JAMIE'S POV
Dahan-dahan na akong lumakad paakyat sa hagdan dahil iniisip ko parin yung nangyari kanina.
"Okay ka lang ba?"
Kanina ko pa iniisip kung tungkol saan ang tanong nyang yun. Kasi kung tinatanong nya kung okay lang ba ako dahil sa nadulas ako at muntik ng bumagsak sa sahig, Oo okay lang ako. Nasalo nya naman ako eh, pero kung okay lang ba ako na palagi nyang kasama si Xiao araw man o gabi, ewan ko nalang.
Nakita ko na lumabas sa kwarto nila si Xiao at dumeretso na pababa ng hagdan. Nagkasalubungan kaming dalawa at nginitian nya lang ako. Syempre nginitian ko nalang din sya. Ng nakababa na sya kita ko rin na dumeretso sya sa may kay Jimin at tumabi sya dito. Niyakap nya ito at kita ko naman si Jimin na hinalikan si Xiao sa noo, pisngi ay labi.
Nanatili lang akong nakatitig sakanilang dalawa at ng napansin kong tiningnan ako ni Jimin, agad naman akong umiwas ng tingin at dumeretso na sa kwarto namin ni hobi. Pagkarating ko sa kwarto,humiga ako at nag-isip isip.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang grabe na ata ang pasakit na ginawa nya at ginagawa nya sakin?Bakit ba ako nag seselos? Saka anong dahilan ko para mag-selos? Eh wala namang kami.
Dahil sa kakaisip ko at kakamuni muni, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako dahil kinain na ako ng antok.
~
Maya-maya lang, may naramdaman akong maiinit na bagay na lumapat sa leeg, braso at pisngi ko. Panaginip ba to?
"Jamie. Its time to wake up now
Time for dinner,"Rinig kong sabi ng kung sino,pero hindi ko napigilan ang bunganga ko na bigkasin ang salitang 'Jimin'. Humarap ako sa may direksyon kung saan ko narinig ang boses na yun. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko si Hobi na nakaupo sa kama ng nakatalikod sakin.
"Hobi?"tanong ko sakanya sabay narin akong umupo.
"Si jimin ba napanaginipan mo?"tanong nya sakin at tiningnan nya ako. Kita ko naman na malungkot ang mga mata nya ng humarap sya sakin. Bakit ko ba kasi nasabi yun?!
"H-hindi ah,"defensive na sagot ko. Pero may malumanay parin na boses.
"Sabihin mo nalang~"pangungulit nya ng nakangisi. Napatango nalang ako.
"You're such a baby when you're sleeping,"sabi nya sabay pisil sa pisngi ko.
"Maghahapunan na tayo, Halika na."dagdag nya pa at hinawakan ang kamay ko sabay tayo. Naglakad na kami palabas ng kwarto. Dumeretso kami sa kusina at nakita ko na dun ang lahat,pati narin si Jimin at Xiao. Bakit ba pag nakikita ko silang dalawa na magkasama, naiinis ako!?
Umupo kaming dalawa ni Hobi sa may tabi nila Taehyung at Claire pero nanatili parin akong nakatingin kila Jimin at Xiao na nasa katabi lang namin. Nasa kaliwang side sila Claire at kanan naman sila Jimin. Kapag sinuswerte ka nga naman, katabi ko pa si Jimin.
Nagsimula na kaming kumain. Nakita ko si Xiao na sinusubuan si Jimin at ito namang si Jimin, sayang saya! Bawat pagsubo ko may gigil na naiiwan sa pagkain ko. Tuwing hahatiin ko 'tong stake, nanggigigil ako. Sa tuwing iinom ako ng tubig, pinanggigigilan ko yung baso. Kulang nalang nga basagin ko na ang baso at plato ko eh.
"Jamie. Okay ka lang ba?"takang tanong sakin ni hobi. Hindi pa ba obvious?! Syempre hindi.
"No,"mahinang sagot habang nakatingin parin kay Jimin at Xiao.
"Huh?"rinig kong tanong ng lahat ng sabay-sabay.
"H-huh? O-oo naman, okay lang ako ano ba kayo,"biglang sabi ko sabay tingin sakanilang lahat.
YOU ARE READING
My Crazy Life With Bangtan
FanficJamie's already too fed up with her past- but this stupid excuse of a guy named PARK JIMIN barged in his life together with his friends. -this was my first book ever, i wrote it when i was just new with wattpad and hell it sucks. oh, i wasn't suppos...