CHAPTER 15

72 28 0
                                    

CHLOE'S POV

Napakagaan ng pakiramdam ko ng magising ako. Naalala ko ang malakas na ulan na nagpakaba sa amin parehas ni Red. Akala ko noon ay mauulit ang trahedyang naranasan namin noon sa barko. Buti na lamang ay narito sya para iligtas ako. Alam kong nahirapan sya dahil nga may sugat sya sa kanyang braso. Mas kinakailangan nya ng alaga pero inisip nya pa rin akong unahin. Madali lang kasi akong lamigin kapag naulanan. Bata pa lamang ako ay ganun na ang nararamdaman ko.

Habang kumakain ay natatanaw ko si Red sa may dalampasigan. Gumagawa ata sya ng bangka na pwede naming gamitin. Gustong-gusto ko na kasing umuwi. Kahit pa man istrikto sina Mama at Papa ay namimiss ko pa rin sila. They are my parents. Alam kong nag-aalala sila sa kalagayan ko ngayon. Lalo na hindi nila alam kung buhay pa ba ako't sino ang kasama ko. Kinakabahan ako sa kalusugan nila parehas dahil may highblood sila lalo na si Mama

Hindi ko maiwasan ang matuwa. Natutuwa ako sa lahat ng ginawa ni Red sa akin habang narito kami sa isla. Pakiramdam ko, nasa mabuting kamay ako. Hindi ko man kayang suklian ang kanyang kabutian, tatanawin ko habang bahay lahat ng iyon. Hindi madali ang pagliligtas na ginawa nya sa akin noong umulan. Gininaw sya nasisiguro ko 'yun pero inuna pa akong isipin. Napakabait nya.

Sinuri ko ang kanyang kabuuan. Nagbago talaga ang hubog ng kanyang katawan .Noong dati payat sya, ngayon ay nagkalaman na. Lumaki ang mga braso nito lalo na ang lapad ng kanyang likod. Doon ako namamangha. Hindi pa rin sya nagbabago, ganitong-ganito pa rin sya noon palang.

Kumuha ako ng saging at pumaroon sa pwesto nya. Kahapon ay binantayan nya ako hanggang sa bumaba ang lagnat ko. Inasikaso nya ako kahit pa man masakit pa ang kanyang braso. Para bang hindi nya 'yun iniinda. Kung tutuusin, malaki ang sugat na tinamo nya doon. Ibang klase ang lakas nya.

"Mukhang atat ka na umuwi ah.." Ani ko ng tuluyan na akong makarating na sa kanyang kinaroroonan. Sinulyapan naman nya ako't nginitian. Natawa sya sa sinabi ko at ganoon din ako. Umupo ako sa kahoy na naroon,'yung pwedeng maupuan.

"Hindi ba't uwing-uwi ka na? Kaya, heto gumagawa na ako ng bangkan na magagamit natin," sagot nya sa akin habang abala sa kanyang ginagawa. Bilib ako dahil iisang braso lang ang gamit nya pero nabubuo nya pa rin ito.

Natigilan ako. Talaga bang gagawin nya ito para sa akin? Akala ko ba ayaw pa nyang umuwi ng hindi ko sya napapatawad? Nalungkot ako bigla. Nag-expect ako na marami pa syang ipapakita akin. Willing naman ako bigyan sya ng chance. Huwag nya lang ako biguin.

"Akala ko ba hindi ka uuwi hanggang hindi kita napapatawad?" Prangka kong tanong. Naalala ko kasi ang sinabi nya noon sa akin.

Natawa sya bigla. Hinintay ko naman ang kanyang sagot. Bagama't makikita sa kanyang mukha na determinado syang magawa ang bangka para sa akin."Gusto mo ng umuwi 'diba? Alangan naman na pigilan kita sa gusto mo? Marami pa sigurong pagkakataon na hindi lang dito sa isla makukuha.." sagot nya ng napakaseryoso.

I sighed.

"So, hahayaan mong makauwi tayo ng hindi tayo nagkakaayos?" Hindi ko alam kung nararapat ko bang itanong ito sa kanya. Desperada akong marinig ang mga sagot nya.

"Bakit, papatawarin mo ba ako kapag pipigilan kita sa gusto mo?" nagulat ako sa kanyang sinagot. Ako 'yung nahulog sa sarili kong patibong. Psh!

Hindi ko alam ang aking isasagot kaya naman napabuntong-hininga ako. Bahagya akong kumagat sa saging na hawak ko. Ano nga ba ang pwedeng isagot sa tanong nya? Pakiramdam ko, umatras bigla ang dila ko. Hindi ko na rin kayang ibuka ang bunganga ko.

"Okay lang naman sa akin kahit umuwi tayong wala akong napala mula sa iyo. Nakasama lang kita rito sa isla't naalagaan, sapat na 'yon sa akin.." saad nya.

Love by Chance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon