CHAPTER 24

66 22 0
                                    

CHLOE'S POV

"Siguro, ito na 'yong tamang panahon para malaman mo ang totoo, Chloe. Sana maintindihan mo ang bawat detalyeng sasabihin ko sa'yo." Ani niya na ikinatibok ng mabilis ng puso ko.

Tinignan ko siya ng makahulugan at inihanda ang sarili sa ano mang impormasyon na malalaman ko. Ngayon pa lang ay pinapangunahan na ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit pero 'yun talaga ang nararamdaman ko. Para akong kakapusan ng hininga ngayon pa lang.

"Red." Muntik pa akong mautal sa pagtawag ng kaniyang pangalan.

Nakita ko kasing nagsisiunahan na ring bumagsak ang mga luha niya. Nababasa ang pisngi niya at nakaramdam ako ng awa roon.

"Kaya ko lang naman nagawa 'yon dahil ayokong patayin ka niya." Panimula niya na ikinagulat ko.

Anong ibig niyang sabihin? Sinong papatay sa'kin? 'Yun bang babae niya? Pero bakit?

"Patayin?"

Bumuntong hininga siya ng malalim.

" Chloe, mapag hindi ko ginawa ang gusto niya, papatayin niya kayo, kayong lahat na nakapaligid sa'kin lalong-lalo ka na. Kaya kahit alam kong masasaktan kita ay wala akong nagawa. Sinubukan ko siyang kausapin pero walang epekto bagkus naging martir pa lalo.

"Dati nang nakulong si Kylah kasi pinatay niya yong kinakasama ng kaniyang ex. Chloe, inulit niya 'yon sa'tin. Baliw ang babaeng 'yon, baliw si Kylah. Tsaka ko lang nalaman na ganon siya nung huli na."

Para akong binagsakan ng malamig na tubig sa mga nalaman ko. Ibig niyang sabihin, wala siyang intensyon na lokohin ako bagkus natakot lang siya na baka patayin ako ni Kylah? Hindi ako makapaniwala.

Totoo ba lahat ng sinasabi niya?

"Bakit hindi mo nagawang sabihin sa'kin?"

"Kapag sinabi ko sa'yo, papatayin ka niya. Maraming nakamatyag sa'yo, sa'tin. Ginusto ko nalang na sirain niya ako, huwag ka lang niya patayin. Kahit magmukha akong masama sa paningin niyong lahat, ayos lang. Atleast nailigtas ko kayo sa malinis na paraan. Nailigtas kita kahit nasira 'yong relasyon natin."

"Red."

"Ayoko sanang sundin siya pero mas inisip kita. Wala ring silbi kung hindi ko siya pinagbigyan dahil papatayin ka naman niya. Maniwala ka sa'kin, Chloe, hindi ko ginustong lokohin ka."

Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung bakit naistatwa ako sa aking mga narinig. Hindi ko kasi akalain na maririnig ko sa kaniya ang ganun. Nagsisisi tuloy ako sa mga ginawa ko sa kaniya.

Hindi ako nakasagot bagkus humagulgol ako ng iyak. Hindi ko akalain na ang babaeng 'yun ang naging dahilan para masira kami. Hindi ko lubos maisip na mali palang pinag-isipan ko si Red ng masama. Kung tutuusin, naging mabuti siya sa'kin kahit pa man alam niyang masisira kami. Kasalanan ni Kylah lahat ng 'to.

"Sinubukan kitang hanapin pero ang damot ng tadhana. Nang maibalik sa rehab si Kylah sa tulong ni Arvie ay nag-ipon ako ng lakas ng loob para hanapin ka. Para masabi ko sa'yo ang totoo pero ganoon nalang ang gulat ko ng malaman kong ikakasal ka kay Arvie." Muntik pa niyang hindi ituloy ang huling sasabihin. Alam kong nasasaktan siya sa katotohanang 'yun.

"Pero ayokong makasal sa kaniya.." napakaemosyonal na ani ko.

'Yon naman talaga ang totoo. Wala akong nararamdaman kay Arvie at tanging sina Mama ang nagpupumilit para makaahon kami sa kahirapan.

"Ayaw mo man o hindi, wala ka pa ring magagawa. 'Yon ang gusto ng mga magulang mo. Alam kong alam mo na ayaw sa'kin nina Tito,.una pa lang ay ramdam ko na. Nong mga panahon na wala ka't hindi kita mahanap, ipinatayo ko 'yong restaurant na pangarap natin.  agbabakasakali kasi akong kapag nahanap na kita ay may maipagmamalaki ako sa'yo at sa mga magulang mo.."

Love by Chance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon