CHLOE'S POV
Ilang araw na ang lumipas mula ng mapunta kami dito. Nakakasama ko 'yong taong minsan nanloko sa akin. Hindi ko naman gugustuhin na makasama siya pero wala akong magawa. Gusto ko siyang takasan dahil ayokong mapalapit ulit sa kanya pero hindi ko kaya. Wala akong mahingan ng tulong. Kahit pa nagpapakita na siya ng maganda, hindi parin nya ganun na nakuha ang aking tiwala. May pagdadalawang-isip pa rin ako. Hindi ko maintindihan.
Nang magising kami ay sinamahan ko siyang manguha ng makakain namin. Sa loob ng isang linggo na magkasama kami, aminado akong nag-eenjoy ako. Dito ko nararamdaman ang pagiging malaya. Kung ikukumpara ko ang buhay ko sa amin, kahit kailan hindi masusunod ang gusto ko. Sina Mama ang laging nagdedesisyon para sa akin at wala akong magawa kundi sumunod.
Tinulungan ko si Red na magtayo ng munti naming silong pagkatapos naming kumain. Hindi nya sana ako papayagan kaso nagpumilit ako. Gusto ko lang siya tulungan dahil lagi nalang siya ang naghihirap para mabuhay kami sa isla na ito. Ayoko ng special treatment, parehas kaming nastock at gusto kong maging fair. Kahit hindi nya sabihin, alam kong nahihirapan siya. Hindi naman ako ganoong ka-sama para hayaan siyang gumawa lahat.
Parehas kaming napagod ng sa wakas ay nakapatayo na kami ng silong. Naupo kami parehas doon at habol ang aming hininga. Tinignan ko siya at ang dami ng kanyang pawis sa mukha. Kinuha ko ang kapiraso ng aking damit at inalok ito sa kanya. Nagulat siya sa aking ginawa pero sinenyasan ko siyang kunin nya ito. Pagod na pagod siya at 'yon ang natitiyak ko. Wala na siyang nagawa kaya kinuha nya ito't ipinamunas sa kanyang mukha.
Tumanaw kami sa lawak ng karagatan. Tanging bagsik ng alon ang maririnig sa buong paligid. Napakaganda ng tanawin na aming nakikita. Ilang buwan na rin noong huli akong nagbakasyon sa isang resort. Sa sobrang busy ko sa work ay hindi ko na mabigyan ng oras ang sarili ko para mag enjoy. This is the right moment to have fun. I really enjoyed every moment of my life here.
Kumuha siya ng prutas sa may kanan nya at inabot ang isang mansanas sa akin. Natuwa naman ako sa ginawa nyang iyon. Kinuha ko ito at kinagat. Parehas kaming walang imik. Nakatanaw lamang kami sa dagat na kung saan saksi kung paano kami nagkrus ulit ang landas namin ni Red.
I remember the first time we met together. Kung tutuusin sa dagat rin kami nagkakilala. Nagbakasyon kami noon nina Mama sa isang resort. Hindi ako gaanong nag- enjoy kasi bussiness pala ang ipinunta ng parents ko. I'm just watching the deep ocean before when I saw a man on the beach. Hindi ko alam pero nakuha nya ang atensyon ko.Nakahubad ito ng pang itaas at pinapanood ko siyang iahon nito ang katawan. Namamangha ako sa kanya ng sobra. Sa katunayan, maganda ang kanyang pangangatawan. At sa hindi inaasahan ay napansin nito ang aking ginagawa sa kanya kaya ako ay nilapitan. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil nakakahiya ang aking ginawa. Kinakabahan ako noon dahil iba ang pagkakaintindi nya sa mga tingin kong binigay. Pero, nakahinga ako ng maluwag ng hindi nya ito binigyan ng malisya bagkus nakipagkilala pa siya sa akin. 'Yon na yung simula ng pagiging malapit namin sa isa't isa. Nalaman ko pa noon na schoolmates kami. We'ved become friends until one day he confess his feeling to me.
Lahat ng alaala na kasama si Red ay dagat ang nakasaksi. Every vacation, lagi kaming pumupunta sa resort kung saan kami nagkita. Kapag anibersaryo namin dati, dinadala nya rin ako doon. And now, saksi parin ang dagat kung ano ang meron sa aming dalawa ngayon.
Nagpahinga kami ng ilang oras. Kasya kaming dalawa sa silong na ginawa namin. Mabuti lamang para hindi kami masikatan sa init ng araw. Sana nga lang hindi umulan dahil tyak mababasa kami parehas. Dumating ang hapon. Nasulyapan ko si Red na busy sa pag-aayos ng kahoy na aming gagamitin panggatong mamayang gabi. Sinigurado nya ring may sapat kaming kakainin. Hindi ko masyadong ramdam ang gutom. Mas lalong ramdam ko ang kaba at takot na baka may mangyari sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Love by Chance (COMPLETED)
RomanceLove can find a way.Kahit anong milya pa ang layo ng dalawang taong nagmamahal may tanging paraan na ibibigay ang panginoon upang sila ay magsama.Nothing impossible to god.Just trust him and he will bless you as much as you need it.Every person dese...