III.

619 24 9
                                    

III.

Bigla akong napaupo mula sa pagkakahiga. Habol ko ang paghinga na parang limang minuto akong niulublob sa ilalim ng tubig. Ang taas ng alon ng dibdib ko dahil sa pinaghalong kaba, pagkabigla, at pagkalito sa katotohananang naalala ko.

Naalala ko bago ako lumabas ng hospital, I saw Satur. But instead of greeting me back, sabi nya sya daw ang doctor ko, at ang pangalan daw nya ay Zandro Martin. At si Michelle, from the time I woke up from coma ay parang hindi nya alam na minsan naming nakaharap si Satanas.

Oh God. I even remembered Harry when I woke up that time! Tinanong ko si Michelle, at ang sabi nya ay nasa isang mental institute si Harry.

Nalilito ako.

Nung magising ako sa hospital ay naaalala ko pa ang buong experience ko sa kamay ng demonyo.

 

“Pero bakit nakalimutan ko yun the moment na makauwi ako ng bahay?”

Bakit nga ba?

Sinapo ko ang ulo ko dahil nakaramdam ako ng sakit sa sintido dahil sa sobrang pag-iisip.

My sacrifice for my friend, my encounter with the devil, my experience in hell, are those… are those real?

Something is telling me na totoo lahat yon. Kung bakit at paano nawala sa isip ko ang lahat pagkalabas na pagkalabas ko ng hospital ay ang bagay na aalamin ko.

Kailangan kong tulungan si Harry.

Pakiramdam ko ay ako ang responsable kung bakit na trap sya sa impyerno. Kung hindi nya ako tinulungan para iligtas si Michelle, hindi sya mapapansin ng demonyo para magamit laban sa akin.

Kanino ako ngayon pwedeng humingi ng tulong?

Kay Michelle? Nakalimutan nya ang lahat. Pero mabuti na rin iyon para hindi na mapahamak ang kaibigan ko. Hindi ko na sya hihingan pa ng tulong para hindi na nya maalala pa ang lahat at mahila ulit sya ng kadiliman.

Si Satur! Matutulungan nya ako. Sigurado akong alam nya kung ano ang dapat gawin.

Pero Zandro ang pakilala nya sa akin nung magising ako sa hospital, hindi na rin kaya nya maalala ang mga nangyari?

Posible kayang magkaibang tao si Zandro at si Satur?

There is only one way to find out.

Tumayo ako para lumabas ng kwarto pero hindi pa rin pala bumabalanse ang katawan ko kaya muli akong natumba.

Syete. Ang sakit na ng ulo ko.

Hinilot hilot ko ang sintido ko. Then I shook my head to focus.

Teka. Ano nga ba ang gagawin ko?

A-Ano nga ba yun?

THE DEVIL'S PRAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon