Chapter Eleven
Third Person’s POV
7:21 AM
Nakahandusay ang mga katawan nung siyam na nabuhay sa malaking bakanteng lupain na nasa likuran ng kanilang unibersidad. Buhay na buhay ang mga ito pagkat mahimbing na natutulog.
Isang janitress ang abala sa pangongolekta ng mga basura, at balak na sana niya itong itapon sa trash bin nang madaanan niya ang mga manlalarong ngayo’y nakalabas na sa puting kwarto.
“AAAAHHHHHH!!!!!!” malakas na tili nito sabay bitaw sa mga sako-sakong basurang kanyang bitbit.
“T-tulong! M-may dugo! Mga d-duguan! May patay! Tulong!” mautal-utal na sigaw niya, na siya namang nagpagising kay Simon.
Agad na nanlaki ang mga mata niya dahil sa ingay ng janitress, kaya dali-dali siyang tumakbo upang pakalmahin ito, ngunit mas lumala pa yata.
“Ate! Ate! Kalma lang, hindi pa kami patay!” paliwanag niya, ang kanyang mga kamay ay nasa lebel ng kanyang dibdib.
Buong pag-aakala ni Simon ay tatahimik na ito, “A-ah-ahh….. AAAAHHHHH!!!!!” hindi pa rin pala natigil ang janitress kaya’t napailing-iling na lamang ang binata at walang alinlangang sinampal ito ng malakas. Hindi yung malutong na sampal ngunit malakas na pagtabig upang mahimasmasan ito.
Halos matumba ang medyo may edad na janitress dahil sa natanggap na sampal, na siyang nakapagpatahimik dito.
“Ate I’m sorry pero kailangan kong gawin yon para isara mo yang bibig mo. Sorry, wala na kong choice.” Mahinahong paghingi niya ng tawad at napasinghal na lamang.
“H-hijo, hindi ka zombie? Totoong tao ka? O baka naman nananaginip lang ako.” nanlalaking matang tanong ng janitress habang hinihimas-himas ang namumula niyang pisngi.
“No, we’re completely alive. All of us.” diretsahang sagot nito.
“Paano kayo naging buhay? Duguan kayo eh!”
“Pero hindi naman po ibig sabihin nun ay patay na kami.”
Nakaawang ang bibig nito na tila ba sinusubukang isink-in ang kanyang mga nakikita.
“Now, I need you to calm down. Sa ngayon gigisingin ko lang po tong mga kasama ko.”
Tumungo-tungo na lamang ang janitress samantalang si simon ay naglakad pabalik at gigisingin ang iba pa.
Hindi naging mahirap para sa kanya ang gagawin, may nakita kasi siyang isang hose malapit sa lugar nila, nakadugtong ito sa malaking tanke ng tubig.
Pinihit niya ito at agad namang lumabas ang malamig na tubig na kanyang pinatama sa mga natutulog na kasamahan.
BINABASA MO ANG
Of False Accusations
Misterio / Suspenso12 people, 12 characters and a game. 2 killers, 2 shields, 1 doctor, 2 policemen, 1 barman, a detective and 3 innocent townspeople. In a game intended for fun, how will they escape the circle if now, the situation where they are in, Is intended for...