Chapter Seven - An evil for an evil

2.4K 93 12
                                    

Chapter Seven

Lucas’ POV

Shit! Saan galing yung putok ng baril? Nalintikan na oh. Masyado napukaw yung atensyon namin sa tangkang pagtakas ni Keiko na hindi ko na namalayan pa ang paligid ko. Tinignan ko ang bawat sulok ng kwarto, taas baba, pero wala akong ibang nakikita kung hindi ang mga dingding parin at kisame. Maliban sa digital wall clock at yung mga materyales para sa pagpapatay na naka-display sa kanang bahagi ko. Ugh.

Kung sino ka mang nasa likod nang lahat ng dinaranas namin ngayon, pagbabayaran mo ang lahat ng ito. You can’t just get away from all the people you’ve killed.

Fuck Lucas, think! Don’t get too distracted. Ang bilis ng mga pangyayari, parang kanina lang nagmamakaawa pa siya at sinusumpa pa kaming lahat, tapos ngayon wala na siyang buhay. Nakakaawa tingnan ang katawan niyang nakalupaypay na sa sahig habang naliligo sa sariling dugo, gusto lang naman niyang makaalis na, just like what all of us wanted.

And one more thing. Oo, ako yung unang naglakas loob na ituro ang isa sa mga kasamahan namin sa loob ng bilog nang tanungin nung boses kung sino ba sa tingin namin ang killer one, at ang itinuro ko? Si Simon.

Wala akong basehan, wala akong ebidensyang maipapakita. Pero sigurado akong nakita ko siyang nakadilat, alam kong masama ang mag-bintang kaso yun talaga ang nakita ng dalawa kong mata. To see is to believe, they say.

Nang magsimula ang laro, tinamaan yata ako ng sobrang kuryosidad. Binalaan kami ng Game Master na hindi mandaya, tulad ng pagdilat ng mata o kaya makipagpalit ng role kung hindi may ipapataw na kaparusahan sa amin.

But then, curiosity hit me, and so I let it be.

Ipinadilat ng Game Master ang mga mata ng unang salarin, ganun din ako. Pasimple akong dumilat ng kaunti at nilibot ng mabilisan ang paningin ko nang makita kong nakadilat si Simon. Tutal ang pwesto ko ay katapat lamang ng pwesto niya.

Hindi ko alam kung bakit siya nakadilat, at ayaw kong isipin na siya ang killer one dahil hindi ako yung tipo ng tao na basta-basta nalang nagko-conclude ng wala gaanong basehan. Ang nangyari lang, wala ka talagang mapupulot na basehan dito kung hindi ang pagdilat niya ng mata, so I guess that’s enough.

Alam kong hindi niya kasalanan ang mapili bilang killer dahil fixed roles na nga. But frankly, I think there’s a reason behind the roles we got. There may be a reason kung bakit ito naging fixed, at kung bakit ito ang ibinigay sa amin. Kinutuban ako ng malakas, didilat ka ba kung hindi naman yung role mo ang tinawag? Para mo na ring hinukay ang sarili mong libingan.

Kung ikaw nga Simon ang unang salarin, then you just managed to kill two people inside this circle… and for now, I’ll let that pass. The first one, by your own hands. The other one, by those pointing fingers. Wala naman na akong magagawa pa eh. Nangyari na. At hindi na maibabalik pa ang mga buhay nila.

Wag na wag mo lang gagalawin ang mga kaibigan ko, dahil pinapangako ko hinding hindi kita mapapatawad kahit sa huling hininga ko pa.

Of False AccusationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon