CHAPTER 9

106 50 1
                                    

ARVIE'S POV

Katatapos ng aking duty ng marinig ko ang balita tungkol sa barkong sumabog. Kinabahan ako bigla pagkarinig non. Pakiramdam ko kasi ay bumigat ang aking dibdib. Naalala ko kasi 'yong sinabi ni Kyron na may pinuntahan si Red at sumakay daw ito ng barko. Pumaroon ako kaagad sa daungan noon ng barko. Gaya ko, marami din ang tao doon. Mukhang kapamilya ng mga sumakay. Marami at pulos iyakan ang maririnig dahil minuminuto silang may iniaahon na bangkay. May ilang nakaligtas naman sa naturang trahedya.

Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kaibigan kong si Red. Kahit pa man galit siya sa akin dahil sa gusto akong ipakasal ng ama ni Chloe sa anak ay may pakialam pa rin ako sa kanya. Malapit ko siyang kaibigan noon. Nasira lang dahil sa planong ipakasal ako sa dati nyang kasintahan.

Sa katunayan, ayokong matali kay Chloe. Mahal siya ng kaibigan ko pero hindi ko kayang suwayin ang mga magulang ko. Lahat ng gusto ko ay hindi nasusunod mula pagkabata. Pati 'yong pagpili nila sa kursong kinuha ko ay sila ang nagdesisyon. Kumbaga, sunud-sunuran ako sa mga gusto nila.

Nakausap ko si Tito Melvin kahapon. Pinag-usapan namin na sasama ako sa paghahanap kina Chloe. Alam kong hindi gusto ni Tito si Red para sa anak. Hindi ko naman siya masisisi e. Talaga ngang konti palang ang alam nya sa kaibigan ko.

On the way ako ngayon papunta kina Tito Bert, tatay ni Red. Alam kong nabalitaan nilang nagkita-kita ang tatlo sa barko. Nabalitaan ko rin na dinalaw nila si Mikay kahapon. Gaya ko,gusto rin nilang makasiguro na ligtas ang kanilang anak. Kailangan ko rin silang tulungan dahil hindi lang kaibigan ang turing ko kay Red kundi kapatid na rin.

Nakarating ako roon ng hindi ko namamalayan. Alam ko naman ang address dahil madalas akong matulog sa kanila kapag ganon na magkakagalit kami ni Daddy. Ramdam kong welcome ako sa kanila kaya natutuwa ako. Hindi ako nakaramdam ng pagkailang dahil gaya ng sabi ko welcome ako sa kanilang tahanan.

Pinark ko nalang basta ang aking sasakyan. Bumaba na ako't pumaroon sa loob. Nadatnan ko ang ilang kasambahay na naglilinis sa garden. Binati nila ako't ginantihan ko naman sila ng ngiti. Dumiretso ako papunta sa kanilang sala, nadatnan ko sina Tito roon na nakaupo.

Nagbigay galang naman ako sa kanila, pagkatapos ay umupo na ako. Gusto ko silang makausap ng masinsinan tungkol sa paghahanap kina Red.

"Tita, Tito, narito po ako upang makipag-usap sa inyo ukol sa paghahanap kina Red." Pagsisimula ko, kaharap ko silang mag-asawa. Nakaupo ako kanilang harapan at may lamesa sa pagitan namin kung nasaan ang mga makakain na ipinahanda nila.

"Hindi ko alam kung bakit kinakailangan mo pang gawin ito, nak. Alam kong alam mo na galit ang anak ko sa'yo dahil sa planong kasal nyo ni Chloe." ani ni Tita na nakikita ko sa mata nyang nalulungkot siya para sa anak.

"Tita, hindi ko po muna iniisip ang bagay na 'yan. Gusto ko pong isantabi muna iyon at hanapin silang dalawa ni Chloe. At kapag nahanap na po natin sila, doon ko po aayusin ang bagay na 'yon.." magalang na wika ko.

"Hindi mo naman kayang saktan ang anak ko 'diba?" Tanong ni Tita sa akin habang diretso ang tingin.

"Tita.."

"Mahal na mahal ni Red si Chloe alam mo 'yan. H'wag ka sana gumawa ng dahilan para tuluyang masira ang pagkakaibigan nyo ng anak ko. I hope you undestand what Im talking about, Arvie.." hinawakan nya ang kamay ko at hinimas iyon.

Maski mga magulang ni Red, nagiging desperada na rin kay Chloe. Gusto nila ito para sa anak, kaya nilang magsakripisyo sa ikakasaya ni Red. 'Yon na yata ang kinaiinggitan ko sa aking kaibigan. Kabaliktaran kami ng buhay. Kung si Red hinahayaan nila sa mga gusto, iba naman sa akin.

"Magtiwala lang kayo po sa'kin, aayusin ko po lahat. Hayaan nyo rin po akong tuluyan kayo sa paghahanap kay Red. Naniniwala akong buhay siya, na nakaligtas sila ni Chloe. Kung wala silang maipakitang bangkay sa atin, malamang nastock sila sa isla..." tugon ko at diretso ang tingin sa mag-asawa.

Love by Chance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon