Chapter Twenty - Connecting the dots

2.2K 71 21
                                    

A/N: Whoooo nakapag-ud din :)) hahaha mahaba-haba din 'to parang 19 *-* napapansin nga namin 19 pataas ang hahaba! ang sarap kasi isulat eh pero mas mahaba dito yung 21 kaya baka hatiin nanaman namin pero don't worry mas mabilis yung part II dun. sigiiii yun lang po *-*

ayyy si Alexander pala sa multimedia *winksss (gwapo ni Alex no? kainlab) UB yan ni author A :>

Chapter Twenty

Alexander’s POV

Kinabukasan ay maaga akong pumasok at sinundo ko pa si Dana sa bahay nila. Napagdesisyunan naming maaga talaga magkita dahil wala na kaming oras. Pagkasikat pa lamang ng araw –ni hindi pa nga ata sumisikat ay sabay na kaming naglalakad patungo dun sa napagusapan namin nila Lucas.

Pagkadating naman namin ay nandun na siya nakatayo at nakatingin sa amin ng seryoso.

“Bakit hindi mo sinabi kahapon?” bungad niya agad na tanong kaya ayun nag explain nanaman ako minus the puppy eyes at pleading.

“Wala na tayong magagawa, we just wasted one day. Kailangan na nating malaman kung sino yung dalawang totoong killers sa laro.” Sambit naman ni Dana at nagumpisa na kaming maglakad.

Nang makarating naman kami dun sa bakanteng kwarto sa building namin ay agad kong sinara ang mga bintana mahirap na baka may umistorbo pa ulit, ni-lock ang pinto at umupo sa silya.

Hindi na namin binuksan ang ilaw, ang lamig lamig umagang umaga pa kasi eh. Hindi ako mapalagay sa katahimikan.

“You know what Alex… A car just tried to hit me yesterday.” Pagbasag ni Lucas sa katahimikan na ikinabigla ko talaga. So that explains his bandage on head.

“At alam kong dahil yun dito. Because I have decided to help you. Ang galing no? He knows every move we make, parang andyan lang siya lagi. Nakikinig and even watching us, and there’s this one thing na hindi maalis alis sa isip ko…” tumayo siya mula sa pagkaupo at nilagay nanaman ang kamay sa kanyang mga bulsa, ganyan siya pag nagiisip talaga.

Tumingin siya sa amin at muling nagsalita. “Paano?”

“Anong paano?” sabay naming tanong ni Dana.

“Paano nangyayari yun, na alam niya ang mga pinaggagawa natin? See, simula palang at mula sa kwarto na iyon wala na kong tiwala sa kahit isa sa inyo, pwera nalang kay Gabe of course kilala ko yung gagong iyon. At ngayon sa inyong dalawa.” Pagpapatuloy niya pa sa litanya niya.

“Lucas will you please get straight to the point?” napatayo na din si Dana at ngayon mukha na ring nagiisip ng mga bagay bagay. Kailan ba ko masasanay sa dalawang ‘to?

Of False AccusationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon