A/N: Hellooo sorry po umabot pa ng 1 week 'to huhu kasi naman po si isang author diyan nagbakasyon, napagod, natulog, nagkasakit pa hahaha. Pasensiya na po talaga :)) And dedicated po kay ate Vmine whoooo advance HAPPY BIRTHDAY PO!! thank you thank you :)
ps. ready na ba ang mga hula niyo sa roles nila nung nasa white room? ilista niyo na hahaha.
Chapter Twenty-five
Dana's POV
Simula ng nangyari na iyon kay Simon ay bihira na ulit siyang tumawa o makipag usap saamin. It's like the old him is back, yung tahimik lang at cold. Nawala na'yong Simon na komportable samin at nakikipagbiruan.
Andito ako ngayon sa park malapit sa school kasama si Krystalle. Hahaha come to think of it, napaka daming nasaksihan ng parke na'to sa buhay ko.
"Krystalle, I just want to talk to you about something," pangunguna ko at ni-stretch ang mga paa ko sa damuhan na kinauupuan namin ngayon.
Sumubo muna siya ng biskwit bago niya ako hinarap at nginitian na para bang 'ano iyon?'
"It's about Alexander," napalunok ako just by the mere mention of his name.
"He said he wanted me to tell you thanks..." kitang kita ko naman ang pagkagulat sa kanyang mga mata at bahagya itong kumislap sa lungkot.
"Nagpapasalamat siya sa akin? Bakit?" kunot noo niyang tanong.
"I really don't know either, must be because of this?" Inilabas ko naman yung bondpaper na ibinigay sa akin ng bestfriend ko bago siya malagutan ng hininga. Napapikit-pikit si Krystalle dahil sa nakita.
"This..." hinawakan niya ito ng dahan dahan.
Tumingin siya sa itaas and she smiled, a sweet smile as she mouthed the words, "Alex, you're welcome." Napangiti nalang din ako sa sinabi niya.
Hindi kami nagusap ng mga ilang sandali, but it was a comfortable silence, ang sarap sarap sa pakiramdam.
"Dana.. You think Simon can do this?"
"Krystalle, don't doubt him. Mas kilala mo siya kesa sa akin at alam kong alam mo na kayang kaya niyang lagpasan 'to." I assured her, kailangan niya ng pampalakas ng loob and at times like this, sino pa ba ang makapagbibigay nun?
"Salamat Dana... Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, alam kong kahit hindi niya sinasabi eh, he's hurting. Pinaghahandaan niya talaga yung competition na iyon tapos magiging ganito lang?" she whined, damang dama ko ang inis sa kanyang tono at pananalita.
"Simon holds the decision now, it's either us or his career." Lumalim ang paghinga ko sa mga salitang aking binitawan, nakaka kilabot pala na ang buhay mo ay hawak ng isang tao.
"I believe in him Dana. May tiwala ako kay Simon na hinding hindi niya hahayang may mawalang isa saatin." I can feel the conviction in her words. Then let it be, Simon may tiwala ako saiyo, naniniwala ako na kayang kaya mong i-lead ang laro na ito without losing one of us again.
BINABASA MO ANG
Of False Accusations
Mystery / Thriller12 people, 12 characters and a game. 2 killers, 2 shields, 1 doctor, 2 policemen, 1 barman, a detective and 3 innocent townspeople. In a game intended for fun, how will they escape the circle if now, the situation where they are in, Is intended for...