Chapter Sixteen - Save one soul

2K 73 16
                                    

A/N: Dedic kay ate sunset3evergreen kasi po hehe salamat sa pag co-comment ^-^ Nakaka tats naman na prologue palang eh nag comment na agad siya ahe :> Salamat po we hope you'll be with us until the end. 

Guys, R|E|A|D >:)

Chapter Sixteen

Dana’s POV

It’s been 3 days simula nung pumunta kami sa bahay nila Jason, and good thing pumapasok na ulit siya though, he never smiled again. Huli na ata yun…

I know for a fact na umuwi na ulit siya sa kanila kasi tinanong ko sa kanya pero alam kong napakahirap sa kanya yun lalong lalo na kung ganung pamilya ang uuwian mo.

“Hoy Dana! Nakikinig ka ba?” binatukan ako ni Alex. Aba’t!!

“Sorry na ano ba kasi yun?” iritable kong tanong sa kanya.

“Tssh. Sabi ko eh may tumatawag sayo oh.” Tinuro niya yung pintuan ng classroom namin at nakatayo dun ang isang pamilyar na tao.. Si Gabriel, oh my God ba’t siya nandito. Hala.

Shit ang oa ko ata, baka mahalata kaya dahan dahan akong tumayo sa kinauupuan ko at masaya siyang binati.

“Uy, bat ka nandito?” I grinned at him.

“Uhm, ano sana…” ano, ano ??

“Kumain ka na?” Shit, TINANONG NIYA KUNG KUMAIN NA KO.

“Hindi pa eh.” Nakangiti pa rin ako, he looks relieved nung sinabi kong hindi pa kahit na eh busog na busog na talaga ko. Ang dami dami kayang pinapabaon nila mama sakin!

“Tara sa baba?” yaya niya sakin kaya mabilis naman akong pumayag. Pagkalabas namin ng pintuan eh nakasalubong namin si Jason na pabalik na ata sa room nila kaya nagkatinginan kaming tatlo.

Ni hindi man lang ako pinansin. Bwisit nayun ah!

Kung hindi niyo naitatanong eh, lahat kami na nakaligtas eh naging close na talaga sa isa’t isa kaya normal na sa amin ni Gabe to o di kaya sa amin na magsama sama kahit na dati ay hindi talaga kami magkaka-kilala.

Pagbaba namin sa cafeteria ay agad na siyang umorder ng dalawang burger. My God kahit ata isang kagat hindi ko na talaga kaya, huhu.

Nahalata naman niyang hindi ako kumakain kaya nabahala siya, “Uy ayaw mo ba?” tanong niya kaya agad akong umiling iling sabay kain.

“Hmmm. Ang sarap.” Saad ko kahit mabulun-bulunan na ko.

Tumuwa naman siya ng pagkalakas lakas at binatukan ako. Aba’t!! Punyemas batukan-si-Dana day ba ngayon?

Of False AccusationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon