II.
Harry?
Sino nga ba sya?
Di ko alam pero, parang kilala ko sya. Or , DAPAT na kilala ko sya.
“Aaarrgghh!!” Napasabunot ako sa buhok ko because of frustration. Sa totoo lang, may mga bagay na gumugulo sa akin. Mga bagay na sigurado ako sa sarili kong DAPAT ay alam ko, pero for some reason ay hindi ko maalala.
Minsan ay sinubukan kong magtanong sa kapatid kong si Mara o kaya ay kay kuya, pero ang sagot lang nila sa akin ay mga nagdududang tingin. Na para bang hinahanap ko sa realidad ang mga bagay na dapat ay nasa isang pelikula lang.
Nung isang linggo ay tinanong ko si Michelle kung kamusta na si Ernie, dahil sa pagkakatanda ko ay nagkaroon sya ng misteryosong sakit. She looked at me like she had a shock in her life and answered that Ernie is already dead at iniba na nya ang usapan.
Pero ang alam ko kasi hindi lang basta-basta sakit ang nangyari kay Ernie eh, there’s something beyond it. Pero hindi ko na nagawang usisain pa ang kaibigan ko dahil obviously ay ayaw nyang pag-usapan, may kaunti lang syang nabanggit pa sa akin pero ngayon ay hindi ko na rin maalala kung ano ba yung sinabi nya!
Maraming nawawala sa ala-ala ko. Karamihan ay nananatiling misteryo dahil parang walang gustong maniwala sa akin, o minsan ay parang walang gustong sumagot sa mga tanong ko.
Ang nakapagtataka ay hindi ko naman nakakalimutan ang ibang bagay katulad ng lessons namin sa school, ang mga formula na kailangan sa Business Math, ang bibilhin kong grocery, ang pangalan ng una kong aso na si Bruno, at ang gwapong mukha ni Dr. Zandro Martin.
But something is telling me that there are things that I should know about.
Things that are kept from me.
Merong kulang.
There is a little piece missing.
At hindi ako matatahimik ng hindi ko nalalaman yun.
Kinuha ko ang ballpen na lagi kong dala at nagsulat sa booklet kong bagong bili. I started writing at the third page giving enough space for each question I have in mind.
Ernie?
Harry?
Before I went coma?
Iniisip ko kung ano ba ang pwedeng similarity ng tatlong ito. Pwedeng nandoon ang sagot.
Maganda nang maisulat ko tong mga tanong sa isip ko bago pati mga ito eh makalimutan ko pa. Good thing lagi akong may notebook, ugali ko na kasi ang magsulat ng kung ano-ano.