{Chapter 3}

244 9 0
                                    

<Tomorrow Morning>

JAMIE'S POV

Hayuf ang sakit ng ulo ko!!! Yung parang tipong mabibiyak na.. Gosh. Pagkamulat ko ng mata ko nagulat ako ng nakita ko si jimin at heosok na nasa tabi ko. Nasan ba ako? Langit na ba to?

"Bat ka ba nakayakap sakin?" I muttered habang inaalis ang kamay ni jimin sa may bewang ko pero mas lalo nya pang hinigpitang ang pagyakap. Nananadya ba to? Gising na ata to eh!Dahan dahan akong bumangon at naka alis nadin sa kama.

"Bakit ba ako naandito? Ano bang meron?" Sabi ko habang tinitingnan ang palibot ng kwarto. I sat down on the edge of the bed and massaged my temples.

Kita ko naman na umusog si jimin sa may katabi ni heosok. Ang galaw nya pala matulog. Pagtayo ko bigla ako nagulat ng bigla akong hilahin ni jimin patabi sakanya.

"Ayylabyou! Tangina mo naman oo," Napasigaw nalang ako. Ano ba magugulatin talaga ako! Etong lalaking to sinusubukan ata ako eh bwisit.

"I love you too baby girl,"rinig kong bulong nya. Yawaka! Nangiinis na to eh! Parang nasasanay na ata akong mag i love you kapag nagugulat.. Baka samantalahin pa nitong bansot nato. Humarap ako sakanya and take a deep breath while gritting my teeth.

"Tangina mo gising ka na eh! Gis-"sigaw ko habang pinapalo palo pa sya pero nagulat ako ng.. Tulog pa?! Tngina tulog pa pala. Gago masyado na ata akong maingay. Infairness, Ang amo ng mukha nya pagtulog ha. Hindi mo aakalain na napaka babaero nya.. Nagsasalita pala sya kahit tulog. Hehe.

Kahit pinipilit kong maka alis, hindi ako maka alis dahil sa higpit ng yakap nya. Inaantok pa ako oo. Anong oras na ba? Mukhang madaling araw pa lang naman. Right timing! Nilalamig din ako kaya okay lang na yakapin ako nitong bruhong to. Tsk bahala sya, sya naman yumakap eh, di naman ako.

ANNE'S POV

Pagkagising ko, Bumaba na ako kasi nakita ko na wala na akong katabi sa higaan. Bumaba na ako at nakita ko yung ibang na nasa kusina. Gosh ano kayang itsura ko? Eh bakit parang sila ang blooming blooming kahit messy ang hair? Futa baka mukha na akong bruha jusko. Kaso parang may kulang??? Nasan yung tatlo? Hmmm.

"What's up guys,"bati ko sakanila at nakita ko namang tumango sila. Dumeretso ako dun sa may lababo at nagmumog. Kita ko na kabababa pa lang ni hoseok and perfection! W/ messy hair.

"Hoseokieee, Nasan si Jamie?"tanong ko sakanya.

"With jimin,"tipid na sagot nya. Okayyy? Ano naman kaya ginagawa ng dalawang yun? Hindi pa ba tapos ang hang-over nilang dalawa? Grabe na yan.

"Check.. Ko lang sila ha,"paalam ko sa lahat. They just nod so i didn't mind anymore, umakyat na ulit ako papunta sa kwarto kung nasan si Jamie at Jimin. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako ng nakita kong may gumagalaw sa kama at nakataklob pa ng kumot. Gosh, What the fckkkk? The heck is happening? Apaka gm ko oo.. Bat di ako updated? Number 1 subscriber ako at complete notif dapat pero bakit gantooo? Lasing pa ba sila? Ano bang ginagawa nila?

"Jamie.. Anong ginagawa nyo?"tanong ko pero iba ang narinig kong sagot.

"Ano ba.. Stop that,"rinig kong sabi ni jamie. Okay? Stop what btw? Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Dahan dahan kong inalis ang kumot na nakataklob sakanilang dalawa.

"Sorry."

Nagulat ako ng nakita ko na paulit ulit na inaalis ni jamie ang kamay ni jimin sa may bewang nya at si jimin naman parang nananadya na binabalik ang kamay nya para makayakap pero... parehas silang tulog. Para namn silang mga bata. Kala ko naman kung ano nang milagro ang ginagawa nilang dalawa.

Pero biglang nakapukaw ng atensyon ko ang- Wait Hubad?! Nakita kong nakahubad ng t-shirt si jimin at si jamie naman.. May punit ang damit?

"Ahhhhhhhhh!"sigaw ko.

"Anong ginawa nyo?!!!!" Bigla naman silang napatalon mula sa pagkakahiga nila at nag gesture pa na parang manununtok. Nagulat ako ng biglang tinakpan ni jamie ang bibig ko.

"Ano ka ba! Ang ingay ingay mo naman anne..." She frowned at me. Nakita ko namang nagsitakbuhan yung iba papunta dito sa kwarto.

"Bakit ka ba sumisigaw?"rinig kong tanong ni jimin while rubbing his eyes and looked at me with a sleepy face. Aba't parang wala tong alam kung anong ginawa nya sa bessie ko!

"B-bakit ka ba kasi n-nakahubad? H-ha?! Ano bang ginagawa nyong dalawa?!"tanong ko kay jimin nang naka turo ang daliri ko sa may mukha nya. Wala akong pake kung parte pa sya ng pinaka sikat na boy group sa buong mundo!

"At ikaw naman! Bakit may punit yang damit mo?!"pasigaw kong tanong kay jamie.

"Jimin~ah, Ano ba kasi talagang ginawa nyo? Kay aga-aga sigaw ng sigaw tong babaeng to.. Ano ba kasi talaga yung exact problem ha?"tanong naman ni jin with a confused face. Tsk malamang sisigaw ako! Eh kay aga aga kagimbal-gimbal na agad madadatnan ko.

"Kagabi kasi, The lights are out. May electricity shortage siguro so it's definitely hot in here.. Dito sa kwarto ko as there's just one window at ang liit pa talaga.. And the air con, not even working.. So i take off my shirt para komportable ako but i kinda lost the thought that.. Andito pala si jamie. Required naman mag hubad ng damit pag mainit diba? As if naman di ako naghuhubad sa stage.. Gulat na gulat talaga eh no? And it's normal in here kasi tayo tayo lang naman.. Bangtan boys Tch" Pagpapaliwanag ni jimin.

"Oo hyung normal satin kasi mga lalake tayo, Pero wag mong kalimutan na may NAKITULOG na dalawang babae kagabi so... Maybe you should just control your habit.. Dyan ka nasanay eh," paliwanag naman ni jungkook. Nanginsulto ba sya? Never mind basta yun din ang point ko tsk.

"Ikaw bat naman may punit yang damit mo? Para kang narape dahil dyan sa itsura mo,"binalik ko ulit ang atensyon ko kay jamie and scolded her.

"Ah, ito ba? Napunit nung hinila ako ni jimin eh,"paliwanag ni jamie sakin habang nakatingin sa damit nya. Mabuti nalang may pang-ilalim syang sando.. Kung wala ay.. Napakita nya na ang iniingat ingatan nyang- okay shh nalang tayo.

"Anong hinila? Di kita hinila no?!",defensive na sabi ni jimin.

"Eh gago ka pala eh! Wala kang alam na hinila hila mo ako kaninang madaling araw! Tsk sapakan nalang oh?!"bulyaw namang sabi ni jamie sa may mukha talaga ni jimin. Napalunok nalang si jimin sabay irap.

"Can you guys stop this nonsense?" Taehyung and Suga asked in unison. And with emotionless face pa talaga ha! Ganon ba talaga sila?

"Kumain nalang kaya tayo? Nagugutom nako oo,"dagdag pa nya sabay alis. Sumunod naman na din yung iba pati si Jimin.

"Isang tanong, Isang sagot jamie," Sabi ko as i shot her a glare. Umirap lang sya at nag crossed arms pa.

"May nangyari ba sainyo ni jimin?"tanong ko sakanya with a serious face.

"Gaga Anne wala! Kay aga aga ang tanga naman ng tanong mo," Tsk.

"Eh ni heosok?"

"Wala din okay? Anne ang tanga naman oo.. Ano naman kala mo sakin?"umirap lang sya ng umirap. Baka masyado nga akong nagiging OA hayuf.

"Halika na nga kumain nalang tayo,"sabi nya sabay hila sakin palabas ng kwarto diretso sa baba.

EDITED: Apr. 20, 2022

AUTHORS NOTE: Guysss bukas naman yung iba haha, Tulog na muna ako.. 8:42 pm. Goodnight!😊

My Crazy Life With BangtanWhere stories live. Discover now