong makita.
Hanggang sa isang iglap ay yumuko sya. At kasing bilis ng pagkakayuko nya ay ang pag-angat mulit ng mukha nya.
And this time ay si Harry ang nakita ko.
Hawak nya pa rin ako habang nakatingin sa akin. Katulad kanina ay nangangatog din ang buo nyang katawan.
Hirap at dahan-dahan syang umiling sa akin. At muli ay nabasa ko sa buka ng bibig nya ang salitang...
'HUWAG!'
--
Napabalikwas ako ng bangon at habol ko ang paghinga ko. Napatingin ako sa paligid ng marinig kong may mga tumakbo palapit sa akin.
"Ate!" sigaw ni Mara at yumakap sa akin ng mahigpit.
Nakita ko ring nasa tabi ko ang Daddy ko at si Michelle. Natanaw ko ang kuya ko na palabas sa pinto.
Wait.
Hindi ko kwarto ito.
"Anong nangyari? Nasaan ako?" naguguluhang tanong ko.
"Anak, don't strain yourself too much." Malumanay na sagot ng daddy ko.
Napapiksi ako ng biglang hawakan ni Michelle ang kabilang kamay ko. "Nandito ka sa hospital Lyn. Y-you were out for two days." Mabilis kong binawi ang kamay ko.
"Two days?!!"
Napalingon kaming lahat ng bumukas ang pinto at pumasok ang kuya ko. Kasunod nya si Doc Zandro, or mas tamang sabihin na si Satur.