A/N: Short update lang po hahaha sorry, babawi kami sa 18 promise! :)) Mahaba haba din yun hahaha.
Chapter Seventeen
Dana’s POV
Wala na… Wala na si Raia.
Gustuhin ko mang maging matatag, hindi ko magawa. Gustuhin ko mang malaman kung sino ka bang sumisira sa mga buhay namin, hindi ko magawa. Wala akong ibang maramdaman sa ngayon kung hindi ang labis na pagkalungkot at hinanakit.
Ayaw tumigil ng mga luha kong tuloy-tuloy lang sa pag-agos. Hindi ko matanggap. Napakabilis ng pangyayari. Bakit ganun? Bakit biglaan? There should at least be a warning, but instead that goddamned Game Master killed one of my bestfriends first. He killed Raia first before indicating a starting point for his third game.
Unfair. Napaka-unfair.
Parang kanina lang kasama ko pa siya sa loob lang ng classroom namin. Parang kanina lang ok pa ang lahat. Tapos bigla niya kaming iiwan? Raia naman eh, hindi mo kami hinintay! Diba.. walang iwanan? Diba nangako ka? Diba hanggang sa huli?
Funny, how people used to quote ‘Promises are meant to be broken’ a lot. Turns out, pwede pala talagang mangyari yun in a snap.
Napakawalang hiya mo Game Master, akala ko tapos na ang lahat. Tatlong linggo na ang nakakalipas, hindi pa pala. Akala ko lang iyon. Inakala kong tapos na ang lahat pero hindi pa pala talaga.
Marami nga talagang namamatay sa maling akala, at minsan literal.
Hindi ko maatim na titigan ang bangkay ni Raia, ganun din sila Janine at Alex. Nawalan na naman kami ng isa… Sa isang iglap, nawalan na kaming apat ng isa.
Ito na nga ba ang kinakatakutan ko… sa aming apat, may nawala ng isa. Sa aming apat, nawalan kami ng isa.
Hagulgol lang ang tangi kong magawa sa ngayon, ang utak ko ay hindi makapag-isip ng maayos. Gulong-gulo na ako at takang-taka. Hindi naman kailangan mangyari ng ganito. Hindi naman kailangang umabot sa puntong sa ikaapat na pagkakataon ay mawawalan ulit kami ng kasamahan.
Bakit ba hindi mo kami magawang tantanan Game Master? Hindi na ba matatapos ito?
Sumisikip ang dibdib ko at pilit kong hinahabol ang paghinga ko. Humigpit pa ang pagkakayakap ko sa dalawang natitira kong matalik na kaibigan. Gaya ko ay hindi sila magkamayaw sa pag-iyak dahil wala kaming nagawa para iligtas man lang si Raia.
Nung mga huling oras niyang humihinga pa ay parang hindi man lang namin nasulit ang pagkakataon. Yung kanina lang na nagkikwento siya tungkol sa volleyball practice nila at mataray nilang coach ay huli na pala. I feel like shit. Wala nanaman akong nagawa, wala kaming nagawa. Wala nanaman kaming nagawang matino. LAGI NALANG KAMING UMIIYAK.
BINABASA MO ANG
Of False Accusations
Mystery / Thriller12 people, 12 characters and a game. 2 killers, 2 shields, 1 doctor, 2 policemen, 1 barman, a detective and 3 innocent townspeople. In a game intended for fun, how will they escape the circle if now, the situation where they are in, Is intended for...