CHAPTER 6

130 55 1
                                    

CHLOE'S POV

Nagising akong nakapa ko na basa ang aking buong katawan. Pakiramdam ko ay bumagsak ako sa tubig. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.nMuli kong inalala ang mga nangyari kagabi. Ganoon nalang ang aking gulat ng maalala na sumabog ang barkong sinakyan namin. Hindi ko manlang nagawang iligtas ang kaibigan ko na himbing na himbing ang tulog. Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga. Napansin ko nasa dalampasigan ako. Tahimik at tanging mga bagsik ng alon lang ang aking maririnig. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Kung hindi ako nagkakamali, nasa isang isla ako.

Jared. Pumasok siya sa aking isipan. Isa sya sa mga taong nagligtas sa akin kagabi para lang wag mabagsakan ng kisame. Siya rin ang dahilan kung bakit hindi ko nailigtas si Mikay. Naiyak nalang ako bigla ng maalala siya. Pakiramdam ko wala akong kwentang kaibigan. Hindi manlang ako gumawa ng paraan para mailigtas siya. Hinayaan kong tangayin ako ni Red kagabi na hindi manlang siya kasama.

Naupo ako sa may buhangin saka sumandal ang ulo sa aking mga tuhod. Hindi ko kayang pigilan 'tong inis na nararamdaman ko. Naaalala ko lang si Mikay ay naiiyak na ako. Sumabog nalang 'yong barko na hindi manlang nya namamalayan. Nawalan na ako ng kaibigan sa panahong hindi ako handa. Nakakainis.

"Gising ka na pala, kanina pa kita hinihintay na magising.." usal ng isang tinig sa aking likuran kaya naman napahinto ako sa paghikbi. Hinarap ko siya't ganoon nalang ang aking gulat nang makita ko kung sino iyon.

"Red? Anong ginagawa mo dito?" singhal ko at napatayo na rin sa gulat. Naiinis ako sa kanya. Siya ang dapat sisihin sa pagkawala ni Mikay. Nagpumilit siyang umalis kagabi nang hindi manlang nailigtas ang kaibigan ko.

Matalim ang tingin na tinapon ko sa kanya nang harapin ko siya. Naiinis ako sa mukha niya kaya naman gustong-gusto ko siyang sampalin ulit gaya ng ginawa ko sa kanya kagabi.

"Gaya mo napunta rin dito pagkatapos sumabog no'ng barko.." Sagot nya.

"Layuan mo ako! Ayokong kasama ka. Ikaw ang may kasalanan kung bakit hindi ko nailigtas si Mikay. Masyado ka kasing pakialamero!" Asik ko sa kanya.

Hindi manlang nya inisip na magiging kawawa si Mikay pag 'di siya niligtas. Pinakialaman nya ako kaya hindi ko napuntahan ang kaibigan ko. Parang gusto ko siyang suntukin para maiganti ko si Mikay.

"Chloe, let me explain, okay?" usal nya. Linapitan pa nya ako kaso humakbang ako paatras. Ayokong lumapit siya sa akin. Kumukulo ang dugo ko sa kanya dahil sa ginawa nyang pag-iwan kay Mikay. Wala siyang puso!

"Ano pang ipapaliwanag mo? Tama 'yong ginawa mo ganoon ba, Red? Ha! Naiwan si Mikay doon dahil sa'yo!" Dinuro ko pa siya.

Pilit kong pinipigilan na huwag maging emosyonal sa harapan nya. Kahit ang totoo ay lubos akong nasaktan sa pagkawala ng matalik kong kaibigan.

"Hindi ko naman ginustong iwan sya, Chloe, maniwala ka sa'kin." usal niya at bahagya akong mapaatras ng akma niya akong hahawakan sa braso.

"I didn't believe in you eversince!" Pagdidiin ko sa aking mga salita. I really want to punch his face right now just to lessen my anger.

"Tsk! Gusto ko syang iligtas noon kaso sasabog na ang barko. Hindi kita hahayaan na pumaroon para lang sa kanya. Alam kong magagalit ka pero ginawa ko lang 'yon para iligtas ka.." Paliwanag nya sa'kin.

"Ang sabihin mo naduwag ka! Anong klaseng kaibigan ka kung hindi mo manlang sya niligtas?" Prangka ko. Naningkit pa ang mga mata ko na tumingin sa kanya.

"You don't understand, Chloe." Nawawalan na ito ng pasensya upang kausapin ako. May gusto siyang ipunto ngunit ayokong dinggin.

"Talagang hindi! Wala man isa sa mga ginawa mo sa barko ang naintindihan ko. Pakiramdam ko pa nga nagmamagaling ka, e. Para ano? Para mauto mo na naman ako? Tsk! Get lost, Red!" prangka ko sa kanya.

Love by Chance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon