JAMIE'S POV
Kahit tulog pa ang katawan ko,gising parin naman ang diwa ko kaya nararamdaman ko kung anong nangyayari sakin. Pagkaalis namin ni Jimin sa bar,kahit pinipilit kong matulog hindi ako makatulog. Kahit sinabi ko sakanya na inaantok na ako,hindi naman talaga ako inaantok. Nahihilo lang at nasusuka.
Naramdaman kong tumigil na ang sasakyan at ramdam ko na parang bumukas yung pinto at may bumuhat sakin. Hindi ko na minulat ang mata ko para tingnan kung sino yun dahil alam ko naman kung sino. Si jimin. Pero bigla akong nainis ng binaba nya ako at pinatayo.
"Jamie. Wake up. Go to your room,"rinig kong sabi nya. Bwisit talagang lalake to! Wala sya ng salitang gentleman! Ngayon talagang napatunayan na, sa kilos at gawa.
"Bakit? Hatid mo muna kasi ako dun,"pagmamatigas ko sabay akbay sakanya habang nakapikit parin.
"Ayokong makita tayo ni Xiao,"rinig kong sabi nya habang inaalis ang kamay ko sa balikat nya. Ano ba naman yan! Kanina sabi nya pagod na sya kay Xiao, Tapos ngayon inaalala nya pa yung dimonyitang yun?! Tsk.
Minulat ko ang mata ko para tingnan kung anong itsura nya. Ng tiningnan ko sya mata sa mata, nakita ko ang mata nya na parang nagmamakaawa na. Para naman syang ano. Akbay lang nabibigatan na sya? eh binubuhat nya nga ako na parang baby. Jusko.
"Baby?,"ng narinig ko ang boses ni Xiao dali-dali kong niyakap si Jimin. Yung yakap na kunwari ay matutumba ako. Umasta ako na hindi ko sya nakikita at wala sya dun.
"Jamie? What are you doing?"rinig kong bulong sakin ni jimin pero pinabayaan ko lang ang tanong nya at hinalikan sya sa labi. Yung halik na hindi nya makakalimutan sa buong buhay nya. Yung halik na full of feelings, pighati't pagsisisi.
"You freaking witch!"rinig kong sigaw ni Xiao at ramdam ko na papalapit na sya at sasabunutan ako. Naririnig ko rin ang mga footsteps nya na mala kapre kung humakbang ng dahil sa galit. Ng papalapit na sya at tipong sasampalin na ako at sasabunutan patalikod,tinumba ko si jimin dahilan para matumba sya habang naka halik parin sakin.
"Jimin!"rinig kong galit na sigaw ni Xiao at ramdam ko naman na inalis na ako ni jimin sa ibabaw nya. Pagkaalis nya sakin, tumayo ako at naghabol ng hininga.
"How could you flirt with my boyfreind in the middle of the night!?"rinig kong tanong nya at bigla ko syang hinarap ng may blangkadong mukha. Nagsalubong naman ang mga kilay ko ng kita ko na namumula na sya ng dahil sa galit. Lumakad ako paakyat ng hagdan at iniwanan silang mag-'asawa' sa baba. Asawa na. Dun naman yun mauuwi eh.
Pagkapasok ko sa kwarto ko, humiga ako sa kama pero may narinig ako na kumatok sa pinto.
"Bukas yan. Pumasok ka nalang,"sabi ko at nakita ko na pumasok si Jimin. Ano na naman? Hays.
"Ano?"tanong ko sakanya sabay upo.
"Oh nasan na yan si Xiao mo? Tatangkain nya na naman ba akong sampalin? Para sabihin ko hindi na yan uubra sakin."dagdag ko pa sabay tingin-tingin sa may likod nya kung kasama nya ba si Xiao.
"Hindi naman. Actually, umalis na sya."rinig kong sabi nya na kinabigla naman ng katawan ko pero sa loob-loob ko natutuwa ako. Hays ano pa nga ba? Buti naman. Tumango nalang ako at nahiga ulit. Nagkaron ng kaunting katahimikan sa loob ng kwarto.
"Jamie. What was that kiss all about?"rinig kong tanong nya sakin at ng tiningnan ko sya, nakita ko lang na seryoso ang mukha nya. Okay, i expected this to happen.
"Ginawa ko lang yun kasi napupuno nako sa Xiao mo. Gusto ko syang mainis at mag selos para lumayas na sya sa bahay na to. In that way, mababawasan na ang problema MO at mababawasan nadin ang mga buang dito sa bahay."paliwanag ko sakanya at nakita ko lang syang tumango ng marahan. Hanep! Tatango lang talaga sya??
Kita ko na papalapit na sya at tipong uupo sa tabi ko. Pinabayaan ko lang sya kasi inaantok na talaga ako. Ramdam kong inalisan nya ako ng sapatos at nilagay nya yun sa may side ng closet ko. Wait.. Nasusuka ako!
"Br....aug...." Ooops, di yun sadya.
"Jamie. What the f-,"rinig kong sabi ni jimin at kita ko na nakatingin sya sa damit nya na nasukahan ko at tipong nandidiri sya.
"Paumanhin mahal na barakuda,"sabi ko at inayos ang paghiga ko at pinikit ulit ang mga mata ko. Minulat ko ng slight ang mata ko at nakita sya na dumeretso sa cr namin ni hobi. At bakit.. Dun? Dun ba nya balak mag shower?
Pagkapasok nya sa Cr, hindi ko na alam kung ano pang sunod na nangyari dahil kinain na ako ng antok. Maya-maya lang may narandaman akong malambot na bagay na bumalot sa katawan ko at mainit na bagay naman na dumampi sa noo at pisngi ko.
"Sweet dreams" yan nalang ang narinig kong sabi nya at rinig ko rin ang pagsarang pinto. Umalis na sya.
Minulat ko ang mata ko para tingnan kung ano nang nangyayari. Kita ko na kakasara nya plaang ng pinto. Nagulat naman ako ng biglang namatay ang nga ilaw.
"Ahhh!"takot kong sigaw dahil takot talaga ako sa madilim. Hindi naman siguro maririnig yun nung iba diba? They're such a heavy sleeper.
"Jamie? Bakit ka ba sumigaw?"rinig kong tanong nya sabay pasok sa kwarto ko.
"M-madilim,"sagot ko.
"Wait. Kuhanin ko lang yung flashlight,"sabi nya at rinig ko ang footsteps nya na papunta sa kwarto nya. Maya-maya lang nakarating na sya agad at tinabihan ako sa higaan. Relax jamie, 2 minutes lang to. Nakalipas na ang 10 minuto pero hindi parin bumabalika ng koryente. Bakit ba?!
"J-jimin,"Tawag ko.
"Hmm.."he hummed in response.
"S-sa tingin mo may inaayos kaya silang transformer or whatever.. Kaya ang tagal ng shutdown?"tanong ko sakanya.
"I think so. Wait, tatawagan ko lang yung electricity manager,"sabi nya sabay kapkap sa bulsa nya para kunin ang cellphone nya pero kapkap parin sya ng kapkap pero parang wala syang nakukuhang phone.
"Bakit? May problema ba?"tanong ko.
"Wala sa bulsa ko ang phone ko. Sa tingin ko naiwan mo sa kotse,"rinig kong sagot nya.
"I'll just get it,"rinig kong sabi nya At sabay narin syang tumayo pero agad ko syang pinigilan gamit ang paghawak sa kamay nya.
"D-dont go. Wag mo 'kong iwanan dito,"sabi ko sabay bitaw sa kamay nya.
"Okay. I will stay here with you,"sabi nya sabay tabi ulit sakin. Humiga na ako at ramdam ko na tinatapik-tapik nya ang balikat ko.. Para siguro patulugin na ako. That's how i drifted off to deep slumber.
EDITED: Apr. 24, 2022
AUTHOR'S NOTE: Good morning y'all!!!!😊
YOU ARE READING
My Crazy Life With Bangtan
FanficJamie's already too fed up with her past- but this stupid excuse of a guy named PARK JIMIN barged in his life together with his friends. -this was my first book ever, i wrote it when i was just new with wattpad and hell it sucks. oh, i wasn't suppos...