CHAPTER 26

75 21 0
                                    

CHLOE'S POV

Hindi ko alam kung tama ba na magsama-sama kaming apat ngayon sa iisang table. Masasabi ko kasing awkward e lalo na may nangyari sa nakaraan na hinding-hindi namin makakalimutan. Hindi ko maiwasang sulyapan si Red, mukhang hindi maganda ang aura niya. Sinadya pa yatang akbayan ako ni Arvie kaya napunta roon ang tingin ni Red. Pilit kong inaalis pero binabalik naman ng gago.

Bakit sa dinami-dami ng pupuntahan nila ay dito pa? Seriously, makikipagplastikan ako sa Kylah na 'to? Argh! Hindi ako makapaniwala. Gusto ko tuloy siyang sampalin dahil lahat ng baho niya ay alam ko na. Nasabi na lahat ni Red sa'kin.

"So, kailan ang kasal niyo? 'Hwag niyo kaming kakalimutang imbitahin ah." Hindi namin inaasahan na sasabihin ni Kylah 'yun ngayon.

Nagkatinginan kami ni Arvie bago napunta kay Red. Abala ito sa paglalaro ng pagkain na nasa plato niya. Hindi naman nakapagtatakang narinig niya ang sinabi ng kasama niyang higad. Masiyadong maingay.

"What do you think you're doing, Kylah?" Inis na singhal sa kaniya ni Red pero nasa plato ang tingin. Mukhang siya pa ang nahihiya sa inasta ng kasama niya.

"Why? Masama na bang tanungin sila tungkol sa wedding? C'mon, Hon, hwag mong ipahalata na killjoy ka." At umirap pa ang gaga. Gosh! Hon? So cheap parang siya lang. Duh!

"Tss."

"So, kailan nga?" Pangungulit niya.

Mukhang sinasadya niyang iopen ang topic na'yun gayong naririnig ni Red. Hindi ko alam kung kaya ko pang pigilan ang sarili ko. Baka maya't maya ay masasampal ko na siya sa inis.

"Hmm. On-going palang 'yong pagplaplano. Wala pa namang exact date." Si Arvie ang sumagot. Sinusubukan niyang maging pormal na kumausap sa malanding kasama ni Red.

Sinulyapan ko si Red. Nakikita ko ang pagpipigil niyang magalit. Pansin ko sa mga kamay niyang nakalapag sa mesa. Kabisadong-kabisado ko kung kailan siya magagalit. Sa tagal naming magkasintahan ay hindi nakapagtatakang kabisado ko.

"Nice to hear that. Hwag kayong mahihiya na magsabi sa'min if need niyo ng tulong sa wedding. We're willing to help naman kahit papaano." Halata naman na nagpapabida lang siya sa'min ni Arvie.

Tanging si Arvie nalang ang tumango sa sinabi ni Kylah. Hindi niya ako madadala sa mga pagpapabida niya. Alam ko naman na ginagawa niya lahat ng 'to para ipamukha sa'kin na nasa kaniya si Red. Hindi ako gano'n kababaw na babae para kainggitan ang gaya niya .Psh!

"Si Red naman hinihintay kong magpropose sa'kin. Ang tagal nga e, balak ko nga sa America kami ikasal. But don't worry, iimbitahin namin kayo, right Hon?" At sinulyapan niya si Red na para bang walang pakialam.

Napunta kay Red ang tingin naming lahat. Napailing ito sa kawalan. Mukhang pinagpapasensiyahan niya ang kasama para hindi ito mapahiya sa'min. Hindi ko maiwasang maawa sa kaniya. Alam kong hindi gano'n kadali ang pagtitiis niya kay Kylah. Baliw kasi ang babaeng 'yan at anytime pwede siya nitong iblackmail ulit. Psh!

"Masiyado kang maingay, hindi ka ba nahihiya?" Singhal ulit sa kaniya ni Red. Pinapanood lang namin sila ni Arvie. Mukhang alam ko na kung pa'no makitungo si Red sa kaniya.

"Psh! Kung makijoin ka nalang kaya sa usapan."

Imbes na makinig si Red sa kasama ay padabog itong sumandal sa kinauupuan. Nagkatinginan kami ni Red.Nababadtrip na ito sa inaasta ni Kylah. Hindi man niya sabihin pero ramdam namin.

"Nagkaoras yata kayong lumabas ah?" Pag-iiba ni Arvie sa usapan. Sinasadya niya pang ngisian si Kylah para asarin ito. Tanging irap lamang ang natatanggap niya.

"Yeah, kailangan naming magcelebrate sa pagbabalik ng Honey ko. Namiss ko rin kasi siyang kasama kaya naisipan ko siyang yayain." Sagot ng babae.

Napatingin ako kay Red.

Love by Chance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon