CHAPTER 30

55 15 0
                                    

CHLOE'S POV

I was waiting for Red to come over here at Arvie's condo. Hindi ko maiwasan ang kabahan at the same time matakot. Napapahawak ako sa aking dibdib sa lakas ng tibok ng aking puso. I don't know why I need to feel like this. May mali ba?

Napahinto ako sa paglakad pabalik-balik dito sa sala ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Napatingin ako roon at nagulat ako ng iluwa nun ang bulto ni Red. Kaagad na nagtama ang aming tingin.

To be honest,I want to run over him and hug him tight but I can't. Pinangunahan ako ng hiya.

"Chloe?" Halos tumaas pa ang aking mga balahibo pagkarinig ng pangalan ko na binigkas niya. It sound so good. Para akong nakikinig sa pinakamagandang boses na meron sa buong mundo.

Napayuko ako.

I don't know what I'm going to do infront of him. Hinimas ko ang aking mga palad sa kaba. Narinig ko nalang ang paglapit niya sa'kin. Naistatwa ako't hinintay ang mga susunod na mangyayari

"So, ano ang pag-uusapan natin?" Rinig ko na ani niya sa mababang tono. Sinulyapan ko siya. Nakakrus ang kaniyang mga braso at diretso ang pagkakatitig sa'kin.

Napabuntong-hininga na muna ako ng malalim bago siya sinagot. "Uhm. Gusto ko lang sana humingi ng tulong sa'yo." Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi sa kaba.

"About what?"

"Hindi ba nasabi ni Arvie sa'yo kung bakit ka niya pinapunta rito sa condo niya?" Tanong ko.

Dapat alam na niya ang dahilan kung bakit siya narito. Hindi ba nasabi ni Arvie sa kaniya o nagmamaang-maangan lang ang loko. Kung ilalarawan ko siya, napakaseryoso ng awra niya. Mukhang wala siyang ideya sa pag-uusapan namin.

Napailing ito bilang sagot. Wow! So mapapasubok ako ngayon para iexplain sa kaniya ang pagpunta niya rito? Nakakainis. Ano na lang ang magiging itsura ko sa paningin niya.

"It's all about our wedding, Red."

"So, what about it?" Sarkastimong ani niya at pinagtaasan pa ako ng kilay. Tsk! May gana pa talaga siyang maging ganito ngayon huh? Psh!

Hindi ko naiwasan na singhalan ito dahil sa kaniyang mga inaasta. Nakaramdam ako ng inis sa paraan ng kaniyang pagsagot. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung hihingi pa ba ako ng tulong sa kaniya o hindi na.

"I just want to ask some help from you. Wala na kasi kaming malapitan na iba kundi ikaw nalang. I know your busy but I really really need your help, please?" Pagmamakaawa ko sa kaniya.

Para pa akong bata na nagpacute sa kaniya mapagbigyan lang. Kung kinakailangan na gawin ito,gagawin ko mapapayag lang siya. Magmukha man akong katawa-tawa, I don't care.

"What if I don't like?"

Doon na ako nagsimulang kabahan. Sa pagkakasambit niya ng mga katagang 'yun ay tumibok ng mabilis ang puso ko. Pakiramdam ko kasi, malaking pagsubok itong kinakaharap ko ngayon. I don't want to hear any rejection from him. J badly need his help this time.

Nakakaramdam ako ng pressure kaya naman pinakalma ko muna ang aking sarili bago siya sinagot. Yeah, that's right, I need to calm myself to free from any stress.

"Please, Red, I really need you." Pagpupumilit ko.

Hinawakan ko pa ang kaniyang braso ng tuluyan na akong makalapit sa pwesto niya. Napatingin siya roon pero hindi ko inalis ang pagkakahawak ko. "Ibibigay ko lahat ng gusto mo kahit pera pa 'yan o kahit mamahaling sapatos, bag, o whatever, ibibigay ko. Tulungan mo lang kami."

Tinitigan niya ako ng matagal. Tinapik ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso. Kinabahan ako ng diretso niya akong titigan. Napayuko ako sa hiya. Nakakailang kasi ang pagtitig na kaniyang ginagawa.

Love by Chance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon