CHAPTER 33

56 13 0
                                    

CHLOE'S POV

Mag-aalas dose na ng gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi kasi mawala-wala sa utak ko si Red. Maraming negatibo ang naiisip ko ngayon. Uminom na ako ng gatas ay hindi pa rin ako makatulog. Tinatapik ko pa ang aking pisngi upang sa ganoon ay antukin ako. I also listen to my favorite song but still wala pa ring epekto. Kaya naman, bumangon ako sa pagkakahiga at sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay ang kaniyang selpon.

Ipagpapabukas ko na sana siyang puntahan pero ngayon pa lang ay hindi na ako mapakali. Sobra akong kinakabahan sa pwedeng mangyari sa kaniya. Pumunta ako sa closet at kinuha ang jacket ko na kulay pink. Kumuha rin ako ng face mask pantakip sa aking mukha. Tiyak tulog na lahat ng tao dito sa bahay. Ito na ang pagkakataon ko upang lumabas.

Dahan-dahan akong lumabas ng aking kwarto, gayun din ang pagbaba ko sa may hagdanan. Todo ingat ako sa paglakad upang hindi makagawa ng ingay. Sumilip pa ako sa may bintana upang icheck kong gising ang guwardiya. Laking pasalamat ko dahil mukhang tulog. Magcocomute nalang ako papunta sa restaurant ni Red.

Nang tuluyan ko ng makuha ang mga kailangan ko ay dahan-dahan akong nagtungo sa pintuan. Pipihitin ko sana ang doorknob ng may magsalita sa aking likuran.

"Maam, Chloe? Sa'n po kayo pupunta?" Sulpot ni Manang Lusing sa likod ko. Para akong kakapusan ng hininga dahil nabisto niya ako. Dahan-dahan ko siyang hinarap at muntik kong mabitawan ang susi.

"Ahhhh.." hindi ko alam ang aking idadahilan sa kaniya. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Kinakabahan na naman ako.

"Hating-gabi na kaya bawal ka ng lumabas." Tugon niya na nakakunot-noo na nakatingin sa'kin mula ulo hanggang paa. Sinusuri nito ang kabuuan ko.

Nag-ipon ako ng lakas ng loob upang makiusap sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang dalawang palad. I need to do this.

"Manang, tulungan niyo po akong makalabas ngayong gabi. Kinakailangan ko pong puntahan si Red. May masama po kasing binabalak sa kaniya si Papa kaya parang awa niyo na." Pagmamakaawa ko sa kaniya.

Nagulat siya sa sinabi ko kaya namilog ang kaniyang mga mata. "Jusmiyo kang bata ka! Parehas tayong mapapahamak diyan sa binabalak mo." Wika niya.

"Please po, kinakailangan ko lang talaga siyang puntahan ngayon. Kilala niyo naman si Red 'di ba?"

Sumagot si Manang Lusing. "Oo, anak, pero paano kapag nalaman ito ng Papa mo? Ako ang kinakabahan diyan sa ginagawa mo e. Bumalik ka nalang doon sa taas at matulog ka na." Usal niya.

Napasapo siya sa kaniyang noo.

Alam ko naman na delikado itong binabalak ko pero wala na akong choice. Gusto ko lang na puntahan si Red,dapat niyang malaman na pinaghihinalaan siya ni Papa. Malaking tulong ito kung sakali. Kung hindi ko siya mapupuntahan,para ko na rin siyang pinahamak.

"Manang, mula pagkabata ko nasaksihan niyo na kung paano ako sumunod sa lahat ng gusto nina Papa pero sa pagkakataong ito, hindi po ako papayag na sila ang pumili ng mapapangasawa ko. Alam kong naiintindihan niyo po ako,pakiusap,tulungan niyo ko." Pilit kong pinipigilan maging emosyonal sa harapan niya.

"Gustuhin ko man pero madadamay ang trabaho ko, anak." Tugon niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Hindi ko na napigilan pa ang mapaluha. Pakiramdam ko wala na akong magagawa upang tulungan si Red.

"Parang awa niyo na po." Emosyonal kong sabi.

Napabuntong-hininga ito at pinanood akong umiyak. takot na takot ako sa pwedeng gawin ni Papa. Kung ano ang sinabi niya ay kaniya talagang gagawin. Paano kapag nalaman niyang nagkikita nga kami ni Red? Anong mangyayari sa amin? Gosh!

Love by Chance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon