{Chapter 20}

104 6 0
                                    

JAMIE'S POV

Kahit tulog pa ang buong katawan ko, Gising na gising na ang diwa ko. Nakakaramdam narin ako ng pananakit ng katawan, panghihina,at gutom.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Nakita ko ang puting kisame. Tumingin ako sa kaliwang side ng higaan at dun ko nakita si Jimin na naka-sandal ang ulo sa may higaan habang nakahawak sa kamay ko. Nakita ko naman sa kanang side ng higaan si Hobi na ganon din ang itsura kagaya ng kay Jimin. Napangiti nalang ako ng nakita ko silang dalawa na nasa tabi ko.

"Guys she's awake,"rinig kong sabi ni Taehyung na mukhang kakapasok palang sa pinto at ng pagkasabi nyang yun sabay nya na ring ginising sila Jin,yoongi,jimin at heosok.

"J-jamie. How do you feel? Okay ka na ba?"Tanong ni Jimin at ngumiti nalang ako at marahang tumango. Ramdam kong hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko. Hinawakan ko ang kamay nya gamit ang kanan kong kamay para tanggalin ang kamay nya na nakahawak sa kamay ko at nginitian nalang sya. <Oh diba ang daming kamay?ಥ⌣ಥ>

"Are you sure? Sabihin mo lang pag may masakit ha?"rinig kong tanong naman sakin ni Heosok kaya tiningnan ko sya at nginitian nalang din. Bakit parang napipe ata ako?

"Nasan si Anne? Si Claire at si Shen?"tanong ko sakanila habang hinahagilap kung nasan sina anne.

"Nasa kabilang kwarto sila,"sagot ni hobi.

"Okay narin ba sila?"tanong ko. Nakita ko namang tumango silang lahat, maliban kay jimin. Salamat naman okay na sila.

"Pwede ko ba silang puntahan?"tanong ko. Tiningnan ko si Hobi ng may pagmamakaawa sa mukha pero pacute.

"I think kailangan mo muna magpahinga Jamie,"sabi ni jimin. I slightly frowned.

"Babe? Are you okay? You said you will be back,"rinig kong tanong ng kung sino sabay lapit kay Jimin at kita ko na yumakap pa sya at humalik pa talaga sa labi. So, Speaking of the other devil. Sino naman kaya to? Nandito na yung babae na nakita ko sa video call na nakikipag-landian kay Jimin habang nasa piligro ang buhay naming apat.

"Jimin. Sino sya?"tanong ko kay jimin habang nagtataka parin kung ano ba ang pangalan nya at kung kaano ano nya ba si Jimin. Pero parang halata naman na, but tanga tangahan time na muna tayo.

"I'm his girlfriend,"rinig ko namang sagot nung babae. Napatingin nalang ako kay Jimin ng deretso at nagtataka padin. Girlfriend na naman agad? Hulaan ko. Di pa siguro lampas isang araw ng magkakilala sila.

"What's your name?"inosenteng tanong ko sa babae at ng magsasalita na sya, bigla syang sinapawan ni Jimin.

"Jamie this is Xiao. Xiao this is Jamie,"pakilala ni jimin sa babaeng 'girlfreind' nya. Napatango nalang ako at nakipag-shake hands,pero yung shakehands na plastik! Dalawang pilipina tapos ngayon naman intsik?

"I will go and visit anne,"sabi ko at bumangon ako pero biglang sumakit ang braso ko dahilan para mamilipit na naman ako sa sakit.

"Jamie,"Biglang sambit ni Jimin at nilapitan ako. Sya naman ngayon ang O.A.  Daig nya pa si hobi na boyfreind ko eh. Boyfriend ba sya? Ha?

"Wag ka ngang ano dyan, Okay lang ako,"sabi ko at humarap sa may kay Hobi. Dahan-dahan akong umupo sa tulong ni hobi. Inaalalayan nya ako papunta sa wheelchair. Ng nakaupo na ako, tiningnan ko muna sina jimin at si Xiao bago kami makalabas ng kwarto.

Pagkapasok ko palang sa kwarto kung nasan si Anne,hinagilap ko agad sya kung gising na ba sya pero nakita ko sya sa higaan nya na tulog na tulog pa din. Nilapitan namin sya. Pagkalapit ko sa may gilid nya, hinawakan ko ang kamay nya. Hindi ko na napigilang maluha.

Anne sorry. Ng dahil sakin napahamak ka. Sorry kasi nang dahil sakin, nasaktan ka pa. Ako lang naman kasi ang kailangan ni Ionna eh. Sorry kasi pati ikaw nakadamay pa.

"Anne. Sorry ha,"Bulong ko.

"Para saan naman?"rinig kong tanong nya. Nagulat ako ng bigla syang magsalita. Gising na pala sya? Ng nakita ko syang ngumiti at hinawakan rin ang kamay ko, hindi ko na talaga napigilang maiyak at yakapin sya.

"Jamie. Ano ka ba. Okay lang ako,"sabi nya habang tinatapik tapik ang likod ko.

"Ikaw. Okay ka na ba?"dagdag na tanong nya pa saakin.

"Oo na. Gusto ko na ngang umuwi eh,"sabi ko sakanya.

"Basta. Magpahinga at magpalakas ka. Kawawa naman yan si heosok,"sabi nya sabay tingin kay heosok. Napatango nalang ako habang nakangiti.

<3 Days ago, IN THE HOUSE>

Napapansin ko na masyado ng matagal dito si Xiao. May balak na ba silang magpakasal? Sya na ba talaga ang para kay jimin? Kasi ang pagkakaalam ko kapag tumagal dito sa bahay ang isang babae ibig sabihin, girlfriend na or fiancé. Girlfriend na ba talaga? Totoo na ba talaga?

Nandito ako ngayon sa sala. Nagpapahinga pero nagulat ako ng biglang tumabi sakin si Jimin.

"Nagulat ba kita?"tanong nya at napatawa nalang.

"Hindi no,"sagot ko naman. Kita ko na nilipat nya ang Channel ng pinapanood ko,

"Bakit mo nilipat?!"tanong ko sakanya ng may pagkairita sa boses ko.

"Ang pangit naman kasi nung channel na pinapanood mo,"sabi nya na kinainis ko naman. Tsk, Kasing pangit mo! Pero bakit nainlove ako sayo? Bwisit ka!

Pinabayaan ko nalang sya dahil pinipigil ko talaga ang mainis ngayon. Tumayo ako at naglakad papunta sa may hagdan. Dun nalang ako manonood sa kwarto namin ni Heosok, bwisit kasi yang isa dyan.

Nang nakarating na ako sa pangatlong apakan ng hagdan,hindi sinasadyang nadulas ako. Napapikit nalang ako, patumba na ako at yung tipong nag slow-mo ang pagbagsak ko pero bago palang ako lumapat sa sahig, may naramdaman na akong kamay na nakahawak sa bewang ko at sa kaliwang braso. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko ang mukha ni Jimin na ang lapit lapit sa mukha ko. H-huh?

"Okay ka lang ba?"hinghing na tanong nya sakin pero natulala lang ako at hindi na nakapag-salita pero tumango lang ako ng marahan. Tinayo nya ako ng maayos at ngumiti. Bumalik na ulit sya sa sofa at pinagpatuloy na ang panonood nya. Paano nya yun nagawa? Ang layo kaya ng sofa sa hagdan. Ang bilis nya naman.



EDITED: Apr. 22, 2022

AUTHORS NOTE: I forgot i still have to wash the dishesಥ⌣ಥ. Brb huhu, i still have to charge my phone.

My Crazy Life With BangtanWhere stories live. Discover now