Kabanata 1

6 3 0
                                    

"Darating na raw ang bunsong lalaking anak na may ari ng resort!"

Pababa pa lamang ako sa bangka nang marinig ang sigawan ng mga tao. Kahit ang mga batang nagbebenta ng mga shell na ginawang bracelets at kwintas at nakikinig sa mga usap-usapan. Maligaya ang mga mukha nila dahil siguradong magkakaroon ng malaking salu-salo.

Sa pagkakaalam ko ay unang beses pa lamang ng bunsong anak ng may ng resort na pumunta dito sa amin. Maraming nagsasabi na mas gusto daw ng lalaki na doon manatili sa Manila. Kaya naman nakakapagtakang pumunta ito. Tanging ang panganay na si Steven lamang ang palaging nandito marahil ay dahil ito ang nakakatanda.

Sana pareho siya ng kuya niya na mabait at palakaibigan sa aming mga nakatira dito at nagtatrabaho sakanila. Balita ko pa naman sa pinsan ko ay masasama daw ang mga ugali ng mga tagamaynila lalot na kung mayaman.

"Cy! Pakibuhat na lang n'yang mga balde" Sigaw ni Mang Tobias. Hindi ko man lang namalayan na nakalayo na siya sa bangka.

"Opo!"

Dadalhin namin ito sa palengke para ipagbili at ang mga matitira ay maaaring maging ulam na lamang namin mamaya. Puno ang dalawang balde na buhat ko ng mga sariwang isda. At ito ang paborito ko sa lahat na ulam. Prito man o may sabaw.

Pagkarating ko sa may sasakyan ni Mang Tobias ay binigyan agad ako ng pera para sa pagtulong sakanya magbuhat. Nagpasalamat naman agad ako dahil sobra pa ang binigay niya.

Nagpupunas pa lamang ako ng pawis ng dumating si Myla na nakaporma. Suot niya ang damit na pinadala ng tita niya galing Japan. At paniguradong ipagyayabang niya sa'kin. Pero dahil sanay na ako sakanya ay naging kaibigan ko na rin ng hindi namamalayan. Duman na lang ang mga araw na lagi na lang siyang nagpapakita sa tabi ko.

"Look at my damit Cy! They are gorgeous right?!"

Tumango na lamang ako at sinabayan siya sa paglalakad. Totoong maganda iyon at bagay na bagay sa maputing balat niya. Namumukha na siyang k-pop girl tulad mga iniidulo niya.

Samantalang ang suot ko ay simpleng plain shirt at maong na short. Hindi rin ako kasing puti ni Myla dahil na rin siguro sa pagsasama ko sa pangingisda o kaya naman ay ang pagtitinda ng mga bracelet.

"Amoy isda ka girl!" Natawa na lamang ako kay Myla. Alangan naman amoy tae.

"Myla, totoo bang darating ang bunsong anak ng mga Alcantara?" Puno ng kuryuso ang tinig ko.

Agad akong napatakip sa magkabilang tenga ng magsisigaw siya at naging tili pa. Nahihiya na ako sa pinaggagawa niya kaya naman binilisan ko ang paglalakad. Paano niya nagagawang magsisigaw lalo't na dahil matao?

"Cy! My god! Magtatanong ka tapos mangiiwan ka?! Like duh?" Hinawi ni ang bagong rebond na buhok na may kulay pa.

"Nakakahiya ka e." Napasinghap siya sa sinabi ko.

"Ouch? Anyway yes! Girl!" Nagtitili na ulit siya at nang matigil saka lamang huminga na malalim para makapagsalita ng maayos. "For real bes! Reymart Grey Alcantara is on the way here! And... I'm so prepared! And alam ko hindi mo napansin no? Halata naman sa damit ko girl!"

Reymart Grey Alcantara

Iyon lang ang naintindihan ko sa mga sinabi ni Myla. Ipinaliwanag niya pa sa'kin kong ano ang brand ng damit niya at pasimple na lamang akong sumasangayon kahit na hindi ko naman naiintindihan.

Nang mapagod siya sa kakasalita ay saka na lamang siya nagpaalam. Naabutan ko si Mama na abala sa paggawa ng mga kwentas at bracelet. Nagmano ako sakanya bago nagtungo sa kusina. Nangdoon daw ang niluto ni mama na pritong isda. Pagkakita ko noon ay agad na nawala ang pagod ko.

Waves Of Obscurity Where stories live. Discover now