ARVIE' S POV
Habang palihim kong inaakit si Kylah ay palihim rin gumagawa sina Mommy at Daddy ng hakbang sa kasal namin ni Chloe. Wala pa 'yung kasiguraduhan pero kung umasta sila ay para bang hindi ito papalya. Naiinis ako sapagkat hindi nila iniisip ang pwedeng kalabasan ng kanilang plano. Hindi nila iniisip ang pwedeng mangyari sa pagkakaibigan namin ni Red.
Patuloy ako sa pang-aakit kay Kylah at the same time paghahanap kay Red. Desperado na akong mahanap siya. Kung hindi magiging duwag ang kaibigan ko, tiyak mapapahinto niya sina Mommy sa plano nilang kasal. Kaya dapat mahanap ko na sina Red. Hindi ko kayang pigilan sina Mommy ng mag-isa lamang ako.
Alam ko naman kasing mahal na mahal ni Red si Chloe. Kahit pa man galit siya sa'min at nananaig pa rin ang pagmamahal nito sa dating kasintahn. Hindi ako tanga para 'di 'yun mapansin.Kahit si Red 'yung tipo ng taong malihim, mabilis akong makaramdam sa mga kilos niya. Sa tagal naming magkaibigan ay kabisado ko na lahat ng ugali niya.
Natapos ang aking duty kaya umuwi na ako kaagad upang doon na sa bahay magpahinga. Nag-abala pa akong itext si Kylah para naman hindi halatang planado ang lahat ng pinapakita ko sa kaniya. Wala pang improvement sa pang-aakit ko sa kaniya pero patuloy pa rin akong gumagawa ng paraan. Nasimulan ko na kaya tatapusin ko.
Kahit nabibistado na ako hindi pa rin ako umaamin. Gusto kong isipin niya na mali siya ng akala. Ayokong masayang lahat ng nasimulan ko. Bistong-bisto ako pero hindi titigil. Alang-ala kay Red at gagawin ko lahat.
"Buti naman at narito ka na, Arvie, dahil nandito na 'yong tatahi ng damit mo sa kasal niyo ni Chloe." Bungad na ani ni Mommy nang tuluyan akong pumasok sa bahay namin.Iginala ko ang aking paningin sa buong kabuuan ng sala. May ilang tao na bago lang sa'king mata at kung ilalarawan ko ay mga inimbitang mananahi ni Mommy. Maarte ang ina ko't gusto lagi na bago ang damit na sinusuot nito. Hindi nito iniisip ang presyo bagkus kung ito ay babagay sa kaniya.
"What?!" Gulat na usal ko. Halos mapatingin pa ang mga bisita na naroon sa may sala. Mukhang inaayos nila ang mga gamit na kakailanganin sa pagsukat.
"Pinaaga ko na para hindi tayo mamoblema sa susuotin nyo ni Chloe. And besides, 'yong catering ang susunod na aasikasuhin ko. Tapos,'yung reception siguro ang----"
"Seriously, Mom, naisip mo na 'yong susuotin namin samantalang hindi pa natin nahahanap si Chloe? Are you out of your mind? Tss." Singhal ko't napailing pa ako ng bahagya. Hindi ko akalain na magagawa niya ang bagay na'to.
Nasapo ni Mommy ang noo at pinagdilatan pa. Maybe because she didn't expect I'm going to react like this. Nakakagulat naman kasi talaga. Parang mas excited pa sila kung tutuusin. At isa pa, hindi tama lahat ng 'to. Hindi pa naman sigurado ang lahat dahil hindi pa pumapayag si Chloe. Sana nga hindi na ito pumayag dahil kaming dalawa lang din ang mahihirapan..We treat each other like a friend not as a couple.
"Arvie, can you please stop acting like that? Hindi ba dapat ay matuwa ka dahil kami na ang nag-aasikaso ng kasal niyo? Look, you're busy everyday at talagang hindi mo maaasikaso ang kasal. Kaya kami na ng Daddy mo ang nag-aayos ng lahat. Nararapat lamang na magpasalamat ka pa." Sermon ng aking ina. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko na kayang makita ang mukha niya. Naiinis lang ako lalo sa paraan ng pagtitig nito sa'kin.
"This is too much, Mom." Reklamo ko.
"Son," hinawakan niya ako sa balikat. Napakasweet ng kaniyang boses na para bang kinukuha nito ang aking loob."Ginagawa namin 'to for your own good. I hope you can understand it. Jniisip namin ng Daddy mo ang future mo. Gusto naming mapabuti ang buhay mo, anak."
"Pero, hindi sa ganitong paraan,.Mom. May sarili akong buhay na gusto, hindi 'yong ganito..Pwede bang hayaan niyo akong magdesisyon para sa sarili ko? Kahit ngayon lang ay hayaan niyo ako."
Napatigil si Mommy. Napayuko at dahan-dahang inalis ang pagkakahawak sa aking balikat. Hindi naman gagawin ni Mommy lahat ng 'to kung hindi siya takot kay Daddy. Masiyadong makapangyarihan ang ama ko..Kung tutuusin, sobra siya. Nasasakal na ako mula pagkabata.
"Magpahinga ka na muna. Aasikasuhin ko muna ang mga bisita natin. Hihintayin ka namin para makuha ang sukat mo." Wika ni Mommy at tuluyan na akong tinalikuran.
Napabuntong hininga ako ng malalim. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga nangyayari. Pakiramdam ko kasi kontrolado nila lahat at para bang wala akong karapatan na mangialam. Ako ang involoved pero sila ang nagdedesisyon..Naiintindihan ko "yung point nila na gusto lamang nila na mapabuti ang buhay ko pero hindi sa ganitong paraan.
***
"Are you here again to steal a kiss from me?" Nakataas kilay na tanong ni Kylah sa'kin nang naroon na ako sa kaniyang opisina. Naisipan ko kasing lumabas at takasan sina Mommy. Wala akong panahon para makipagplastikan sa kanila.
"What do you think?" Pilyong ani ko. Nanunuksong tingin ang tinapon ko sa kaniya. Gaya ng dati, aakitin ko siya para naman mawala 'yung inis na nararamdaman ko kina Mommy.
"Tss! Hindi mo 'ko maloloko, Arvie.Hindi ka magtatagumpay sa kahit na anong plano mo. Tandaan mo 'yan." Nanlilisik ang mga mata nito na tumingin sa'kin pero imbes na madala ay nginisian ko lang 'to.
"How many times do I have to tell you na wala akong plinaplano laban sa'yo. Hindi mo ba nakikita na seryoso ako sa'yo, Kylah," sinadya kong idaan sa panlalambing ang aking boses. Gusto kong madala siya roon.
Napailing siya na para bang hindi nadadala sa pagpapanggap ko. Pero hindi 'yun rason para tumigil ako. Hinihintay ko lamang na tuluyang mahulog ang loob ko sa kaniya. Nang sa ganoon ay seseryosohin ko ang pagpapanggap kong ito. May konti akong pagmamahal kay Kylah kaya hihintayin kong dumating ang araw na hihigit pa ang nararamdaman ko sa kaniya kaysa ngayon.
"Don't you dare fall inlove with me, Arvie..I'm going to kill you!" Banta nito sa'kin kaya hindi ko napigilan ang matawa. Sinimagutan ako nito't tumagay sa baso ng alak na hawak niya.
"Pa'no niyan, nahulog na ako sa'yo?"
"Tss. I'm not interested," and she rolled her eyes.
Natawa ako sa inasta niya."Bakit ba ayaw mo sa'kin? Look, I'm a license doctor and mas madami akong pera kesa kay Red."
"Do you think pera ang habol ko sa kaniya? Hell, No! Kahit ikaw pa 'yong pinakamayaman sa mundo, never kitang papatulan. Take note of that." Pagtataray nito sa'kin.
"Red will never be yours. At kung talagang hindi ka papatol sa'kin, why did you kiss me back? Huh?" Asar ko sa kaniya. Nginisian ko pa ito kaya mas lalong bumusangot ang aura niya..This is want I what, 'yung makita siyang inaasar. She's so cute. Damn.
"Fuck! Arvie!"
"Hahaha! Chill. Walang problema sa'kin 'yon alam ko naman kasi na nagustuhan mo. Don't be shy, baby." Malambing na usal ko.
"Stop calling me baby, hindi tayo mag-on."
"Edi sagutin mo na 'ko para tawagin kita ng ganoon."
She rolled her eyes."Arvie, are you crazy? Nahihibang ka na ba dahil kung ano-ano pinaggagagawa mo sa'kin?"
"Hey, wala akong ginagawang mali bukod sa mahalin ka." At sinadya ko itong kindatan pero narinig ko lamang ang pagsinghal niya.
"Psh! Nababaliw ka na nga talaga." Singhal nito sa'kin. Linapitan ko ito at pilit akong tinutulak palayo pero hindi sapat ang kaniyang lakas. Nakangisi akong tumingin sa kaniya.Hinapit ko siya sa kaniyang beywang. Napakasama naman ng tingin ang tinapon nito sa'kin. She's really annoyed to me.
"Yap ,sayo. Hahaha!" Sabay nakaw ko ng halik sa kaniyang labi. Patakbo pa akong lumabas ng kaniyang opisina.Ganoon na lamang ang tawa ko ng marinig ang sunud-sunod nitong pagmumura sa loob.
BINABASA MO ANG
Love by Chance (COMPLETED)
RomanceLove can find a way.Kahit anong milya pa ang layo ng dalawang taong nagmamahal may tanging paraan na ibibigay ang panginoon upang sila ay magsama.Nothing impossible to god.Just trust him and he will bless you as much as you need it.Every person dese...