A/N: Dedic po ito kay otor-nim ki_fanfan dahil napapaisip talaga kami sa Who Killed Jeon Jungkook. Woooh~ Sino ka ba Someone?
Chapter Five
Dana’s POV
It’s starting… at napapamura nalang ako sa isipan ko, halo-halo na yung mga nararamdaman ko, feeling ko mababaliw na ko anytime. Ayoko na dito, please.
“Close your eyes.” Muling ulit na sambit nung boses, pero sa paraang pakanta, nang aasar nanaman siya.
I scanned everyone around, and they were all closing their eyes, ako nalang yata ang hindi pa.
Nagsimula itong bumilang, “Isa…” at syempre, ako yung pinaparinggan niya. Sa takot na malaman kung ano bang pwede niyang gawin sa akin kapag hindi pa ako pumikit, pinilit ko nalang na isara ang mga mata ko.
“Walang didilat ha?” pagpapaalala nito sa huling pagkakataon, ugh oo na!
“Let’s start. Killer one, open your eyes.” and so the damn voice commanded.
Third Person’s POV
Nakakabinging katahimikan ang naranasan ng lahat, walang umiimik na kahit sino. Syempre, dahil maaari nila itong ikamatay.
Isa sa kanila ang takot na takot na idinilat ang kanyang mga mata at buong tapang na pinipigilang hindi lumuha. Hindi rin siya maaaring lumikha ng kahit na anong ingay o tunog, sa kadahilanang makikilala siya ng iba.
“Sshhh, don’t cry.” sarkastikong sabi nung boses at tumawa ng kahindik-hindik.
Walang magawa ang ibang mga nakapikit kung hindi ang maawa sa nakakuha ng role bilang killer. Kailangan niyang pumatay, kahit ayaw niya, kahit labag sa kalooban niya. Dahil kung hindi siya papatay, siya ang magdudusa at ang makikitilan ng buhay.
“Now, killer one…” tahimik lamang na nakaupo ang killer one habang nanginginig at nanlalamig ang mga kamay.
Pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya at bawat kilos niya ay dapat magustuhan ng kung sino man ang taong nasa likod nito.
“WHO DO YOU WANT TO KILL?” umalingawngaw ang malakas na boses at tuluyan na silang napaiyak, nanginginig ang mga talukap nila habang tumutulo ang mga luha.
Kahit ang mga lalaki ay nanginginig sa takot, hindi nila alam kung ito na ba ang huli nilang paghinga o kaya naman hindi na sila muling didilat pa sa kanilang pagpikit.
“I’m waiting.” the voice said playfully. Nakakainis.
Walang ibang nagawa si killer one kung hindi umiling habang umaagos ang kanyang mga luha, hinding-hindi niya kayang pumatay. Kahit na ang karamihan dito ay ngayon niya palang nakasama, hindi niya maatim na kumitil ng buhay ng tao, lalo na kung wala naman itong ginagawang masama sa kanya.
BINABASA MO ANG
Of False Accusations
Tajemnica / Thriller12 people, 12 characters and a game. 2 killers, 2 shields, 1 doctor, 2 policemen, 1 barman, a detective and 3 innocent townspeople. In a game intended for fun, how will they escape the circle if now, the situation where they are in, Is intended for...