Chapter Ten - No way out

1.9K 77 16
                                    

A/N: Tach na tach po kaming tatlo at ganang-gana mag update dahil naka 1000 reads na tayo hohohohoho. ^v^ ....

Chapter Ten

Third Person’s POV

Nagawa na nga ni Jason ng maayos ang kanyang role sa laro at mabilis niya itong tinapos. Hindi pa rin nagpaparinig ang boses, nagsi-tayuan at usap-usap na halos ang lahat ngunit wala pa rin itong sinasabi sa kanila.

Hindi nila mawari kung ano ang problema ngunit mas mabuti narin ito dahil pu-pwede silang makapag-usap ng malaya.

“Makakalabas pa kaya tayo dito?” malungkot na tanong ni Raia sa mga kaibigan.

“Pipilitin natin.” Maikling tugon ni Alex sa tatlong kaibigang babae.

Hindi inaasahan ni Alex ang mga pangyayari. Alam niyang hindi naman talaga nanti-trip yung text ngunit hindi sumagi sa isip niya ang mga patayang ganito. Napaka brutal. At napaka sama dahil pinipilit silang maglaro para sa mga buhay nila.

Ang dating nilalaro lang nila para pampa-lipas oras o para lang sa katuwaan ay nagiging dahilan na ngayon ng isa isa nilang pagka lagas.

“Guys, kahit ano mang mangyari ngayon lagi niyong tatandaan na mahal ko kayo ha? Hahaha, alam niyo namang kayo lang yung kaibigan ko dito. Kahit nga siguro buhay ko kaya kong ipagpalit para sa inyo. Hanggang huli okay?” pinilit ni Dana na ngumiti kahit gustong gusto nang tumulo ng mga luha niya.

“Dana naman, wag mong sabihin yan. Dahil mas gugustuhin ko pang mamatay ako, kesa ikaw at isakripsiyo mo ang buhay mo para sakin. If you were to choose between saving me and to live and run for your life, promise me you’ll choose the latter.” Seryosong seryoso si Alex sa kanyang mga binibitiwang salita at alam iyon ng bestfriend niya.

Si Alex yung tipong, palabiro at go with the flow lang na tao, kaya pag seryoso siya, seryoso talaga.  Kaya hindi nalang maiwasang mapa yuko ni Dana, hindi siya makapag salita.

“Promise me, now.” Sambit nito.

“I-I promise.” Tugon niya at tinignan si Alex sa mata. Wala siyang ibang makita kung hindi sinseridad na mas gugustuhin niya talagang mabuhay si Dana kesa iligtas siya.

“Mahal ko kayong tatlo, pag labas natin dito kalimutan na natin lahat ng napakasamang nangyari.  Bangungot lang to okay? Magigising din tayo.” Janine.

 Nagyakapan sila at nakahanap ng seguridad sa bisig ng isa’t isa. That’s what they needed right now, the warmth of friendship. The feeling of being safe.

Sa kabilang banda naman ay si Krystalle at Simon na kinuha din ang tyansa para makapag usap sila ng maayos.

“Are you okay now?” tanong ni Simon sa dalaga.

Of False AccusationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon