IV.

513 20 5
                                    

IV.

"Ano ba talagang nalalaman mo?" mahinang tanong ko. Bahagya lang syang nag-angat ng ulo at tumingin sa akin.

"Madaling mainitindihan ang isang bagay pag naranasan mo na."

sabi nya at saka tumalikod at nagmamadaling maglakad palayo sa akin, pero nakikita ko syang pasimpleng sumisilip sa akin, o sa likod ko na para bang may paparating na dapat nyang katakutan.

Gusto ko sana syang habulin at tanungin kung ano pang nalalaman nya, pero napako na ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita kong matinding takot sa mata nya.

Parang naintindihan ko na.

Naiintindihan nya dahil naranasan na nya.

Si Gino, sya ang dahilan kung bakit naging handog si Ernie. Siya ang nag-alay kay Ernie. Pwedeng isa na sya sa mga alagad ng demonyo na lumalakad dito, pero bakit parang binibigyan nya ako ng warning? Pwede kayang dahil katulad ko ay hindi nya rin sinasadyang makasali sa mga demonyo? At ginagawa nya ito para makabawi? Pero sa pagkakaalam ko ay patay na si Ernie, tuluyan na itong naging handog sa mga demonyo.

Marami pa akong dapat malaman.

Napatiim bagang na lang ako sa isiping para akong naghahanap ng karayom sa gitna ng damuhan.

Tumalikod na ako and headed for my direction para lang magtaka ng makita ko si Zandro / Satur sa di kalayuan na nagmamadaling sumakay sa kotse nya.

"Anong ginagawa nya dito?"

Gusto ko syang habulin at kausapin, pero natatakot ako. Alam kong iniisip nilang lahat na pwedeng nababaliw ako dahil sa traumatic experience ko nung mapatay si Mommy, at natatakot akong I'confirm iyon ni Zandro pag sinabi kong sya at si Satur ay iisa lang. Lalo na pag sinabi ko pang nakarating na ako ng impyerno.

Kailangan kong makaisip ng paraan para sya mismo ang magsabi na totoo ang lahat.

Nakalayo na ang kotse nya ng maisipan kong pumunta sa hospital na pinapasukan nya.

Kailangan ko munang magmanman.

---

Nakarating ako sa gitna ng hospital. Sa left wing ng hospital ay alam kong doon ang mga rooms ng mga kailangan I'confine at sa right wing naman ay ang mga opisina ng mga doctor. Nagsimula na akong maglakad ng dahan-dahan papunta sa gawing iyon.

Bihira ang tao dito kaya tahimik. Karaniwan kasi ng mga nagpupunta sa opisina ng doctor ay may special appointment. Alam ko lahat ng ito dahil weekly ay may regular counseling ako sa Psychologist ko dito sa parehong hospital na ito.

Kinakabahan ako pero gusto kong masilip ang loob ng opisina ni Zandro. Gusto kong makakita ng proof na sya at si Satur ay iisa.

Isa-isa kong binabasa ang mga pangalan ng doctor sa bawat pintong madaanan ko, pero malapit na akong makarating sa dulo ng pasilyo ay wala pa rin ang opisina nya.

"Pwede kayang di sya nag-ooffice dito sa hospital?" bulong ko sa sarili.

Dalawang pinto na lang ang natitira at umaasa akong isa na doon ang kay Zandro.

Tiningnan ko ang naunang pinto. "Walang pangalan? Unoccupied siguro." Dumiretso ako at tinungo ang pinakahuling pinto.

Nanlumo ako ng makita kong wala ring pangalan na nakalagay doon. Naisipan kong umuwi na lang, gumagabi na rin at natatakot na ako sa sobrang katahimikan ng lugar.

Pahakbang na ako palayo nung marinig ko ang isang boses. Automatiko akong napabalik sa tapat ng pinakahuling pinto at bahagyang idinikit ang tenga ko para masiguro ang narinig ko.

"You can't do that." mariing sabi ng boses ng isang lalaki.

"Pero si Lyn, parang naaalala na nya." Lumakas ang kabog ng dibdib ko hindi lang dahil sa narinig ko ang pangalan ko, pero dahil din sa nagbitiw ng mga salitang iyon.

Boses iyon ni Michelle. Hindi ako pwedeng magkamali. At ang kausap nya...

Ang kausap nya ay si...

"Hindi maaari. Hindi maaaring mangyari yon."

Si Satur?

Pinag-uusapan nila ako at meron silang ayaw na maalala ko. Lumusob ang kakaibang hinala at takot sa akin.

Wala akong narining na sagot mula kay Michelle.

"Sya lang ang pwedeng makakatulong kay Harry, at alam mong hindi natin dapat payagan yon." Mabigat at may diin sa bawat salita ni Satur.

Ako lang ang makakatulong kay Harry at ayaw nilang mangyari iyon? Gusto ba nilang manatili si Harry sa impyerno?

Ang nakapagtataka ay bakit nagagalit si Satur?

"Yes. Yes, I understand."

Makasarili sila. Nahihirapan si Harry sa kamay ng demonyo pero pababayaan lang nila?

Nanatili ako sa pakikinig, kailangan kong marinig pa kung ano ang pinag uusapan nila.

"One week. We still need one more week." Si Satur.

"One week? For what?"

Habang tumatagal ay lumalakas ang kalabog ng puso ko. Natatakot ako sa mga pwede ko pang matuklasan.

"Pagkatapos ng isang linggo ay tuluyan na syang makakain ng kadiliman. Kaya dapat walang magawang hakbang si Lyn sa loob ng isang linggong iyon."

A-ang sama nila.

H-hindi ko akalaing magagawa nilang pabayaan si Harry ng ganun na lang.

"Gawin mo ang lahat para mapigilin mo sya sa loob ng isang linggo." Ang dating boses ni Satur na nakapagbibigay sa akin ng kasiguruhan ay naghahatid na ngayon sa akin ng malalim na takot.

"Yes, I will do everything." Sagot ni Michelle.

Napahikbi ako dahil sa pagpigil kong umiyak.

"Sssshhh." Naalarma ako ng bigla silang tumahimik. Maya-maya ay mga yabag na palapit na sa nakasarang pintong kinatatayuan ko.

Mabilis pero maingat akong naglakad papunta sa katabing pinto. Laki ng pasasalamat ko ng pagpihit ko ay bumukas iyon.

Dali-dali na akong pumasok pero hindi ko inilapat ang pagkakasara ng pinto para hindi lumikha ng anumang ingay.

Pagkapasok ko ay eksaktong dumaan ang pares ng mga paa sa tapat ng pinagtataguan ko. Dahan dahan pero naririnig ko ang mga yabag nya. Alam kong si Satur iyon.

Nanatili akong nakayuko at nagtago sa loob. Hinintay ko kung ano ang mangyayari.

Hindi ko alam kung gaano ko katagal pinigil ang paghinga ko hanggang sa tuluyan na syang lumagpas.

Magpapasalamat na sana ako pero narinig ko na naman ang yabag nya pabalik kaya ipinikit ko ang mga mata ko at nagdasal.

Maya-maya ay narining kong huminto ang mga yabag sa tapat ko.

Shit.

Narinig ko ang pag-ingit ng pinto ng kwartong kinaroroonan ko, tanda na may nagbubukas nito.

Shit.

Lalong dumidiin ang pagkakapikit ko kasabay ng paglakas ng pintig ng puso ko.

"I have to go. It's getting late." Napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Michelle. Napatingin ako sa pinto at nakita kong huminto ito sa pagbukas.

"Oh. Okay." Matapos lang ang ilang segundo ay hinila na nya uli ito pasara.

Narinig ko ang mga yabag nila palayo, hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga narinig ko.

At ang tanging nararamdaman ko lang... ay takot.

Takot sa mga taong pinagkatiwalaan ko.

To be continued...

THE DEVIL'S PRAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon