Hindi ko alam ang gagawin kung paano kalimutan ang lalaking minsan kong minahal ng higit sa sarili ko pero linoko lang ako. Oo, niloko ako ng lalaking nangako sa akin na mamahalin ako habang buhay. Na ipaglalaban ako sa lahat ng bagay sa abot ng kanyang makakaya pero bakit ganoon, nagawa niya akong lokohin.
Mahirap kalimutan ang lalaking minsan nagparamdam sa akin na sobrang worth it ko mahalin. Iyong tao na walang ginawa kundi ipagmayabang ako sa bawat tao na kanyang makakasalamuha. Naramdaman ko sa kanya na ang sarap pala magmahal ng hindi sapilitan.
Nagpaulit-ulit sa aking isipan kung paano nya ako lambingin, suyuin, lalo na ang pasayahin. Mula noong nililigawan pa lamang ako ay naramdaman ko na ang kanyang pagpapahalaga. Napakasarap niyang kasama. Lahat ay ginagawa niya para hindi ako malungkot. Ang effort niya kung tutuusin. Hindi ko hiniling sa kanya na ituring nya akong prinsesa pero ginawa niya pa rin. Pinaramdam niya pa rin na swerte ako sa kanya.
Pero, sobrang mapaglaro ang tadhana. Ang bagay na ipinangako nya sa akin na hindi nya gagawin ay nangyari sa pagkakataong hindi ako handa. Hindi ko naman siya masisisi kung ginawa niya iyon pero kapag naaalala ko, napapaluha ako sa sakit.
Flashback.....
Jared Manzano. Boyfriend ko sya almost four years and masasabing kong nasa tamang tao na ako. He always understand me and never give up what attitude I have. Na kahit busy ako at nawawalan na ng oras sa relasyon namin ay hindi siya nagkaroon ng babae. Malaki ang tiwala ko sa kaniya.
Sa loob ng maraming taon namin na magkasintahan, pinapayagan ko siya sa lahat ng bagay. Pakikipag-inuman sa mga barkada na umuuwi naman siya on time. Hindi naman ako iyong tipo ng nobya na pinagbabawalan siya. Magpaalam lang siya ay sapat na iyon para payagan ko. Never akong nakaramdam sa kaniya na nasasakal ako. Overprotective siya sa'kin pero hindi naman yung sobra, sakto lang.
On the way ako ngayon papunta sa condo namin dahil galing ako sa work for almost 3 days. Yes, we live in a condominium but never nya pa akong niyaya na makipagtalik. He respect me more than I think. Naisipan na namin na magsama tutal nasa tamang edad na kaming dalawa.Nagtutulungan naman kami sa mga gastusin. Tinutulungan nya ang kanyang pamilya kahit papaano. Nag-iipon rin kami para sa aming pangarap na restaurant.
Gusto niya daw muna na ikasal kami bago may mangyari sa'min na ikinatutuwa ko naman. Pero minsan may pagkamanyak siya at ginagawa niya namang biro. Hindi niya alam na uuwi ako ngayong anniversary namin. Bago ako makarating sa condo namin ay huminto muna ako sa bakery at umorder ng isang cake na para sa'ming dalawa. Sinadya kong piliin ang carrot cake dahil iyon ang paborito namin. Sana magustuhan niya.
Pagkabigay ng order kong cake ay binayaran ko na ito saka dumiretso na sa condo. Sobra akong excited. For sure masosorpresa siya dito sa gagawin ko. Pagkatapat sa pintuan ay hindi na ako kumatok pa dahil baka mahalata ako. May duplicate naman ako ng susi ng pintuan kaya nabuksan ko.
Naabutan kong magulo ang sala ng condo pati na rin ang kusina. Pinulot ko isa-isa ang mga damit na nagkalat pati na rin ang ilang bote ng alak. Burara kasi si Jared at hindi alam maglinis ng bahay. Pero magaling siya magluto kaya pagkanandito ako ay nabubusog ako sa mga luto nyang sobrang sarap.
Tahimik...
'Yan agad ang bumungad sa'kin. Para bang walang tao kaya chineck ko pa kung nasa terrace siya pero wala. Napag isipan ko na baka natutulog siya kaya pumunta ako sa may kwarto namin. Dahan-dahan ang hakbang ko sa medyo makitid na hagdan. Iniiwasan kong gumawa ng malakas na ingay na baka mahalata niyang may tao dito sa baba.
Kinabahan ako ng sobra ng may marinig akong ungol ng babae. Napahinto pa ako sa paghakbang sa hagdanan ng marinig ko iyon. Sana naman mali lang ako ng akala. Kilala ko si Jared. Hindi niya ako magagawang lokohin.
BINABASA MO ANG
Love by Chance (COMPLETED)
RomanceLove can find a way.Kahit anong milya pa ang layo ng dalawang taong nagmamahal may tanging paraan na ibibigay ang panginoon upang sila ay magsama.Nothing impossible to god.Just trust him and he will bless you as much as you need it.Every person dese...