CHAPTER 13

79 31 0
                                    

ARVIE'S POV

Minabuti ko munang hindi pumasok sa trabaho tutal naman abala kami sa paghahanap kina Red. Itinuon ko nalang ang pansin sa paggawa ng ilang report. Gusto ko rin magpahinga kahit minsan lang. Masyado akong nagpapaalipin sa trabaho.

Sa loob ng ilang linggo na paghahanap ay hindi rin ako tinigilan ni Kylah. Desperada syang makahanap ng balita tungkol kay Red. Ilang ulit ko ng sinabi sa kanyang h'wag na syang mangialam pero ayaw nyang magpaawat. Kaya imbes na pag aksayahan ko sya ng panahon ay hinahayaan ko nalang. Plano ko rin na kausapin sya upang hindi gumawa ng gulo. Kilala ko naman ang babaeng 'yun na suki ng gulo.

Naburyo ako kaya naman naisipan kong kumain. Konti lang kasi ang kinain ko kaninang breakfast. Bago pumaroon sa kusina ay naligo muna ako. Medyo mainit ang panahon kaya nagbabad pa ako sa ilalim ng shower ng ilang minuto.

Pababa na ako dapat ako sa hagdanan ng may marinig akong tinig na nagmumula sa may sala. Kung hindi ako nagkakamali ay tinig ng mga magulang ko't magulang ni Chloe. Dahil sa kuryosidad na nararamdaman ay dali-dali akong bumaba. At hindi nga ako nagkakamali. Naroon sila sa may sala at abalang nag-uusap.

Nakuha ko kaagad ang atensyon nina Tito Melvin kaya napunta ang lahat ng tingin sa akin. Wala naman akong maalala na problema na kailangang pag-usapan bukod sa paghahanap kina Chloe. Nagbigay galang ako sa kanilang mag-asawa gayundin sa parents ko. Umupo ako sa pang isahang sofa at diretso silang tinignan. Mukha kasing seryoso ang pinag-uusapan nila.

"So, what's going on? Is there any problem again that need to discuss?" kaagad kong tanong dahil nagtataka na ako. Bago nila ako sinagot ay nagkatinginan pa sila sa isa't isa. Why?

"Uhmm, Son, naparito sina Tito Melvin mo upang pag-usapan na ang kasal. Tutal naman narito ka na, e, magandang oportunidad na ito..." ani ng aking ina na makikita ko sa kanyang mukha na nasisiyahan sya.

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Seryoso sila? Sa kabila ng pagkakawala nina Chloe, inuna pa nilang isipin ang walang kwentang kasal? Anong klaseng utak ang mayroon sa kanila? Hindi ko sila maintindihan.

"Seryoso po kayo? Ngayon nyo pa talaga naisipang pag-usapan ang bagay na 'yan gayung hinahanap pa natin sina Chloe?" Naiinis na ani ko.

Totoo naman kasi, masyadong mali ang ginagawa nilang ito. Para nilang sinasabi na mas mahalaga ang kasal kesa mahanap sina Chloe. Talagang nakakakulo ng dugo. Masyado na ngang malabo ang sitwasyon, dumagdag pa sila.

"Arvie, hijo, baka kasi mawalan na tayo ng time para pag-usapan ang kasal nyo ng anak ko kaya pinaaga na namin. Baka kasi maigugol natin ang ang oras sa paghahanap kaya narito na kami," ani ng ama ni Chloe at sinang-ayunan naman nila.

Napailing ako. Paano nila nakakayang magdesisyon para sa anak nila? Masyado na silang desperada. Nilamon na talaga ng pera ang kanilang utak.

"I don't care. Paano nyo nagagawang magdesisyon gayong hindi nyo natatanong kay Chloe kung payag ba sya sa gusto nyong mangyari? Tito, Tita, anak nyo po si Chloe, intindihin nyo naman ang mararamdaman nya kapag pinilit nyo ang gusto nyo.." Depensa ko at napatayo na sa pagkakaupo. Gusto ko na silang matauhan sa pagiging sobra nila kay Chloe. Hindi na talaga makatarungan ang mga nangyayari.

"Hehehe, pasensyahan nyo na itong anak ko,ml masyadong stress sa work kaya kung ano-ano sinasabi," mungkahi ni Mommy at tumayo na rin upang sitain ako.

Pinagdilatan pa nya ako ng mata pero hindi ako nagpatinag. Alam ko naman na magagalit sila sa ginagawa ko. Iniisip ko lang ang mararamdaman ni Chloe. Alam kong hindi sya payag na ikasal sakin at ganoon din ako.

"No, Mom. I'm just telling the truth. Kung sa tingin nyo magiging matagumpay ang gusto nyo, well, you'll wrong. Alam kong gagawa ng paraan si Red para hindi matuloy ang kasal namin ni Chloe.." May karapatan akong ilaban ang mithiin ang gusto ko.

Love by Chance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon