Chapter Thirty seven - Sudden sacrifices

1.5K 58 40
                                    

A/N: hello goodevening po~! o(〃^▽^〃)o ahahaha eto na eto na eto na poooo.


Chapter Thirty-seven

Dana's POV


My trust for you was bulletproof. But Lucas...you were the one who shot me.


I was trembling the whole time trying to suppress my tears. Sobra sobrang emosyon ang naguumapaw sa katawan ko to the point hindi ko na alam pa ang uunahin kong maramdaman. Galit? Pagkamuhi? Naguguluhan at kung anu-ano pa.


I want to ask for his reasons, I want to know why he did such horrible things pero ni isang salita walang lumalabas sa bibig ko. I stood there silently as I can't really hold it in at isa isang nagbabagsakan ang mga luha ko.


I looked at Lucas and he was staring at me intently... 3 of my friends died because of him. At iyon ang pinakamasakit para saakin, it was a fucking hard blow for me. Seeing him standing there... it pains me so much. Ramdam na ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko.


Sabi ko noon kapag nakita ko na at nakilala kung sino ang taong nasa likod ng lahat ng ito I would probably wring him to death., pero bakit hindi ko magawa? Wala akong maisumbat sa kanya? I trusted him so, so much. Sabay naming nilutas ang mga problema, we leaned on each other but still... naatim niyang sirain ang tiwala ko.


I felt my knees are getting weaker and weaker at nararamdaman ko na din ang pagtumba ko but someone caught me in his arms and I didn't even bother to look up.


Hindi ko kinakaya ang lahat, too much for me to even handle and think of.


"Get hold of your self, please." Bulong saakin ni Jason, nakakahiya siya pala ang nakasalo saakin.


He made me stood up firmly, ang sama sama na ng pakiramdam ko at pinagpapawisan ako ng malamig. Pilit kong kinalma ang sarili ko at tinali ko pa ang buhok ko sa unang pagkakataon para mahismasan ako.


Walang nagsasalita sa aming lahat ng biglang tumunog ang mga cellphones namin, what now?


*You all have come early than I expected. My dear players... Welcome to the final round*


Biglang kumunot ang noo ko, what the fuck is this? I looked at Lucas, pwede niya namang sabihin ite-text pa?


"Nang-aasar ka ba talaga?!" sigaw ko sa kanya pero nanatili lamang siyang blanko ang mukha at nakatitig sa bawat isa samin.


Hindi ko alam pero dahil ata sa pagsigaw ko parang may napwersa sa loob ko at bigla nalang nagdilim ang paningin ko, everything within my sight tilted and then I don't know anything anymore.




**



Nagising ako sa mga aligagang tunog at mga sigawan sa tabi ko, bakit ba ang ingay ingay? Pagka mulat ko ng aking mga mata ay halos atakihin ako sa puso nang makita na halos mahimatay na si Lucas sa panghihina dahil kay Jason.

Of False AccusationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon