CHAPTER 18

73 25 0
                                    

ARVIE'S POV

Hindi lamang isang beses kung magkita kami ni Kylah sa tatlong araw. Ginagawa ko pa rin ang pang-aakit na sinuggest ni Kyron na gawin ko. Aaminin kong nahihirapan akong paamuhin sya sapagkat matalino syang tao. Iniisip nyang ginagawa ko lahat ng ito dahil may binabalak akong gawin. Ginigiit ko naman na wala pero hindi nya ako pinapaniwalaan.

Pumupunta ako sa salon nya kapag ka freetime ko. Maliliit na operasyon lang ang kinuha ko this past few days. Nakiusap ako sa manager ng ospital na kung maaari ay magleave muna ako kahit isang linggo lang. Pumayag naman ito lalo na sinabi kong hinahanap ko pa sina Red.

Gaya noong nakaraang lakad ay hindi namin nakita kahit anino ng kaibigan ko. Ang ilang kasama namin ay pilit sinasabi sa amin na baka wala na talaga ito. Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Hangga't wala silang napapakitang bangkay, hindi ako titigil kakahanap. Malakas ang kutob kong buhay sina Red.

Nagiging emosyonal si Tita Joanne, Mama ni Red. Binalita ko kasi na wala kaming napala noong pumalaot kami. Kita ko ang pagdadalamhati ng ginang. Naroon rin ang kapatid ni Red na si Ate Jerilyn. Lahat sila hindi maiwasan ang kabahan na baka wala na talaga ang kapamilya nilang si Red.

Pagkarinig ko sa kanilang mga hikbi, parang naging determinado ako lalo na hanapin ito. Alam kong nangungulila sila kay Red. Kita ko ang pagpapahalaga nila sa kanya kahit pa man wala silang kasiguraduhan kung ito ay buhay pa ba o hindi. Napakaswerte nya sapagkat may taong takot na mawala sya.

"Tita, gagawin ko naman po lahat para mahanap sya. Magtiwala lamang po kayo sa akin," giit ko habang nakahawak sa palad ng ginang. Nasa tabi nito ang asawa na pilit itong pinapakalma. Pansin ko ang lungkot sa mata ni Tito Bert pero pilit syang nagiging malakas para sa asawa at anak.

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Red. Masasabi kong wala akong kwentang ina dahil wala manlang akong magawa," emosyonal na ani ni Tita. Bakas sa mukha nya ang lungkot at sakit dahil sa pagkawala ng anak.

Nakaramdam ako ng awa sa bawat pagpatak ng kanyang luha. Hindi lang isang rason ang nahugot ko sa lagay nya kundi napakarami. Kahit manlang mahanap ko si Red para kay Tita, gagawin ko. Alam ko 'yung sakit ng mawalan. Alam na alam ko.

"Huwag nyong sabihin 'yan, Tita, mas mabuting ipagdasal nyo na lamang po ang kaligtasan nya. Kami na po nina Tito ang bahalang maghanap kay Red," pagpapakalma ko. Naaawa ako sa lagay nya.

"Arvie.." giit nya na hinawakan pa ako sa braso. Titig na titig ito sa akin ng diretso. Ang mga mata nya ay nangungusap at nagmamakaawa."Parang awa mo na, iuwi mo si Red ng buhay.."

Doon na nagsiunahan ang kanyang mga luha na bumagsak. Nakakaawa. Bilang isang ina alam ko ang sakit at hirap ng kanyang pinagdadaan ngayon para kay Red. Ito na yata ang bagay na hindi ko naranasan kina Mommy at Daddy. Nakakainggit ka Red.

Tumango ako. Alam kong malaki ang tiwala ni Tita sa'kin kaya nararapat kong gawin lahat mahanap lang si Red. Mawala na lahat, h'wag lang kaibigan ko. Oo nga't galit sya sa'kin pero pagdating ng araw mapapatawad nya ako. Makikita nya rin balang araw ang mga effort ko. Mapapatawad nya rin ako.

Nag usap kami ni Tito kung kailan ulit kami papalaot. Maski sya ay natatakot na rin sa pwedeng resulta ng nangyayari. Hindi nya maiwasan ang mag-isip ng iba. Tatay sya at nag-aalala sya para sa anak. Dinamayan ko silang mag-asawa at nangako kahit wala akong kasiguraduhan.

Pagkatapos ay nagpaalam na akong umuwi. Hindi ko namalayan na natagalan ako roon kina Tita. Kinukwento nya kasi ang kabutihan ni Red sa kanila. Hindi sya 'yung tipo ng tao na pasaway o 'di kaya naman ay loko-loko. Kung tutuusin, mabait syang tao. Hindi mo ito makikitaan ng kakaiba. Unang titig mo palang sa kanya, mabait na. Kaya hindi nakapagtatakang nagtagal ang pagkakaibigan namin. Sabay kami nina Kyron na nangarap at sabay namin itong natupad. Nakakatuwa.

"Mukhang napapadalas na ang pagkikita nyo ng Kylah na 'yun, Arvie. Baka naman gumagawa ka na ng paraan para pigilan mo ang kasal na ninanais namin para sa inyo ni Chloe," usal ng aking ama.

Nakisabay ako sa kanilang magdinner. Matagal tagal na rin ng sumabay ako sa kanila. Bukod sa busy ako ay hindi ko rin sila naaabutan. Business mindend sila parehas. Pera lang ang pinapayaman nila hindi ang pagmamahalan ng pamilya namin. Nakakasawa na.

Tumikhim ako bago sya sinagot. "She's a friend of mine, there is nothing wrong if we meet whenever we want." I said while focused my attention on the plate in front of me.

Narinig kong huminto sa paglamon ang aking ama. Rinig ko kasi ang kubyertos nito na inilapag sa mesa. Sapat lamang na ingay ang nabuo kaya ko napansin. Pilit akong umiiwas para hindi nila malaman ang mga hakbang na gagawin ko. Dapat kong itago ito.

"Tsk! Are you crazy, huh? Ikakasal ka kay Chloe tapos nakikipagkita ka sa ibang babae? Ano nalang sasabihin ng mga amigo't amiga ko kapag nakita nila kayo?" depensa nya sa akin. Ibinaba ko ang hawak na kutsara at pinunasan ang labi ko. Uminom na rin ako't hinarap sya.

"We are not sure about marriage yet so there is nothing wrong if I meet any woman." I defend it directly. I want them to know that there is nothing wrong. Yes, they have already discussed the marriage but Chloe and I are the same who have not talked about that matter.

Napaismid ang aking ama. Nakisosyo na rin si Mommy na noon ay nasa tabi nya. Humawak ito sa likod ng asawa upang pakalmahin. Siguro nag-aalala sya na baka magtalo kaming dalawa.

"Ano bang pumasok sa kokote mo't nagiging ganyan ka? Pagkakaalam ko, may gusto ka sa babaeng 'yon noon. Huwag na huwag kang magkakamali, Arvie, kilala mo ako," banta nya sa akin na nakaduro pa sa gawi ko.

He is my father who wants nothing but to get rich. He only thinks about money and for him that is what is more important. When I do something wrong that he does not want, naturally I will be punished. I lived like that in my father's system. All my life, I did nothing but obey even when I didn't want to.

"Bakit ba ginagawa nyong bigdeal 'yon, Dad? Pati ba naman 'yon kailangan nyong pakialaman? Look, malaki na ako at kaya ko ng magdesisyon para sa sarili ko. Kaya pwede po ba, hayaan nyo nalang ako?" Giit ko. Masyado na nilang kinokontrol ang buhay ko.

"Don't you dare say that infront of me! Kahit pa man baliktarin mo ang mundo, ako pa rin ang tatay mo. Ako pa rin ang masusunod sa pamamahay na ito. Susunod ka sa lahat ng utos ko sa'yo at wala kang kaparatan na magreklamo. Kaya layuan mo ang babaeng 'yon at asikasuhin mo ang kasal nyo ni Chloe. Whether you like it or not, ikakasal ka sa kanya," bulyaw ng aking ama. Hinampas nya pa ang mesa na nagdulot ng ingay sa dining area.

"Allan, calm down. Kausapin mo ng maayos ang anak mo.." saad ni Mommy na pinapakalma si Daddy sa tabi nya.

"Tsk! Hindi kita pinalaki para suwayin ako, Arvie.."

Napapikit ako sa inis. Napailing ako't padabog na tumayo. Hinarap ko sila at nanlilisik ang mata ko na tumitig sa kanya. Hindi ko hahayaan na itrato mo ako na parang aso. Ayoko ng maging sunud-sunuran sa kanya.

"Hinayaan kitang kontrolin ang buhay ko sa loob ng mahabang panahon. But this time, hinding-hindi na ako papayag. Kung gusto mong yumaman, h'wag mo ako idamay sa kalokohan mo. Ikaw ang magpakasal,sm solohin mo!" singhal ko sa kanya. Nakalapag ang dalawa kong kamay sa mesa habang nakaharap sa kanya ng diretso.

Tinignan ko muna ito ng masama saka padabog na tinalikuran. Hindi ko na pa kayang pagtimpihan ang ugali nya. Masyado syang brutal sa akin bilang ama. Hindi manlang nya iniisip ang mararamdaman ko. Kung tutuusin, sa salita lang ako masasabing anak. Pero sa reyalidad, ginagamit lang nila ako para sila ay yumaman.

Love by Chance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon