CHLOE'S POV
Flashback.....
Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Arvie. Pinapapunta niya ako sa kanyang condo. Sinabi ko sa kanyang pupunta ako. Nagbihis ako kaagad dahil mukhang may pag-uusapan kami. Nagsuot ako ng simple lang dahil mag-uusap lang naman kami. At isa pa, wala akong ideya kung ano ang pag-uusapan namin.
Tinext ko pa si Red na kumain sa tamang oras. Nag-aalala ako sa kalusugan niya dahil mukha busy ito sa pag-asikaso sa kanyang negosyo. Alam ko naman na 'yon ang pangarap niya noon palang. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi niya maiwan-iwan.
Tutal wala sina Papa at malaya akong makakalabas ngayon. Nasa may hagdanan ako ng salubungin ako ni Manang Lusing. Nagtaka naman ako kung bakit. Mukha siyang aligaga na hindi alam ang gagawin.
"Oh, Manang, bakit ganyan po ang reaksyon nyo? May problema po ba?" Tanong ko kaagad.
Sumagot naman ito. "Maam, may bisita ho kayo, nakakatakot ang dating niya. Gusto niya raw kayong makausap e. Sa katunayan, nagpumilit siya kahit sabi ko na busy kayo." Pagpapaliwanag niya.
Hinawakan ko ito sa kaniyang balikat upang pakalmahin. "Akala ko naman kung ano na. Sige ho, ako na pong bahala sa bisita ko. Sino po ba 'yon?"
"Hindi ko alam kung sino, anak, kaya nga natatakot ako baka kung ano gawin sa iyo." Halata ngang natatakot siya.
Ngumiti nalang ako at inutusan siyang bumalik sa kanyang trabaho. Lumunta ako sa sala at hinarap ang naturang bisita. Hindi pa ako ganoon kalapit sa sala ay nakilala ko na agad kung sino siya. Tsk! Ang kapal ng mukha nyang pumasok rito sa pamamahay namin.
Nakasuot siya ng napakaikli dress. Hindi siya ganito kataba noong huli ko siyang nakita. Napakataas ng kanyang takong kung ilalarawan ko. Ayos na ayos sya na animo'y aattend ng bigyan. Ano bang pakialam ko sa babaeng 'to? Psh!
"Anong kailangan mo at dinayo mo pa talaga ako dito sa bahay namin." Sarkastimong tugon ko ng tuluyan na akong makarating sa sala.
Nakatalikod ito sa gawi ko dahil mukhang pinagmamasdan niya ang mga picture frame na naroon sa pader na nakasabit. Well, karamihan sa mga nakasabit roon ay mga litrato ko.
Dahil sa nagsalita ako ay humarap siya. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa pagngiti na ginawa nya sa'kin. Psh! Akala niya siguro ikinaganda nya. Dakilang ahas!
"Oh, hello there, Chloe. Long time no see." Maarteng wika nya.
Lumapit ito sa akin at nakipagbeso. Ginantihan ko naman ito ng pekeng ngiti para hindi siya mapahiya.
Tuumikhim ako at hinarap siya. "So, ano nga ang kailangan mo?" Tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay.
Umupo ito sa sofa at nagdekwatro sa maarteng paraan. Samantalang ako naman ay nakatayo lamang at diretso ang tingin sa kanya. Kahit yata magmakeup siya ng makapal ay magmumukha pa rin siyang ahas sa paningi ko. Psh!
"I'm here to say something special and ask to start a friendship with you." Masiglang wika nya.
Napailing ako sa sinabi nya. Say something special? As if naman may pakialaman ako sa sinabi nya. And, start a friendship with me? Duh! No need.
Natawa ako saglit. "Psh! Nagpapatawa ka ba? Mukha ba akong interesado sa mga bagay na ipinunta mo rito?" Sarkastimong tugon ko.
Inirapan ko siya.
"Nagbabakasakali lang naman ako. Look, Chloe, it's been a year naman na, uso magmoveon. Ikakasal ka naman na soon kaya ito na ang sign para makapagsimula tayo ng pagkakaibigan," nginitian pa nya ako.
Narito pa siya para inisin ako o 'di kaya naman ay sirain ang araw ko? Daughter of bitch! Anong tingin nya sa'kin uto-uto? Hindi ako gano'n kadaling makalimot kaya hindi nya ako mapapapayag sa gusto niya. Sinasayang ko lang 'ata ang oras ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love by Chance (COMPLETED)
RomanceLove can find a way.Kahit anong milya pa ang layo ng dalawang taong nagmamahal may tanging paraan na ibibigay ang panginoon upang sila ay magsama.Nothing impossible to god.Just trust him and he will bless you as much as you need it.Every person dese...