A/N: Eto naaaa. To be honest, isa po itong chapter na 'to sa mga nahirapan kaming isulat dahil may involved na police works. So kung may mapansin man po kayong mali.. pasensiya, hindi po kami ganun ka-professional, but nonetheless, we tried our best. So yeah... :))
Chapter Twelve
Dana's POV
Natapos na namin ang pag-uusap at na-finalize na rin lahat ng dahilan. Kung paano kami napunta doon at bakit may dugo sa mga damit namin. Alam kong hindi ganun ka-tanga ang mga pulis para paniwalan ang mga idadahilan namin pero ipinagdadasal ko na sana pakinggan nila kami.
Nakaupo kami ngayon dito sa sahig ng quadrangle namin kung saan kami iniwan ni Ateng janitress. Halos mag tatanghali na rin at alam kong bawat isa samin ay pagod na talaga. Ni hindi pa kami nakaka-kain kaya't kulang nalang himatayin na ang iba sa amin.
Bigla naman kaming napatayo lahat nang marinig na ang serena ng mga pulis.
Shit shit shit shit ayan na sila! Nanlalamig na yung mga kamay ko at nagkaka tinginan narin kami na parang 'alam niyo na ha.'
Ilang sandali pa ay may dalawang police cab na huminto sa harapan namin. DALAWA shit bakit dalawa ang dami!
Bumaba na ang lulan lulan nitong mga police officer, anim silang lahat. Yung apat ay mabilis na pumunta doon sa pinagkitaan sa amin kanina at ang dalawang natira ay nilapitan kami.
"Magandang araw ho, may na-ireport po kasi sa aming patayan na nangyari daw, sinu-sino ba yung mga nandoon?" pagsisimula ng pulis at ang go signal namin, si Jason.
"AHAHHAHA ano po? Patayan?" pagtawa niya kaya't bahagyang napakunot ang noo ng dalawang pulis.
"Hijo, hindi ako nakikipag biruan." Nananakot na sabi ng pulis.
"Sir, sir pasensiya na po pero walang pong patayan na naganap si Ate po kasi inakalang patay kami eh natutulog lang naman kami dun sa likod." Pagpapaliwanag at cool na cool na sabi ni Simon.
"Sabi nga po namin hindi na kailangan ng pulis eh kaso ang kulit po ni Manang." Pagpatuloy naman ng wala ring kakakitaang kaba na si Gabe. Wow, best actor ang mga boys.
"Wag niyo kong ginagawang tanga dahil base sa mga hisura niyo at amoy niyo totoong dugo ang mga nasa damit niyo." Shit! Eto na nga bang sinasabi ko.
Agad naman kaming nagseryosohan dahil naramdaman na namin ang tensyon na unti-unting bumabalot sa sitwasyon.
"Pangalan. Isa isa kayo." Sambit ng kasama nitong pulis kaya isa isa naming sinabi ang mga pangalan namin.
Habang nagsasalita kami ay tumitingin ito sa hawak niyang clipboard at bumulong sa kasama niyang pulis.
Tumango-tango ito. "Kung hindi ako nagkakamali, kayo yung mga estudyante ng eskwalahang ito na nai-report na nawawala. San kayo nagpunta?" tanong nito ulit.
"Mawalang galang na po sir, ngunit hindi namin kailangan sagutin ang tanong nayan." Tugon ni Jason, wow siya ba talaga yan? At bawal? Bakit bawal?
"Ah, matalino kang bata. Pero hijo sinasabi ko sayo malalaman at malalaman din namin iyan." Pagbabanta ng officer.
"Edi wow po." Pag ngiti nito at halos sapakin ko na siya sa pag sagot niya ng pabalang. Bwisit na lalaki to! Akala ko seryoso siya!
Halata na sa mukha ng mga pulis ang kanilang pagkainis kaya kinabahan ako ng kaunti.
"May mga kaunting katanungan kaming nais itanong sa inyo." Anunsyo niya kaya't napangiwi kami lahat. Dammit ang kulit niya!
BINABASA MO ANG
Of False Accusations
Mystère / Thriller12 people, 12 characters and a game. 2 killers, 2 shields, 1 doctor, 2 policemen, 1 barman, a detective and 3 innocent townspeople. In a game intended for fun, how will they escape the circle if now, the situation where they are in, Is intended for...