Chapter Two - Unknown

3.6K 115 8
                                    

Chapter Two

Dana’s POV

Nang makabalik kami sa kinauupan namin sa canteen, nakita ko ang mga mukha nila Raia at Janine na may iniisip na hindi ko mapagtanto kung ano.

“Anong meron?” tanong ko sa kanila sabay layo sa pagkakaakbay ni Alex.

“A-anong pinag-usapan niyo?” tanong sa amin ni Raia.

“Ah, wala yun. Nothing that involves you.” ngiti ni Alex sa kanila.

“You know what guys, the both of us got the same text messages. Obviously, it’s not from Rai’s coach. Sinong tanga ang maglalaro ng volleyball sa isang closed room ng alas tres imedya ng madaling araw?” seryosong pagpapaliwanag ni Janine habang tinititigan ang pagkain niya.

“Nakakatawa nung una, but come to think of it, nakakakilabot yung pananalita kung sino man to. Ang weirdo sa pakiramdam.” sambit ni Raia habang niyayakap ang sarili, yung parang nilalamig.

Napasinghap na lamang ako at tuluyang naupo sa mga upuan namin. Oo nga, bakit ba ang weirdo sa pakiramdam? Eh, nantitrip lang to diba. Ang payapa kaya ng buhay ko, ng buhay namin.

“I-text mo kaya ulit Raia.” aniya ni Alex habang naka-halukipkip ang mga braso.

“Bakit naman? Anong sasabihin ko?” tanong sa kanya nito. Oo nga naman? Anong sasabihin niya o namin sa nag t-text nato?

“Kung sino ba siya.” Kibit balikat na tugon ni Alex

“Ha? Seryoso ka?”

“Wala namang mawawala eh.”

“Bahala ka ayoko nga, ikaw na no.” mabilis na inabot niya yung phone kay Alex.

Lakas loob na sumagot naman ang bestfriend ko mula doon sa huling reply nito, yung “White Room. 3:30AM.”

*Sino ka ba?*

Gaya ng inaasahan, nag-reply ito ng mabilis.

*Sino nga ba?*

*Pwede ba? Anong kailangan mo?*

 

*Excitement.*

*Stop fooling around, hindi ka nakakatuwa.*

*Good. Because I’m not trying to be funny.”

“Pa mysterious sumagot, nakaka-gago.” Naiiritang anunsyo ni Alex habang kami ay malapit na matapos sa pagkain.

Of False AccusationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon