Chapter Three - White Room

3K 83 12
                                    

Chapter Three

Dana’s POV

Malamig na sahig ang tumumbad sa akin nang ako ay magising. Nakadilat na ang mga mata ko ngunit puro itim at wala parin akong makita.

Dun ko lang napag-alaman na nakapiring pala ang mga mata ko ngunit wala namang tali ang aking mga kamay kaya ginamit ko ang natitirang lakas upang tanggalin ito kahit na medyo nakakaramdam pa ng konting pagkahilo.

A-anong lugar to?! Shit! Nasa loob ako ng isang kwarto na wala kang ibang makikita kung hindi ang apat na sulok nito at puting-puti na dingding.

Ni bintana wala, tanging pintuan lamang. What the?! I suddenly felt the raging beat of my heart, kinakabahan ako.

Ang huli kong natatandaan bago ako mapunta dito ay ang makita si Alex na pinukpok sa ulo, t-teka?! Asan nga pala sila?! Si Raia?!

Dali-daling nilibot ng medyo lumabo kong mga mata dahil sa mahigpit na pagkakapiring ang kapaligiran, at napansing may nakatingin sa akin -isang lalaki na tila ba napaka lalim ng iniisip pero nakatitig lamang na parang jina-judge yung buong pagkatao ko.

Frankly speaking, yes I feel awkward at hindi ako kumportable sa mga tinginan niya kaya walang alintana ko siyang sinigawan.

“Psst! Bakit tayo nandito?!”

“Hindi ko rin alam.” tipid niyang sagot.

Ok, edi hindi niya alam! Kaya tinuloy ko ang pag-obserba sa paligid ko at-

“Alex!!!” sigaw ko sa bestfriend ko na alam kong kakagising pa lamang dahil sa malimit na paggalaw.

Malapit lang naman siya sa akin kaya ginapang ko ng mabilis ang distansya naming dalawa.

“Nasaan tayo?!” tanong nito habang kinakapa-kapa ang ulo.

“Ok ka lang? Anong nararamdaman mo? Masakit pa ba?” tuloy-tuloy kong tanong sa kanya sabay tanggal ng piring niya.

“Dana… anong nangyayari?” mahinahong sambit nito sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagtataka, kahit na ba pikit ito ng pikit dahil naalimpungatan.

“Alex hindi ko alam.” seryosong sagot ko.

 

“Ayos lang ako.” umiwas siya ng tingin sa akin at tumungo-tungo na lamang.

Of False AccusationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon