CHAPTER 38

55 0 0
                                    

ARVIE'S POV

"Hey.." Tawag ko sa napakafamiliar na tao na nakakuha ng aking atensyon. Napansin niya yatang sinusundan ko siya kaya mabilis siyang naglakad pero tumakbo ako upang sundan ito. Para siyang nakakita ng multo sa inaasta nya bigla.

What's wrong with that?

"Ano ba! Bitawan mo nga ako," depensa ni Megan ng mahawakan ko siya sa braso. Gulat na gulat siya ng makita ako.

"What are you doing here? Hindi ba't ikaw ang kaibigan ni Kylah?" Tanong ko kaagad habang hawak pa rin ang kanyang braso.

Pilit niyang binabawi ang kanyang braso pero lalo kong hinihigpitan. Napapaaray siya dahil sa pagkakahawak ko.

"Ouch! Let go of me, please," tugon niya at binabawi ang braso sa'kin pero hindi ko siya pinansin at hinigpitan pa lalo hanggang sa mapaamin kung ano ang ginagawa niya rito sa ospital.

"Sagutin mo ang tanong ko, anong ginagawa mo rito? Umamin ka sa'kin, nandito ba si Kylah, ha?" Nanlilisik ang mata kong tumingin sa kanya.

Mabuti na lang hindi matao ang hallway ng ospital kaya malaya kong magagawa ang nais kong gawin sa bakla na ito. Halata kasi siyang may tinatago e.

"Wa-wala." Nauutal niyang sagot.

"Kung wala siya dito, sino ang ipinunta mo? Hindi ba't kayo lagi ang magkasama? Ibig-sabihin non ay nandito rin siya." Pagpupumilit ko.

"Mali ka ng iniisip, okay? Oo nga kaibigan ako ni Kylah at lagi kaming magkasama pero hindi siya ang ipinunta ko rito." Depensa niya.

"Kung hindi siya, pwes, sino? At bakit gulat na gulat ka ng makita ako? Ibig-sabihin non may tinatago ka." Asik ko.

"Naospital ang nanay ko, okay? Tsaka, bawal na bang magulat? Nakakatakot ka kasi e kaya tumakbo ako."

"Tss!" Inalis ko na ang pagkakahawak sa braso niya.

Kaagad nyang hinaplos ang mga braso dahil sa sakit na dala non. Tinignan ko siya ng masama dahil hindi pa rin ako kumbinsido. Sana lang nagsasabi siya ng totoo dahil kung hindi makakatikim ito sa'kin.

"Once na malaman kong nagsisinungaling ka sa'kin, alam mo na ang mangyayari sa iyo." Pagbabanta ko habang nakaduro sa kanya. Kaagad syang tumango at mabilis na tumakbo paalis.

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Pakiramdam ko ay napagod ako sa pananakot sa baklang 'yon. Dapat kong malaman kung ano ang ipinunta nya rito. Bago pa ako makarating sa desk ng mga nurse ay naisip kong hindi ko pala alam kung anong apelido ng Megan na 'yon. Tiyak mahihirapan akong hanapin kung anong room nakaconfine ang sinasabing nanay niya. Fuck!

Pagkatapos ng duty ko ay dumaan muna ako sa grocery upang bumili ng makakain. Habang tumitingin ako ay may nahagip ang mata ko sa 'di kalayuan. Hindi ako pwedeng magkali, it was her. Si Kylah 'yon at hindi ko kilala ang babaeng kasama niya. Parang kailan lang noong nakita ko siya sa mall. Parang hindi siya buntis kung gumala. Tsk!

Napahinto ako at pinanood sya. Walang bakas sa mukha nya ang stress o pagod. Doktor ako kaya alam ko ang pinagkaiba ng buntis sa hindi. Noong maglakad na siya ay doon pa ako nagulat ng husto. Kung maglakad ito ay parang normal. Kung buntis talaga siya bakit ang wirdo ng mga galaw nya? Damn! Parang may mali.

Dahil hindi mapakali ang sistema ko ay kaagad kong tinawagan si Red upang kausapin. Hindi raw makakapunta si Kyron dahil may appointment siya. Hindi ko na siya pinilit dahil mukha kailangan niya ng time.

Naroon na sa bar si Red ng dumating ako. Naabutan ko kasi ang rush hour kaya nalate ako sa napag-usapang oras. Bumungad sa'kin ang napakainosenteng mukha niya. Wala siyang kaalam-alam sa mga ginagawa ni Kylah.

Love by Chance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon