VI.
Mahirap para sa akin na itago kay Michelle ang nararamdaman kong galit, at takot sa kanya. Sa kanila ni Satur.
Ano nga ba ang dapat mong maramdaman pag narinig mong pinag uusapan ka ng mga taong pinagkakatiwalaan mo?
Ang best friend ko at ang taong malapit sa puso ko.
Pero alam kong kailangan kong itago ang nararamdaman ko, hindi nila dapat mahalata na alam ko na ang lahat. Mas maganda na na akala nila ay wala pa akong nalalaman para hindi nila ako mapigilan.
“Are you okay Lyn? Kahapon ka pa tahimik.” napatingin ako kay Michelle sa sinabi nya.
“Sabihin mo nga sa akin Michelle, m-magagawa mo ba akong saktan?” isang malakas na tawa ang sagot nya sa tanong ko.
“Syempre hindi! Para kang tanga.” Napayuko ako at medyo nakahinga ng maluwag, pero hindi pa rin nawawala ang takot ko.
“Pero ni minsan ba sa pagkakaibigan natin, nagawa mo nang maglihim sa akin? Sa kahit na anumang dahilan?”
Sa sinabi kong iyon ay bigla syang napatahimik at tumingin sa akin. And in that single moment, I knew there’s something wrong.
“L-Lyn, bakit mo ba tinatanong yan? A-ano bang nangyayari sayo?”
Hindi nya sinagot ang tanong ko.
“Oh don’t mind me.” Sabi ko at pilit na ngumiti. “Na apektuhan lang ako ng movie na pinanood ko.”
Napangiti na rin sya sa sinagot ko. “Anong movie yan? Bakit di mo ko inaya?”
“Uhmm… My Bestfriend is A Liar.” I said while looking at her straight into her eyes. Tumaas naman ang kilay nya sa sinabi ko.
“Meron bang ganon? Parang ngayon ko lang narinig.”
“Nagulat ka ba? Ako rin eh. Di ko rin akalaing may ganon pala.” Bahagyang napakunot ang noo ni Michelle pero bago pa man sya makasagot ay tumayo na ako at dinala ang mga gamit ko paalis.
“Hey. What’s wrong?” habol nya sa akin.
“Mauna na akong umuwi, wala kasing kasama si Mara sa bahay. Wag ka nang sumama, magba’bonding lang kaming magkapatid.” Nagmamadali kong sabi at pilit na ngumiti.
May mga sinabi pa sya pero hindi ko na narinig dahil nagmadali na akong umalis.
Ayokong mahalata nyang galit ako, pero hindi ko naman maitago ang takot ko. Kailangan ko silang layuan. Kailangan ko syang iwasan.
Hindi nila ako dapat na mapigilan sa pag tulong kay Harry.
Tumakbo na ako para lang masigurong nakalayo na ako sa kanya.
---
Kung hindi pa ako hinarang ng isang motorsiklo ay hindi ko pa marerealize na nasa labas na pala ako ng campus.