VII.

427 27 1
                                    

VII.

Niyakap nya ang dalawang tuhod nya at kitang kita ko ang pangangatog ng katawan nya. Nanatili syang nakayuko habang umiiling iling.

"Ilabas mo ko. Kailangan mo kong mailabas dito Lyn!"

Fucking tape. Eh mas mahirap pa yata yon kesa sa pumunta at bumalik ako sa impyerno eh. Paano ko gagawin yon? Hindi papayag ang hospital dahil hindi naman kami magkamag-anak.

Teka. Oo nga ano. Kung wala na ang buong pamilya nya, sino ang nagpasok sa kanya dito? Hindi basta-basta ang hospital na ito, at lalong hindi sila papaya na tumanggap ng pasyenteng libre magpa confine.

"Harry?" nagsisimula akong magduda na baka baliw nga talaga sya.

"Hindi ako baliw Lyn!" napahawak ako sa dibdib ko sa pagkagulat.

"Kailangan mo ba talagang sumigaw? Kung hindi ka baliw eh di lumabas ka dyan! Sino ba kasi may sabi sayong ipa'admit mo ang sarili mo dito?" I shouted back. Gagong to, ako pa sigawan nya.

"Hindi ko nga magawa. Hihingi ba ako ng tulong mo kung kaya ko?"

"Paano ka ba napasok dito? Sinong kamag-anak mo ang nagdala sayo rito?" tanong ko, naisip ko rin kasing baka may kamag anak syang gustong makuha ang yaman nila.

"H-hindi ko na alam kung paano ako nakapasok dito. Pero wala na akong kamag-anak Lyn. H-hindi ko na alam. K-kailangan mo na akong tulungan. M-malapit na. Malapit na silang dumating!"

I was alarmed by what he said.

"Malapit na sila. Malapit na silang dumating... Malapit na sila."

Paulit-ulit na bulong ni Harry katulad ng sa isang baliw, habang yumuyugyog ang mga balikat na tila ba takot na takot.

Sinabi rin ni Satur na isang linggo na lang ang natitirang araw. Nung Linggo ko yon narinig, at Martes na ngayon.

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi dahil sa pag iisip saka bumuntong hininga.

"Pag nailabas na kita, ano na ang kasunod nating gagawin? Paano natin masisiguro na... na hindi ka na nila malalapitan?" nag-aalalang tanong ko.

Muli syang tumingin sa akin at nakita ko na naman ang mapupula at luhaan nyang mga mata.

"Kailangan ko munang makalabas dito! Mas madali na ang gumawa ng kasunod na hakbang pag nailabas mo na ako!"

Sa totoo lang ay nag-aalala ako sa kinikilos nya dahil para syang asong ulol. Sa sobrang takot takot siguro sa mga naranasan nya.

"Sige, sabihin mo sa akin kung paano?"

He grinned by what I said.

"Walang ibang paraan kung hindi ang tumakas."

---

Hindi ako matigil sa kakaisip.

Paano ko sya itatakas sa hospital? Malaking hospital yun at mahigpit ang security. Nung dumalaw lang ako kanina ay sangkatutak na interview na ang pinagdaanan ko na para bang nahulil ako dahil sa pagbubugaw ng mga menor de edad.

Bumaling ako ng pagkakahiga sa kama ko at nakipagtitigan sa puting kisame.

Krimen din ba sa batas ang magtakas ng pasyente sa mental hospital?

Pinipilit kong pigilan ang pagbigat ng mga mata ko. Ayoko pang matulog. Kailangan ko pang mag-isip ng paraan.

Sabi ni Satur sa linggo ay makukuha na sya ng kadiliman.

Miyerkules na bukas.

Alam kong gagawa pa ng paraan si Satanas para hindi kami magtagumpay kaya dapat bukas pa lang ay maitakas ko na si Harry. Para makapag handa pa kami bago dumating ang linggo.

Pero hindi ko na namalayan.

Na nakapikit na pala ako.

Hanggang sa dahan-dahan na akong tinatangay sa malalim na pagkakatulog.

.

.

.

Idinilat ko ang mata ko, hindi ko alam kung bakit pero alam kong nananaginip na naman ako.

Bakit kaya?

Dadalawin ba ako ulit ni Harry para ipaalala na kailangan ko na syang maitakas?

Hindi ko nararamdaman naglalakad ako pero nakikita kong palapit ako sa isang bagay.

Nang makalapit na ako ng tuluyan ay saka ko napansin na tao pala iyon. Nakaupo at yakap-yakap ang sarili.

"Harry? Harry!" tumakbo ako para tulungan syang makatayo. "Nandito na ako di ba? Tutulungan na kita. Wag ka nang matakot." Hinawakan ko sya sa braso at iniharap sa akin.

Pero napaupo ako sa nakita ko. Habang nangangatog ang mga tuhod ay pilit akong sumisipa paatras para makalayo sa kanya.

Hindi sya si Harry.

Nasa harap ko ang isang taong napaka rumi. Magulo ang buhok. Maraming sugat at hiwa sa katawan na parang galing sya sa sobrang paghihirap. Tumingin sa akin ang mga matang puno ng pahiwatig.

Iniangat nya ang kamay nya at sinubukan akong abutin. Dahil sa takot ay halos hindi ako makakilos sa pagkakaupo ko at bahagya lang akong naka atras mula sa kanya.

Hirap na ibinuka nya ang nangangatog nyang mga labi. May mga sinasabi sya.

Pero walang tinig na lumalabas sa bibig nya.

Paulit-ulit lang sya sa pagbukas-sara sa bibig nya pero hindi ko maintindihan kung anuman ang gusto nyang sabihin.

Hindi ko sya maintindihan.

Pilit kong tinitingnan ang madilim nyang mukha dahil baka doon ay makita ko kung ano ba ang gusto nyang ipahiwatig.

Tinitigan ko sya. Marahil ay naisip nyang hindi ko siya marinig kaya pilit pa syang lumapit sa akin habang umiiling-iling, and mouthing the word 'huwag!' .

H-huwag? Anong huwag?

Ang mga mata nya. Nagsimula nang tumulo ang kanina pa namumuong mga luha sa mga mata nya

At don ako nakaramdam ng kakaibang kilabot.

Dahil ang kaharap ko ngayon ay walang iba...

Kundi ang sarili ko.

To be continued...

hello.. you can do happy things like voting and leaving a comment po with #theDevilsPrayer nakakagaan kasi ng loob ang makabasa ang mga comments nyo.. ^___^

THE DEVIL'S PRAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon