Chapter Thirty five - A powerful army

1.5K 56 17
                                    

A/N: Finally !!! huehue sana po makabawi kami sainyo sa chapter na'to!! :) sige yun lang po, mamaya na sa dulo yung sorry ehe XD~


Chapter Thirty five

Dana's POV


Mga bandang ala-singko na ng umaga ng natagpuan namin ang bangkay ni Janine at wala kaming magawa kung hindi matulala na lamang sa bilis ng mga pangyayari, wala na, wala na talaga. Guho kung guho ang mundo ko at sa ngayon lima nalang kaming natitira.


Lima na patuloy paring lumalaban para sa kanya-kanya naming buhay. Akala ko pa naman magagawa din naming mailigtas si Janine turns out mali kami, maling mali. Halos magdadalawang linggo nadin ang makalipas mula ng mala-bangungot na paghahanap namin kay Janine at ang pagkamatay niya.


Wala naman akong nararamdamang mali pwera nalang sa mga kasama kong lalaki na pare-parehas kakaiba ang mga kinikilos, si Gabriel ay bahagyang natahimik ng sobra, si Jason ay laging hindi mapakali, si Simon ay laging malalalim ang iniisip at si Lucas laging wala kapag magkakasama kami.


We are all starting to fall apart, napalaki ng impact sa amin ng pagkamatay Janine dahil ibig sabihin lamang noon ay wala na talagang pag-asa para makaligtas sa kamay ng kung sino mang tao ang nasa likod ng lahat ng ito.


Sa kasalukuyan ay nandirito kaming lima sa cafeteria ng school at sama-sama sa isang table. Magkakaharap kaming lima niyan ngunit parang may kanya-kanya kaming mundo, wala kang maririnig na naguusap, nagbibiro o kung ano pa man. Napaka-tahimik, nabasag lamang ito ng biglang tumunog ang cellphone ni Lucas na ikinabigla namin lahat.


"Hello? .... Thank you." Napakunot ang noo ko sa bilis ng pag-uusap nila nung nasa kabilang linya.


"Pasensiya na kayo mauna muna ko ha," pagpapaalam niya nanaman, lagi nalang ganyan, lagi nalang siyang umaalis.


Ano ba talagang tumatakbo sa isip mo Lucas?


Sumunod namang tumayo si Jason at umalis ng walang paapaalam. Tumayo nadin si Gabe dahil oras na ng isang subject niya kaya ang lagay kami ni Simon ang laging natitira.


Araw-araw ganyan kami simula nung matagpuang patay si Janine, and truth be told I am really so tired of it all. Mas pagod pa nga ata ako sa pagod ngayon.


"it's near," sambit ni Simon habang pinapaikot ikot ang straw sa inumin niya at nakatingin pa doon.


"what?" I asked him, anong malapit na?


"'Vengeance is Mine, and retribution, In due time their foot will slip; For the day of their calamity is near, And the impending things are hastening upon them.'" I blinked a couple of times hearing that verse from Simon, why was he talking about retribution now?


"That's from the bible," sambit ko at iniangat niya naman ang kanyang ulo at binigyan ako ng isang tipid na ngiti.


"Sure it is," tanging sagot niya at bumalik na sa paglalaro ng straw sa kanyang inumin, everything and everyone seems so weird today, nakakasira ng ulo sa totoo lang. Hindi ako maka-cope up.

Of False AccusationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon