JAMIE'S POV
Natigil ang pag-uusap namin ni anne ng biglang pumasok si Ionna sa Kwarto nitong clinic kung nasan ako.
"Jamie. Kumusta ka na?"tanong ni Ionna. Apaka plasik natin beh oo.
"Mabuti naman. Mabuti nga hindi pa ako namatay,"sabi ko sakanya.
"Mabuti naman okay ka na," Ani nya. Don't fucking act like you fucking care.
"Ano Ionna? Happy ka na? Na nakikita mo akong nandito? Nakahiga at hindi masyadong makagalaw? Gusto mo bang mamatay na ako? Gusto mo bang ayawan ako ng mga nagmamahal sakin dahil ang dumi-dumi kong babae?! Gusto mo bang mandiri ako sa sarili ko? Kasi i-papa rape mo pa ako?"sunod-sunod kong tanong sakanya at nakita ko naman na mukhang kinabahan ang bruha.
"J-jamie? What are you talking about? Pinagbibintangan mo bako?"pautal utal nyang tanong sakin. Di ka guilty? Oh bat ka nauutal?
"Siguraduhin mo lang na wala kang alam!"sigaw ko sakanya at nakita ko naman na napalunok nalang sya ng sarili nyang laway.
"Ionna. Umalis ka na nga muna,"sabi sakanya ni anne habang pinapalabas sa kwarto. Pagkalabas naman ni Ionna sakto naman na pumasok na si Hobi.
"What happened here?"tanong nya kay anne, pero si anne nakayuko lang at umiiling.
"Anne, Can you leave us for a minute?"Tanong ni hoseok. Tumango nalang si anne at lumabas na.
"Jamie? Ano bang nangyari?"tanong nya sakin at umupo sya sa may tabi ko.
"Nothing,"sagot ko sakanya pero nakatingin lang ako sa ding-ding nitong kwarto.
"I think... Its bad to accuse Ionna without any evidence,"sabi ni heosok. Napatingin naman ako sakanya. So sya pa ang kinakampihan mo?
"Hindi naman sa sya ang kinakampihan ko, don't think about it that way pero diba.. Maling mambintang ng wala namang sapat na basehan?"tanong nya sakin.
"Sorry,"sabi ko sakanya.
"Ewan ko, pero natatakot ako."sabi ko at hindi ko na napigilan ang mga luha na pumatak galing sa mga mata ko.
"Don't be scared. I'm always here for you,"sabi nya at hinalikan ako sa noo, pisngi at labi.
<AT THE HOUSE 'MONDAY'>
"Jamie! Welcome back!"bati sakin ng lahat ng nasa bahay. Medyo matagal-tagal din kasi akong nasa ospital. Nilipat kasi ako sa ospital kasi si heosok sabi kila anne na dapat daw sa ospital nako mag stay hang'gat di pa umaayos ang katawan ko.
Pagkadating ko, dumeretso na muna ako sa kwarto namin para magpa-hinga. Inaalagaan ako palagi ni Hoseok. Palaging may breakfast in bed, palagi kaming pumupunta sa park para makapag-relax. Nakalipas ang ilang araw na medyo paulit-ulit nalang ang ginagawa namin. Masyado syang sweet at mabait, deserve ko ba talaga to?
<FRIDAY>
Pumunta ako sa kwarto nila anne kasi wala naman ngayong araw sila namjoon. Pumunta kasi sila ngayon sa Grocerie. Sila kasi ang nakatoka ngayon sa pagbili ng mga pagkain.
"Anne? Pwede bang pumasok?"tanong ko at kumatok.
"Sige,"rinig kong sagot nya.
"Bakit? May problema ba?"tanong nya sakin.
"Wala naman,"Sagot ko ng pabulong at tinabihan sya sa sofa.
"Kilala kita. Alam ko kung may problema ka. So ano yun?"tanong nya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Alam mo kasi. Napagisip-isip ko lang, Parang ang swerte-swerte ko na kay hobi no? Kasi ang sweet-sweet nya, ang gentleman, at napaka bait pa,"sabi ko sakanya at bumugtong hininga ako...
"Oh? Ano namang problema dun? Bakit ka naman bumugtong hininga?"tanong nya sakin na para bang na-curious sya sa sinabi ko.
"Para kasing hindi ko deserve
ang ganong pagmamahal. Masyado na kasi syang mabait. Hinahayaan nya lang kami ni jimin, para ngang wala syang pakialam kahit na magsubsuban pa kami ni jimin sa harap nya eh kasi sabi nya, alam nya na parte lang naman yun ng plano ko,"sabi ko at tiningnan sya."Eh. Parte lang naman talaga yun ng plano mo diba? Wag mo sabihing naiinlove ka na ulit kay jimin,"sabi nya sakin ng nakataas ang isang kilay na para bang gusto nyang mag-duda.
"Hindi no. Hinding hindi na ako maiinlove sa taong winasak na ang puso ko,"sabi ko.
"So anong balak mo? Hanggang kailan ka mag-hihiganti?"tanong nya.
"Ewan ko. Siguro kakausapin ko nalang si hobi,"sabi ko at tumayo na.
"Basta ayusin mo problema nyo,"yun nalang ang narinig kong sabi nya kasi nakalabas na ako ng pinto ng kwarto nila. Pagbaba ko narinig ko si Ionna na may kausap sa Cellphone. Mukhang nakikipag argument ata sya.
"Nak kailangan na namin ng pera. Asan na ba yung pera na sinasabi mo?"
"Wala pa nay. Maghintay nalang kayo. Kaunting panahon nalang makakakuha na ako ng pera dito. Madali na,"rinig kong sabi ni Ionna sa taong kausap nya sa Cellphone nya. Talagang naka loud speaker pa ha, or baka talagang malakas lang pandinig ko.
"Basta! Kapag meron ka ng pera magpadala ka kaagad! Ang tagal-tagal mo na dyan sa korea pero hindi ka parin nakakakuha ng pera! Asan na ba kasi yang koryano na babaero?! Bakit kasi hindi mo na landiin! Total graduate ka na sa pagiging malandi diba? Edi ibig sabihin,professional ka na!"
"Basta. Pag nakakuha na ako ng pera magpapadala agad ako,"sabi ni Ionna at pinatay ang tawag. Anong ibig sabihin nun? Tama nga ang hinala ko!Nagpapanggap lang sya para makahuthot ng pera! Boom! Busted!
"Sino naman ang inaasahan mo na magbibigay sayo ng pera dito?"panggugulat na tanong ko sakanya.
"A-ah. A-anong sinasabi mo?"maang-maangan nyang tanong sakin.
"Narinig ko kayo ng kausap mo! Wag mo akong gawing bingi!"sigaw ko sakanya.
"Wala ka bang manners? Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo? Kasi nakikinig ka sa usapan ng may usapan?"tanong nya sakin at nagkunwari pa syang galit. Waw! Linis-linisan! Kala mo naman hindi nya rin yun ginagawa!
"Jamie? Anong nangyayari dito?"tanong ni Claire. Nakita kong pababa na silang tatlo kasama si anne at shen.
"Eto kasi eh. Apaka sinungaling!"sigaw ko sabay turo sa pagmumukha ni Ionna.
"Bakit? Anong nangyari?"tanong naman ni anne. Tiningnan ko silang tatlo.
"Tama ako! Nagkukunwari lang syang buntis para makahuthot ng pera!"sabi ko at tiningnan ko ulit si Ionna na parang natatakot na. Manloloko ka!
"Totoo ba to Ionna?"tanong ni Claire kay Ionna at nilapitan nya ito.
"A-ah. Hindi. Hindi yan totoo. Buntis talaga ako at si jimin ang ama!"defensive na sagot nya habang nakahawak sa tiyan nya na parang hindi man lang lumalaki. Palagi nalang bang 4 months ang pinagbubuntis nya kuno?
"Hindi mo ba alam na pwede kang makasuhan dahil sa ginagawa mong yan?"tanong naman ni Anne kay Ionna at nilapitan nya din ito.
"Girls? Anong nangyayari dito?"tanong ni hobi na kadadating palang at papalapit na sila dito. Dahil siguro sa takot ni Ionna na baka mabuking sya, tumakbo sya at umalis dito sa bahay.
EDITED: Apr. 22, 2022
AUTHORS NOTE: Okay. Ionna out!
YOU ARE READING
My Crazy Life With Bangtan
FanfictionJamie's already too fed up with her past- but this stupid excuse of a guy named PARK JIMIN barged in his life together with his friends. -this was my first book ever, i wrote it when i was just new with wattpad and hell it sucks. oh, i wasn't suppos...