ARVIE'S POV
Hindi ko makakalimutan ang nangyari sa pagitan namin ni Kylah noong nasa bar kami. Hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko. Aaminin kong may konti akong paghanga sa kanya pero ang masaklap, gusto nya si Red. Hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko. Buti nalang nairaos ko ang pag-oopera na ginawa ko kanina. Nalutang kasi ako kakaisip ng nangyari.
Niyaya ko si Kyron na pumaroon kami sa restaurant na pagmamay-ari ni Red. Nauna syang nakarating dahil dumaan pa ako sa bahay nina Tito Melvin upang makibalita. Pumalaot raw ito ulit para hanapin ang anak pero gaya namin noong isang araw, wala rin syang napala.
"Mahigit kalahating oras na ako dito, Doc, hindi ka ba nahiya sa akin?" pabirong ani Kyron. Naupo ako sa harapan nya at nagpakuha sa waiter ng kape. Kilala naman nila ako.
"Tsk! May pinuntahan pa kasi ako, Atty." pabalang na tugon ko rin. Sa aming magkakaibigan, si Red ang napakasuccessful. Pagkabukas kasi ng kainan nya, dinayo na agad at naging sikat.
"Anong problema mo't niyaya mo ako dito? Kilala kita, yayayain mo ako kapag ka ganoon. So, spill it up, men. " bulalas ni Kyron at bahagyang tinapik ang mesa.
Napabuntong-hininga ako. Dapat ko bang ilabas sa kanya ang gumugulo sa isip ko? Hindi naman siguro masama. And besides, he's my friend. Whatever!
"Normal bang makipaghalikan?" kaagad na tanong ko kaya napatigil sya sa pagtitipa ng kanyang selpon. Nakakagulat ba 'yung sinabi ko?
"Why are you asking? Don't tell me, may kinahalikan ka?" namilog pa ang mata ng kausap ko. Tinignan ako ng diretso't hinihintay ang susunod kong sasabihin.
Napasapo ako sa aking sentido. Nagdadalawang-isip akong magsabi sa kanya. Nakakahiya kasi e. Shet! Ito ang kauna-unahang beses na magsasabi ako ng ganito sa kanya. For sure, pagtatawanan ako ng loko.
"Hindi ko sinasadyang halikan sya. I was drunk that time, I swear. Hindi ko naman akalain na nagawa ko 'yon. Shit! Nakakahiya!" napahilamos ako sa aking mukha. Kapag ganitong usapan, parang wala akong mukha na maihaharap.
"And who's that lucky girl?" taas kilay na tanong nya sa akin. Napatungo ako sa kanya. Nakangisi pa ang loko na animo'y konti nalang pagtatawanan na nya ako.
"Huwag ka ngang ngumisi ng ganyan, Ky, nakakabadtrip e. It was just a kiss okay, walang masama sa ginawa ko," singhal ko. Hindi ko gusto ang titig na tinatapon nya sa akin. Pakiramdam ko napakalaking kasalanan 'yung halikan na 'yun. Tsk!
Natawa sya sa inasta ko."Why? Napakasungit mo naman, bawal na bang ngumisi? Wala naman akong sinabi na mali ang makipaghalikan, sadyang oa ka lang talaga," napailing pa ito.
"Tsk! Whatever. Ang pangit mo kausap," singhal ko. Kung narito si Red malamang mas matino sya mag-isip kaysa rito kay Kyron.
"So sino nga 'yung lucky girl? Maganda ba? Sexy?" Naeexcite nyang tanong.
"Si Kylah lang naman," sagot ko at sumimsim sa kape na kakalapag nila sa mesa. Nawala ang ngiti nya sa mga labi't nakunot ang kanyang noo. Well, alam kong nakakagulat.
"Wait, are you kidding me? Hahaha!" Tumawa pa ang loko.
"Mukha ba akong nagbibiro?" pabara na ani ko.
Tinitigan nya ako ng matagal. Sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Kung tutuusin, nakakatawa 'yung binalita ko sa kanya. Si Kylah ba naman na parang aso kung maghabol kay Red ang pinatulan ko. Nakakatawa talaga!
"Hahaha! For real? Sa dami ng babaeng pwede mong halikan, si Kylah pa na aso umasta kay Red? Ibang klase ka, Doc, pinatulan mo talaga 'yong ganoong klase ng babae, huh?" Nagpakawala na naman ito ng napakawalang kwentang halakhak.
BINABASA MO ANG
Love by Chance (COMPLETED)
RomanceLove can find a way.Kahit anong milya pa ang layo ng dalawang taong nagmamahal may tanging paraan na ibibigay ang panginoon upang sila ay magsama.Nothing impossible to god.Just trust him and he will bless you as much as you need it.Every person dese...